"Oh my paws!" nanginginig kong sigaw nang mapagtanto kong isa na akong giant purple cat. Nakakalula. Ang taas ko! Tanaw ko ang buong kagubatan at ang lahat ng mga pangyayari sa paligid.
Nabiktima ako ng kabaliwan ni Miranda. Pinaglaruan ako ng batang laging kausap ang sarili at ngayo'y isa na akong halimaw! Hindi na ako cute! "Walang hiya ka Miranda! Ibalik mo ako sa dati!" tinangka ko pang isigaw pero nahalata kong kumapal at bumaba ang dati kong cute na boses. Katulad ng isang galit na leon ang boses na lumalabas sa cute kong bibig. Hideous!
Nilingon ko si Miranda. Sinalubong nito ang kulay ube kong mata at tila pinaliguan ito ng isang timbang malamig na tubig sa sobrang takot. Buti nga sa'yo! Hindi pa tayo tapos baliw kang bata ka! Sa isip ko habang kumikislot ang aking mga buntot. Napansin kong napaupo sa lupa si Miranda na takot na takot saakin kaya kaagad itong nalapitan ni Cael saka ako tinignan ng masama. Aba, mukhang nanghahamon pa 'tong isang 'to ah. Bawal galitin ang taong este pusang pikon na pikon at baka mangalmot.
"Jolly! Sa likod mo!" narinig kong sigaw ng kanina'y naghahamon na si Cael. May kinatatakutan pala itong total taker na ito -ako 'yon, kaya kunwari iniiba ang usapan. Sus!
Nilingon ko naman ang aking likuran matapos kong irapan si Cael. Pakiramdam ko'y natanggal lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa sobrang sindak. Isang malaking buntot ng ahas ang paparating at hahampasin ang cute at maselan kong mukha! "Oh my paws!" bulong ko sa sarili na mukhang tunog ng umaarteng leon.
Mabilis ang paglalakbay ng buntot ng three-headed serpent patungo sa kinaroroonan ko. Bago pa man makarating saakin ang makaliskis at madulas nitong buntot, sumulpot sa isang mabilis na iglap ang isang pangyayari sa hinaharap. Nakita ko ang sarili ko habang hahampasin na ng buntot ng serpente. Umiwas ako at sa pag-iwas ko ay saktong sinalo ako ng makamandag na laway ng halimaw. Tumalsik ang nakakadiri at malansang laway ng halimaw na 'yon sa aking mukha at nasinghot ko ang makamandag na lason na taglay nito dahilan para manghina ako at mawalan ng malay.
Bumalik ako sa kasalukuyan. Dahil hindi ako bobo at ayoko pang mamatay... at mas advance ang talino ko kay Amber hindi ko iniwasan ang buntot ng halimaw. Mabilis kong isinangga ang aking mga kamay na may mahahabang kuko saka sinalo ang buntot ng kalaban. Sa pagbagsak ng buntot ng serpente sa aking kamay, idiniin ko ang aking mga kuko sa balat nito saka malakas na ibinalibag pataas ang buong katawan ng three-headed serpent. Parang isang gomang lumulutang sa ere ang halimaw. Oh my paws! Ang lakas ko pala! Gulat kong sabi habang pinagmamasdan ang kumekendeng na serpente sa itaas ko. Punyeta! Mamamatay na nga lumalandi pa!
Bago ko naisipang gawin ang binabalak ko sa pabagsak na halimaw, narinig kong sumigaw si Amber sa kabilang dulo ng kagubatan. Nakasakay ito sa kanyang signature witch's broom habang umiiwas sa mga umuulang patalim. "Hoy Jolly! Bigyan mo yang serpenteng 'yan ng isang upper cut!" sulsol nito saakin habang umiiwas parin sa mga pag-atake ng kalaban.
Sinadya kong hampasin ito ng mahaba kong buntot. Nakaiwas siya at halatang nainis sa ginawa ko.
"Peste kang pusa ka! Tinuturuan lang kita nag-aattitude ka na?" singhal nito na mas lumakas ang enerhiyang nakabalot sa katawan dahil sa galit.
"Ikaw na ang pusa at ako na ang mangkukulam!" sagot ko. Mas marunong pa saakin ang amo ko. Sinabi ko na ngang mas advance ang talino ko sa kanya eh. Hindi pa ba niya narerealize 'yon?
"Hayan na sya! I-upper cut mo na dali!" narinig ko uling sambit nito habang hinahampas ng mga daluyon ang kinaroroonan ng mga kalaban niya. "Literal na upper cut kasi matulis yang kuko mo! Hati-hatiin mong parang tuna ang katawan ng halimaw na 'yan!"
Hindi na ako nakabawi sa pagiging bossy ni Amber dahil nang tanawin ko ang pabagsak na serpente ay malapit na ito sa kinatatayuan ko. Lumundag ako ng napakataas para salubungin ang halimaw. Nilindol ang lupa dahil siguro sa bigat ko at narinig ko pang tumili ang baliw na si Miranda. Nang magpang-abot kami sa ere ng halimaw ay saka ko nilabas ang matutulis kong kuko na himalang humaba ng dalawang beses sa dating laki nito. Nagkatitigan kami ng serpente. Akmang dudura na ito ng nakakalason at nakakadiri niyang laway nang mabilis kong niliko ang katawan ko saka pinaghahampas ang katawan nito ng aking kamay at paa. Mabilis ang pagkakahampas ko sa katawan niya. Nagulat ako sa naging pagtugon ng katawan ko sa gitna ng panganib. Hindi ko akalaing sa cute kong 'to ay makakapatay ako ng isang makamandag na halimaw.
![](https://img.wattpad.com/cover/47924725-288-k264757.jpg)
BINABASA MO ANG
The Seekers (TKS #2)
FantasyWattys 2016 Winner for Talk of the Town Category The death of evil is temporary. For when the strongest abhorrence lingers beneath Like a seed sown by darkness and evil It will make its way to bear chaos. Lucky are those who know nothing what lies...