27. A-Plus

25.6K 1K 100
                                    

PRIAM

We are surrounded by a rave of deadly assassins. Class S assassins to be exact. Higit sa dalawampo ang nakapalibot saamin at sa tingin ko'y planado nila ang pag-atakeng ito. Sa kilos nila'y alam kong Matagal na nilang napaghandaan ang pagsugod.

Natatandaan ko pa ang sinabi ni Nicali Sin noong isang araw, ang book keeper ang magiging sadya ng mga assassins. Taglay ni Blaire ang isang kakayahang maaaring maging dahilan ng tuluyang pagkabura ng lahat ng lahi ng keepers sa sansinukoban. Sino ba ang batang book keeper na 'to at saan siya pinulot ni Magret at ganito na lamang kadami ang ipinadalang high class assassins?

Holly shit! Napalunok ako habang pinapakiramdaman ang bawat paggalaw ng mga kalaban sa paligid gamit ang aking wind keep. Tig tatlo ang team-up. Nakapwesto sa gawing likuran ko ang anim na kalaban kung saan naroon sina Lara, Miranda at Blaire at sa di kalayuan ay si Cael na kanina ko pa nararamdaman ang malakas na enerhiya sa katawan. Halos mabingi ako sa tinis ng tunog ng paghampas sa hangin na dulot ng paglipat-lipat nila ng pwesto. Mabibilis ang kanilang pakilos at hindi ko mabasa ang padron ng kanilang galaw. Tatlo pa ang pumwesto sa may silangan samantalang anim ang nasa harapan namin ni Amber at tatlong mabibilis na pusakal pa sa kabilang dulo.

Napalunok ako upang matanggal ang panunuyo ng lalamunan ko. Mukhang dehado kami.
Hindi ko namalayan ang pagtabi saakin ni Amber na tila kinakabahan na rin sa biglaang pag-atake ng mga pusakal.

"Labing walo laban sa sampo! Lamang sila ng walo!" nabanggit ko sa tahimik na si Amber na tila naghahanda na rin sa pakikipagbakbakan.

"Tanga!" malutong nitong tugon, "Lamang sila ng lima. Labingtatlo tayo."

"Sampo nga!" bulyaw ko habang pinapakiramdaman ang mabilis na pagkilos paikot ng kalaban.

"Ako pa talaga ang tinuturuan mo sa math? Ikaw, ako, si Laurent, Lara, Silex, Kaiser, Alvis, si negra, si Cael, si Miranda, si Blaire, si Jolly at ang aso mo!" dirediretso nitong binanggit ang lahat ng mga naroon. Umismid ito bago may dinukot ang maliit na bag na tinawag niyang poku. Mabilis niyang hinablot pataas ang bagay na nadukot sa maliit na bag na 'yon na siyang dahilan ng pagsabog ng nakakasilaw na asul na liwanag. Nang mahagilap ko'y nakahagis na pala sa itaas ang isang kasuotan na marahil ay dinukot nito sa poku bag saka sumigaw, "Amberfied!"

Akala ko'y isa na naman 'yon sa isang milyon niyang biro pero laking gulat ko nang parang binuhusan ng mga dyamante ang hinagis niyang blue coat. Nakataas ang mga kamay nito na siyang sumalo sa mahabang manggas ng bumabang kasuotan. Sakto ang pagkakasuot sa kanya ng blue electric coat na parang hinulma sa katawan niya. Sa walang tigil na pagbuhos ng diamond dusts sa kanyang kasuotan, bigla din siyang nagkaroon ng silver combat gloves at boots. Nanlaki ang mga mata ko sa pakulo niya. Isa talaga siyang mangkukulam na maraming kaartehan sa buhay.

"Oh diba? Dapat kahit sa bakbakan, pretty parin!" maarte niyang sabi saka pinatigas ang mga kamao na nababalot na ng enerhiya ng tubig.

Napailing-iling na lang ako saka muling pinakinggan ang mga padyak sa hangin ng mga assassins. Damn, they're moving too fast. Pigil ang paghinga, mabilis kong kinuyom ang aking mga palad saka pinaghalo ang tatlong keeps na nasa katawan ko. "Blaire, Jolly and Joco can't fight these Class S assassins. We are outnumbered!"

"Huwag mong mamaliitin ang kakayahan ng A-Team chief. We've faced the deadliest foes without you and we defeated them alive. Now that we have you, syempre mas bongga na! Plus we have the dark lady Magret, plus Miranda and Blaire! We are now the Team A-Plus! Let's hit it!" the usual, walang tigil ang hirit nito bago lumutang ang napakaraming bula mula sa lupa.

Nasamyo ko pa ang pinaghalong amoy ng rosas at dahon ng pine tree na sa tingin ko ay galing sa mga kumawalang bula. Tila nanariwa ang baga ko sa amoy na 'yon. "What's that?"

The Seekers (TKS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon