65. Cairos United

18.1K 856 57
                                    

LARA

In every stage in our life, we never fail to think about death. We are born to die and yet we struggle so hard to live to die. We have our reasons, one of them is love.

Now that I am facing death again, I only have two options: give up or fight like hell. I would choose the latter, for it would save the reason why I still want to live -the love I love around me.

Nang makita ko kung gaano pinahirapan ni Amry ang tatlong rare keepers lalo na si Magret, hindi ko napigilang bumulusok ang magkahalok galit at sakit sa aking dibdib. Dahilan para magwala ang anim na enerhiya na nakahimlay sa aking katawan. Binuhay ng pagnanais kong ipaghiganti sina Miranda, Blaire at Magret ang pambihirang lakas sa aking katawan na ngayon ko lamang naramdaman.

Mabilis na napakapit si Peorion sa inang Elmaea nang hindi ko na makontrol ang lumalabas na kapangyarihan sa aking katawan. Naitaboy nito ang dalawa pati na ang mga malalaking tipak ng bato sa paligid. Halos gumuho ang kweba dahil sa pagsabog ng anim kong keeps. Natigil ang ginagawang pagkontrol ni Amry sa kapangyarihan ng nanghihinang si Magret.

Isang malakas at nakakabinging tawa ang pinakawalan nito matapos itapong parang basahan ang time keeper. Kasalukuyan namang nakatali sa mga poste ang walang malay na sina Blaire at Miranda na sa hinuha ko'y tapos nang gamitin ni Amry para sa isinasagawang ritual upang buhayin si Golarus.

"Sa tingin mo ba'y masisindak mo ako sa pagsigaw-sigaw mo Lara?" muli itong humalakhak na parang nababaliw saka tumingin sa dako ni inang Elmaea na hawak si Peorion, "nagdala ka pa ng isang talunan! Kamusta mahal kong kapatid na Elmaea? Ikinagagalak kong makita kang muli!"

"Magbabayad ka Amry! Isinusumpa ko sa ngalan ng mga tala, ito na ang huling araw na mararamdaman ng buong Cairos ang presensya mo!" matapang at nanggagalaiti namang sagot ng ina ko.

Tinawanan lang 'yon ni Amry. Hindi ito nag-aksaya ng oras at mabilis na binalot ang sarili ng itim nitong kapangyarihan -mas malakas, mas buong-buo dahil nasa katawan nito ang enerhiya ng mga kumawalang tumidos. "Ililibing kita, kayo ng anak mo at ng mga apo mo sa kwebang ito! Isinusumpa ko sa itim na kalangitan na siyang maghahari sa buong mundo simula ngayon!"

"Hindi mangyayari yan!" malakas kong sabat habang mas pinaigting ang enerhiyang nakabalot sa aking katawan.

"Kung gano'n heto manood ka kung papaano ko isa-isahin ang mga mahal mo sa buhay," 'yon ang narinig kong babala ni Amry bago ko napansin ang pag-usbong ng mga kuryente sa kanyang palad. Kaagad niyang pinakawalan ang mga hibla ng kuryente patungo sa tatlong rare keepers.

Napatili ang kanina'y walang malay na sina Blaire at Miranda samantalang mahina ang naging sigaw ni Magret na halatang wala nang lakas pa para gumalaw. Inubos na ni Amry ang oras niya.

Binuhay ko ang enerhiya ng liwanag at apoy sa aking katawan. Mabilis kong hinaluan ng aking wind keep ang fire at light. Tumalon ako ng malakas at pinalipad ang sariling tila isang mabilis na raketa. Walang pakundangan akong bumaba sa harap ni Amry at mabilis na hinawakan ang braso nitong nagpapakawala ng kuryente. Gamit ang lakas ng earth guardian na si Chikyu, pinilipit ko ang braso niyo habang nakatitig sa gulat niyang mukha. "Papatayin kita!"

Naputol ang pagpapakawala ni Amry ng malakas na kuryente dahil sa halos pagbali ko sa braso niya. Pero hindi iyon ang dahilan para tumigil siya. Hinawakan din nito ang mga kamay ko at tinangkang balutin ako ng itim niyang kapangyarihan. Nagawa niyang palibutan ng itim na enerhiya ang aking katawan. Nakaramdam ako ng bahagyang paninikip ng dibdib lalo na nang higpitan nito ang hawak sa mga braso ko.

"Hindi ka magtatagumpay Lara. Nagawa ko na ito sa ina mo, magagawa kong muli ito sa'yo!"

Matatalim ang mga matang nakatitig saakin habang tinatangka akong balutin ng kapangyarihan ni Amry. Hindi nga pwedeng maliitin ito ngayon dahil nasa kanya ang kapangyarihan ng mga malalakas na tumidos na nakawala sa itim na libro. Pero hindi ito ang tamang panahon para panghinaan ako ng loob. Kapag nagawa niya akong talunin ngayon, wala nang ibang paraan pa para mapigilan siya. Kailangan ko siyang tapusin bago niya magawang buhayin ang master of keeps na si Golarus!

The Seekers (TKS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon