SILEX
"Lara... Lara!!" napapasigaw na naman si Amber habang nakahiga at nakapikit ang mga mata. Ikatlong araw na simula nang makaengkwentro niya ang ace warriors ngunit hindi parin siya tuluyang nagigising. Nang umalis sina Lara at nakaidlip ito, hindi na rin ito nagkamalay pa -marahil ay dala ng kapaguran at sobrang pagluluksa sa pagkawala ni Fhaun. Tatlong araw na rin itong binabangungot at tila hindi na siya tinantanan ng masamang panaginip simula nang maidlip siya. Damn! I hate seeing her like this. I'm not used to used to seeing her weak. Nakakamiss ang ingay niya, ang makabasag-ear drum niyang halakhak.
"LARAAAH!" malakas uli niyang sigaw sa kanyang pagtulog. Pinagpapawisan na ito at tila hindi mapakali sa kinahihigaan.
Dagli kong inabot ang kanyang kaliwang palad at marahang pinisil iyon. I brushed her hair upward letting her pretty face free from the strands of it. Nakahawak ako sa kamay niya habang pinupunasan ang pawisan niyang mukha. I could do this all day -be around her, take care of her, make her safe and sound. It may sound boring but I guess I will never get bored loving this girl.
"Amber, I'm here. Shhhh," I sounded terribly bad trying to comfort her. Kung noon, nababaduyan ako kapag nakakarinig ako ng mga words of endearment o mga paglalambing ng magkasintahan, pati ang mga magulang ko, parang ngayon ay normal na saakin ang aluin at lambingin si Amber. Maybe, this is what's falling inlove is all about - getting corny, boring and redundant. Getting annoyed by the same person you don't want to get rid with every single day. I can get used to this -annoyed by this cranky, quirky and witty girl for the rest of my life.
"L-LARAAAH!" She shouted on her deep slumber as she held my hand so tight. Mukhang masama na naman ang panaginip niya at napapapadyak pa siya sa higaan.
Biglang bumukas ang pintuan kasunod ng pagsambulat ng nag-aalalang mukha ni prinsipe Kaiser. Nagkatinginan pa kami nito bago ito lumapit at nagtungo sa kabilang gilid ng kamang hinihigaan ng babae. I saw him held Amber's free hand na parang handang makipag-agawan sa oras na nag-anunsyo ng "go" signal. Nagawa pa nitong makipagtitigan saakin habang hawak namin ang magkabilang palad ni Amber na humahangos dahil sa panaginip.
"Wake her up!" utos ni Kaiser saakin na nag-aalala na rin sa walang humpay na pananaghoy ng babae.
"She won't! Ilang araw na siyang ganyan, hindi ko na a-"
"LARAAAH!" muling sigaw ni Amber sa pangalan ng matalik na kaibigan dahilan para maputol ang kung ano mang sasabihin ko. Napahigpit pa halos ang hawak nito. Mas malakas ang pwersang ginamit nito sa paghila saaking kamay. Mukhang malala na ang panlalaban nito sa bangungot niya. "Lara!" sigaw pa nito bago siya napabalikwas at bumangon ng kusa. Nagulat ako sa biglang paggising nito lalo na nang mulat na mulat itong nakatungo lang sa tanawin sa harapan nito.
"You're having a nightmare Amber, Lara's not here." I said trying to comfort her. Bahagya din akong napapisil sa kamay nito saka hinaplos ng aking hinlalaki ang likod ng kanyang palad.
Hindi ako nilingon ni Amber. Pawisan ang mukha nito at dilat na dilat ang mga mata habang nakatungo sa harapan. Hindi ko nagawang iiwas ang tingin ko sa kanya. Hindi ako nito nilingon. Hinihingal ito marahil ay dulot ng magkahalong kaba at pagod. Sa wakas ay nagawa nitong magsalita, "Lara! A-anong nangyari?"
"Shhhh," I tried to hush her to keep her calm as I pressed deeper on her palm, "Lara is on a mission Amber. Nananaginip ka lang."
BINABASA MO ANG
The Seekers (TKS #2)
FantasyWattys 2016 Winner for Talk of the Town Category The death of evil is temporary. For when the strongest abhorrence lingers beneath Like a seed sown by darkness and evil It will make its way to bear chaos. Lucky are those who know nothing what lies...