22. Space and Time

27.8K 1.1K 143
                                        

AMBER

Kanina pa tahimik si Priam Cloud. Mula nang makita namin si Lara kasama si Laurent. Hanggang sa makabalik kami sa kaharian ng Cairo, bilang na bilang na ang mga salitang lumalabas sa bibig nito. Napaka-weird ang inaasta niya at hindi ako sanay na walang kumokontra saakin.

Tanging ang mga utos nito sa ibang mercenary keepers ang narinig ko at wala nang naging kasunod 'yon. Nakakapanibago.

Nagkanya-kanya na ng landas sina Leisaro, Tanya, Alexis, Cass, Cendric nang makarating kami sa bungad ng sentro. Maganda naman ang ipinakita naming laban sa unang misyon namin bilang mercenary keepers. 'Yon nga lang ay parang mas masama pa sa paparating na bagyo ang timpla ng mercenary chief sa di ko malamang dahilan.

Sa totoo lang parang alam ko na ang dahilan kung bakit nag-aalburuto na naman si Priam Cloud. Pero ako lang muna ang dapat nakakaalam dahil hindi pa ako sigurado sa mga obserbasyon ko. Sa tingin ko'y nagseselos na ang mercenary chief sa pagdating ng original lover boy na si amang Laurent. Sinusulyap-sulyapan ko si Priam para masigurong totoo ang mga haka-haka ko pero wala itong iginanti kundi ang nakakasugat niyang irap at nakakabinging katahimikan.

Normal naman ang naging kilos ni Alvis. Nag-uusap na rin sila ni Laurent na parang walang dalawang taon ang lumipas at walang Lara na nakapagitan sa kanila. Napaka-weird din ng kabaitan at sobrang pagkamaginoo ni Alvis. Malapit nang umabot sa puntong gusto ko siyang galitin at subukan kung hanggang saan ang pasensya niya. Minsan naisip ko, kaya siguro tinutubuan ito ng puting pakpak ay dahil sa kabaitan nito. Kung magkapabait din kaya ako? Baka tubuan ako ng butterfly wings!

Napabuntong hininga ako at napansin 'yon saka tahimik na pumanhik sa ikalawang palapag ng mansyon ng mga Holoma kung saan namin napagpasyahang magpalipas ng araw. Ibang klase talaga kung may mga kaibigan kang royalty. Libre na ang pagkain, libre pa ang tirahan at magagarbong mga damit. Hindi ko napigilang humagikgik habang tinutungo ang kwarto ko. Napalakas yata ang pagtawa ko dahil nang lingunin ko ang taong nasa pintuan ng kabilang kwarto ay muli akong sinimangutan ng hari ng mga itim na ulap na si Priam Cloud.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan?" masungit na tanong ng lalaki habang nakatayo sa harap ng pintuan ang pilit pinipihit ang seradura nito.

"Masamang tumawa chief?" Awtomatiko akong nagpameywang sabay hawi sa maganda kong buhok. "Masyado pang maaga para sa harvest season ng ampalaya." Nasundan ko iyon ng malakas na halakhak.

"Baliw ka nga talaga," napipikon nitong sabi. Naimagine kong umuusok ang ilong nito pati na ang butas ng tainga at puwitan nito. Papasok na ito sa kwarto nang muli akong nagsalita. Sasamantalahin ko na ang pambubully sa umaapoy na yelo!

"Chief," tawag ko sa lalaki na tumigil naman sa pagpasok sa kwarto nito.

Kunot-noo ang isinagot nito saakin.

"Ang gwapo talaga ni amang Laurent no? Perfect couple talaga sila ni mama Lala. Papa Lulu plus mama Lala equals forever. Kapag nagkaanak sila chief, pwede ka nang maging ninong Pripri!"

"So, anong pinaglalaban no ngayon?" nagtitimpi nitong tugon. Napansin ko anb pagtiim ng kanyang mga bagang at paghigpit ng hawak niya sa knob ng pintuan. Mukhang isa na lang at gagawin na naman niya akong paralisadong diyosa na gaya ng ginawa niya no'ng pre-ordainment test kay Lara.

Ngumiti ako ng kunwari'y painosente. Kumurap-kurap pa ako at pilit pinalobo ang mga pisngi ko baka sakaling maawa ito sa ka-cute'an ko. Hininaan ko ang paghagikgik saka bumanat ng isa pa, "Hihihi. Wala naman po chief. Ang gusto ko lang sabihin ay bakit po kayo parang tangang naglalakad at pinipihit ang pintuan ng kwarto niyo kung pwede ka namang mag-lightning transmission diba? Anong drama mo? Nagseselos ka at nagmomoment?"

The Seekers (TKS #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon