"Anong kahibangan 'to?" naiiritang bungad ni Caecus nang tawagin ko ito upang ikubli sina Lara, Elmaea at Peorion mula sa ace warriors. Sa ganoong paraan ay mas mapapadali ang pagpasok ng mga ito sa kweba.
"Itago mo sila mula sa mga kalaban," utos ko kay Caecus na nakabusangot na naman.
"Anong kapalit?" mataray nitong tanong na nakahalukipkip pa habang nakalutang sa ere.
"Dalawang buwan kitang hindi tatawagin," tipid kong sagot habang pinipilit ikubli ang iritasyong namumuo sa loob ko dahil sa kaartehan nito.
"Make it three!" Caecus demands the usual way.
"Okay three!" untag ko.
"Sige. Kapag tinawag mo ako nang wala pa sa tatlong buwan mula ngayon, hinding-"
"Hinding hindi mo ako tutulungan kahit na ikamatay ko pa!" pagtatapos ko sa sasabihin nito gaya ng mga naunang usapan namin.
Caecus immediatrly twists her lips and transforms into a foam of smoke covering Lara, Peorion and Elmaea. Kaagad nawala ang tatlo sa paningin nina Amber at Nicali. Nakikita ko parin sila. Nagawa pa akong tapunan ng naluluhang tingin ni Lara bago sila tuluyang umalis. Mabubuhay ka, para saakin, bulong ng utak ko.
"Now Laurent, let's crush these four dark pests!" narinig kong sabi ni Amber na nasa kanan. Itinapat nito ang kanang kamay sa kanyang noo at malakas na sumigaw, "super arma staff!"
Nagliwanag ang kamay ni Amber at isang pahabang hibla ng nakakasilaw na liwanag ang nabuo. Ilang saglit lang ay nag-anyong tungkod na gawa sa diamante ang nasa kamay nito. Isang malaking pulang bato ang nakalagay sa ituktok ng tungkod niya na sa tingin ko'y may dalang pambihirang kapangyarihan. "Ako na ang bahala sa kalbong ace warrior! Nicali or Herina or kung sino ka man, do'n ka sa may mahabang buhok!"
"Okay!" tumango si Herina. Kinuyom nito ang mga palad kasunod ng pagbalot ng earth energy sa katawan nito. Naging mas matibay ang anyo ng baluti nitong gawa sa metal. Nang ilahad nito patagilid ang kamay ay isang giant spear ang tumubo mula dito. "Good luck Laurent, Amber!" sambit nito saka mabilis na tumalon patungo sa ace warrior na may mahabang buhok.
Nagkatinginan pa kami ni Amber sa ginawa ni Herina na simbilis ng buhawi. Ganoon siguro talaga kabilis ang mga assassins. Walang paligoy-ligoy kung sumugod.
"Excited pumatay 'tong si Herina. Sige amang lulu. Huwag kang mamamatay ha?" biro pa ni Amber pero bakas sa mga mata nito ang pangamba. Sa tono nito'y mukhang may halong pamamaalam na ang mga kataga niya.
"If we survive this Amber, I will help you take Silex back!"
"Promise?" naluluha nitong tanong. Napansin ko ang paghigpit ng hawak niya sa magic staff na parang lumakas ang loob niya dahil sa sinabi ko.
"Just stay alive. Let's avenge Mistress Fhaun! This fight is for her," yon lang at pinakalma ko na ang sarili ko para sa summoning technique.
Sa kabila ng posibilidad na hindi na ako makabalik kapag tinawag ko ang god of death na si Mortem, naniniwala akong ang mga alaala ng A-Team ang makakapagpanumbalik saakin. Walang sinumang halimaw ang makakatanggal sa A-Team sa puso ko, si Lara higit sa lahat. "M-mortem..." nanginginig kong sambit habang pinipilit ipikit ang aking mga mata.
Sampong taong gulang ako nang huli kong makita si Mortem. Isang itim na anghel na may talukbong sa mukha, matutulis ang mga kukong gawa sa matibay na metal, tatlong beses ang laki at taas sa isang pangkaraniwang nilalang, may malalim na boses, malakas, makapangyarihan at kayang humigop ng buhay at enerhiya.
Nanghihina ito noong natagpuan ko siya sa kagubatang malapit sa Typraz. Wala akong intensyong patayin siya noon pero siya mismo ang nagmakaawang tapusin ko na ang buhay niya at manunumpa siya ng katapatan saakin habang-buhay. Hindi katulad ni Manya na mapusok, tahimik lang na namalagi ang halimaw sa aking katawan. Naghihintay ng pagkakataong kailanganin ko siya at tuluyan nang magpaubaya sa oras na gustuhin niya.
BINABASA MO ANG
The Seekers (TKS #2)
FantasyWattys 2016 Winner for Talk of the Town Category The death of evil is temporary. For when the strongest abhorrence lingers beneath Like a seed sown by darkness and evil It will make its way to bear chaos. Lucky are those who know nothing what lies...