20. Chasing Laurent

26.9K 1.3K 271
                                    

Dedicated to maria.
Thanks to your Christmas Greetings in behalf of the Wattpad community.
****************

LARA

He's become my favorite 'what if' when he disappeared and left me broken. I might have been shattered deep inside, but I was able to fix myself, get up and stand on my own so I can search for him. I'm going to fight. I'm going to fight for him -for us- no matter what.

Laurent made a huge difference in me when I met him. I have been romantic since the day we found each other. He made me believe that a true romantic will break the rules for the right reasons -for me, he is my reason.

Laurent, wait for me. Parating na ako!

Halo-halo ang laman ng isip ko habang tinatahak ang daan patungo sa kanlurang bahagi ng disyerto kung saan itinuro ni ruru ang maaring kinaroroonan ni Laurent. Ruru's senses were never wrong lalo na pagdating saamin ni Laurent. Alam kong naramdaman niya ang presensya nito habang nasa himpapawid kami kaya hindi ito mapakali. This is the only chance na maari kaming magkita. Ang tanging pagkakataon para tanungin ko ang lahat ng dahilan kung bakit siya umalis at nawala ng napakahabang panahon. Hindi kailanman matatahimik ang puso ko hangga't hindi ko naririnig mula sa kanya ang lahat ng dahilan. Siya lang ang gustong paniwalaan ng puso ko. Siya lang.

Mabilis. Walang pag-aalinlangan. Dire-diretso kong tinakbo ang direksyong binubugso ng damdamin ko. Kusang sumunod ang aking mga paa sa ibinubulong ng puso ko. Alam kong isang kapangahasan ang ginawa kong pag-iwan sa buong team ni Priam Cloud pero kailangan kong gawin ng walang pagdadalawang isip ang lahat dahil ang tanging dahilan ng aking pagsusumikap sa nakaraang taon ay ilang metro na lang ang layo mula saakin. Hindi ko na palalagpasin ang pagkakataon. Hindi ko na pakakawalan ang natatanging chance na maaaring magbuklod uli saamin ng lalaking tinatangi ko simula't sapol. Hindi ko pinansin ang pagdaplis ng mga tinik ng mga halaman habang tinatakbo ko ang maaring kinaroroonan niya. Alam kong sugatan na ang aking mga paa pero hindi na mahalaga 'yon. Hihilom ang sugat sa mga paa ko pero ang pangungulilang binihag ako ng ilang taon, hindi ko alam kung matatakasan ko pa kapag hindi ko ipinagpatuloy 'to.

Buhangin na ang tinatapakan ko nang nakailang kilometro akong takbo. Nakaramdam ako ng uhaw at hingal. Mukhang nasa kalagitnaan ako ng isang kawalan. Isang kawalang tanging mga buhangin at ang papalubog na araw lamang ang naroon. Nilibot ko ang aking paningin habang hirap na hirap na nag-iipon ng hangin sa naninikip kong dibdib.

Wala siya.

Walang Laurent sa paligid.

Tigagal akong napakuyom sa nanginginig kong mga palad. Nagsimula nang uminit ang gilid ng aking mga mata habang sumisidhi ang simbuyo ng aking kagustuhang makita siya. Pakiramdam ko'y madudurog na naman ang puso ko.

"Laurent!" Malakas na halos saluhin ng sipol ng hangin ang boses ko at dalhin 'yon sa kabilang dako.

Walang sumagot. Mistulang ang maalinsangang ihip ng hanging disyerto ang narinig ko. Nanakit ang aking mga mata at nagsimula nang maglakbay ang mainit na likido patungo sa dulo nito. Mahapdi -ang mga mata ko pati na rin ang dibdib ko.

"Laurent, please magpakita ka!" Singlakas ng nauna kong pagtawag ang sumunod kong pananaghoy. Tigagal na ang basag kong boses at nanginig ang pang-ibaba kong labi. Sinubukan kong suminghot para maibsan ang sakit at pigilan ang nagbabadyang hikbi nang mapagtanto kong wala siya.

Napailing ako. Pakiramdam ko'y naiwan na naman ako sa pangalawang pagkakataon. Pakiramdam ko'y umaasa na naman ako sa isang imahinasyong nilikha lamang ng nangungulila kong isip.

The Seekers (TKS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon