12. Nicali Sin Versus Miranda

27.7K 1.2K 162
                                    

Thank you for your interest in this story. The story is also available at www.dreame.com.

You can also download the DREAME app to enjoy other exciting stories. Follow me on Dreame with the username RuruMonster!

***




Dedicated to CassRodriguez


ALVIS

Nicali Sin, ang class S assassin na nagtangka sa buhay nina Lara at Miranda. Naririnig ko na ang pangalan nito bago pa ako maging mercenary. Isa ito sa pinakamatinik na assassin sa bansa ng Arihua, isang bansang pinamumugaran ng mga bandido at mga mamamaslang. Karamihan sa mga mamamayan nito ay sinasanay sa murang edad upang maging assassin.

Kung isa siyang class S, nangangahulugang malakas ito at hindi pupwedeng maliitin. Sanay ito sa labanan, lalo na sa patayan.

"Nicali Sin, class S assassin?" tumawa ng pilit si Amber na halatang napikon dahil sa paggambala nito saamin lalo na sa usapan nila ni Silex. "Nicali Sin, assassin na dapat kaliskisin ngayon din!"

Mabilis na sumugod si Amber habang nakahanda sa palad nito ang water whip na gawa sa tubig. Lumukso ito ng mataas saka pinakawalan ang latigong gawa sa makapangyarihang water keep nito at mabilis na hinampas ang nakaharang na babae. Umiwas ang babae na parang balewala ang ginawang paghampas ni Amber at mabilis na tumakbo at sinalubong ang pababang babae ng kanyang makapangyarihang tuhod.

"Amber!" Sigaw ni Silex na akmang magpapalit anyo na para sumugod pero napigilan siya ni Miranda.

Miranda released a circulating blanket of air to surround Silex and make him calm. Then she pulled Amber away from the assassin using her powerful wind controll. Nakakapanibagong isang batang keeper ang nasasaksihan kong nakikipaglaban ngayon.

"Wind heal blanket!" Sigaw ng bata at kaagad na lumabas mula sa maliliit nitong palad ang tila isang kumot na gawa sa hinabing hangin at mabilis na binalot ang tinamaang si Amber.

"Hindi pa ako tapos Miranda. Ako ang dapat humarap sa kaliskising assassin na yan. Beauty to beauty!" Hirit ni Amber na tila pinipilit kumawala sa wind blanket na ginawa ni Miranda.

"Ninang Amber, gusto ko lang siyang kalaro. Kasi nadaplisan niya 'yong sapatos ko ng shuriken niya kaya dadaplisan ko din siya," sumagot si Miranda. Tila nagboboluntaryo itong siya ang humarap sa assassin.

"Miranda no! Masyado siyang malakas para sa'yo," awat ni Lara sa bata. Napahawak na ito sa magkabilang balikat ni Miranda.

"Miranda, makinig ka sa ate Lara mo. Ako na ang bahala sa kanya okay? Hindi ka pwedeng mapahamak," pakiusap ko sa bata na tila nangungulit na makalaban si Nicali.

"Huwag na huwag kayong magkakamaling iharap saakin ang batang 'yan dahil hindi ko siya sasantohin!" narinig naming sigaw ng babae saka nagpakawala ng mga patalim na nababalot ng apoy.

Mabilis akong kumilos upang takpan sina Lara at ang iba pa pero naunahan ako ni Miranda nang bigla nitong ikinumpas ang mga braso kasunod ang kanyang katawan na tila sumasalok ng hangin sa kanyang paligid. Mabilis nitong hinampas paikot ang kanyang mga braso dahilan para mabuo ang isang malakas na ipu-ipo na pumalibot sa aming lima. Nang dumikit sa mismong ipu-ipo ang mga pinakawalang patalim ni Nicali ay nagmistulang matigas na bakal ang binuong proteksyon ni Miranda kaya nagsitalsikan pabalik ang mga flaming kunai nito.

The Seekers (TKS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon