46. Amry's Plan

22.7K 914 66
                                    

Plug: For updates and spoilers, follow The Keepers Saga Official Facebook Page on this link ----> https://www.facebook.com/The-Keepers-Saga-1165726240134085/?ref=ts&fref=ts
*******************

Tatlong magkakasunod na pagsabog. Isang malakas at nakakapanindig balahibong ugong na sinundan ng ilan pang mga nakakatakot na boses halimaw. Pagkatapos no'n ay biglang nagsigawan ang mga familiar na kanina'y nagkakatuwaan sa salosalo. Damang-dama ko ang takot na pinapahayag ng bawat hiyaw mula sa clowder. Tanging kaba ang naapuhap na damdamin ng aking dibdib.

Ang clowder! Kailangan kong protektahan ang isla mula kay Amry! Pero papaano kung si Laurent ang dahilan ng lahat ng ito?

Nandito na siya! Marahil sa kanya galing ang mga halimaw na gumawa ng ingay at labis na ikinatakot ng mga inosenteng familiar. Mangyayari na ang pangitaing ipinakita saakin ni Jolly. Mangyayari na ang isang bagay na matagal kong hiniling na sana'y huwag dumating. Magiging isa na siyang ganap na awakened keeper at magagawa na siyang kontrolin ng mga halimaw sa kanyang katawan. Tuluyan na niya akong makakalimutan. Ako, ang A-Team at ang mga masasayang alaala namin ay magiging bahagi na lang ng kanyang nakaraan at unti-unti na 'yong mabubura sa isipan niya. Tuluyan na siyang mawawala saakin. Isang bagay na parang hindi ko kakayanin. Hindi maaari....

Sumibol ang mga likido sa gilid ng aking mga mata kasabay ng marahang pagkuyom ko ng palad.

"Laurent!" Malakas. Puno ng emosyong pinasidhi ng aking pangungulila. Boluntaryong humakbang ng mabilis ang aking mga paa palabas ng kubo.

"Lara!" Naramdaman ko ang malamig na kamay ni Priam sa aking kanang braso. Humigpit ang paghawak niya saakin para pigilan ako. "Lara, huwag kang magpadalos-dalos. Let's do this together."

Napatiim ako ng bagang. Dahan-dahan, tinanggal ko ang nakahawak na kamay ng mercenary chief. Nang maramdaman ko ang kusang pagbitaw nito ay saka ako nagpatuloy at mabilis na tinungo ang pinanggagalingan ng ingay. Kailangan ko siyang makita. Kailangan ko siyang pigilan. Kailangan kong ipaglaban ang pagmamahalan namin. Kahit na nakita ko ang mangyayari sa balintataw ni Jolly, alam kong may paraan pa. Mas makapangyarihan ang nararamdaman ko!

"Lara! Wait!" nagmamadali namang tumakbo si Amber para samahan ako. Nasa likuran nito si Silex na pinipigilan ang mga pangil na lumalabas sa kanyang bunganga.

"We are team A-Plus Lara, huwag mong kalimutan 'yon!" seryosong sabi ni Silex habang hinuhubad ang suot na leather coat. Napansin kong wala na itong sapin sa paa na marahil ay nauna na niyang tinanggal.

"Sabi ko sa'yong isuot mo 'yong ginawa kong stretchable suit nang hindi ka na naman naghuhubad diyan!" sermon ng hinahabol ang paghingang si Amber na nasa tabi ko lang. May dinudukot ito sa kanyang poku bag na marahil ay gagamitin niya sa oras na may panganib.

Naramdaman ko naman ang presensya ni Priam sa aking kaliwa. Katabi nito si Joko na suot ang kanyang metallic armor at kumikislap-kislap pa ang mga mata. "We have our differences Lara, but don't forget na nadito lang kami!" Priam uttered habang binabalot ng yelo ang kanyang magkabilang palad.

"Tama sila Lara!" sigaw ng isang boses babae sa bandang itaas. Nang lingunin ko'y naroon si Magret habang nakasakay sa kanyang floating blanket kasama sina Miranda at Blaire.

Mas lalong humigpit ang hawak ko sa mga palad. Kakaibang lakas ang naramdaman ko sa aking dibdib. Hindi ako nag-iisa, kasama ko ang A-Team. The A-Team that never breaks. It may bend but it will never be broken into pieces. Naalala ko pa noong sinabi niya ang katagang 'yan noong nasa panganib kami laban sa mga tenebris. Isang bagay na pinanghawakan at naging dahilan ng lahat para nanatili at pinagtibay ang aming pagkakaibigan.

Laurent, huwag kang bibitaw. Parating na ako! Parating na ako papa lulu! Paulit-ulit ang sinasabi ng puso't utak ko. Nagkakaisa ang isip at damdamin ko. Mas malaya at mas may determinasyon ang kilos ko ngayon dahil hindi lang basta-basta laban ang sasabakin ko. Si Laurent ito -ang dahilan kung bakit hindi ako sumusuko.


The Seekers (TKS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon