28. The Last Toy

25.4K 1.1K 197
                                        

JOLLY

As usual, sa oras ng kaguluhan ako'y nakatago lang. Mahirap na, kailangan pa ako ng mundo para sa hinaharap. Nasa bag ako ni Miranda kasama ang mga boring niyang laruan na ginagawa niyang sundalo niya sa oras ng kagipitan. Nakatayo lang ang bata habang pinagmamasdan ang pakikipaglaban ng A-Team na ngayon ay A-Plus na. Alam na alam kong A-Plus ang itatawag ng mahadera kong amo na si Amber dahil nabasa ko na ang pangyayaring ito. Walang dating ang name. Hindi pinag-isipan. Nag-iisip ba si Amber o nawala na ang talino niya dahil sa kabaliwan niya? Matalino si Amber pero di hamak na mas advance ang utak ko sa kanya ng ilang milyong taon. Natawa ako sa isiping iyon, pero secret ko lang na mas matalino ako sa amo ko kasi baka paglaruan na naman niya ako at gawing sangkap sa mga pangkulam niya. Ang dami pa naman ng isecurities no'n sa buhay.

Narinig kong sumigaw si mama Lala. Parang hinihila na siya ng kanyang wind harpy na kontrolado ng isang dark assassin na nasa paligid lang. Halos paliguan na ito ng sarili niyang pawis dahil sa paglaban sa itim na pwersa at pagtawag sa kanya ng kanyang wind guardian. Ang harpy na may pakpak este kamay na pakpak or pakpak na kamay at may nakakasilaw na mga mata. Ang creepy ng harpy na 'yon ah, ni wala man lang effort na pagandahin ang mukha niya para lumevel naman siya sa amo kong si Amber.

Gustuhin ko mang tulungan si Lara ay nanatili na lang ako sa kinalalagyan kong bag ng gate keeper. Hindi mapakali si Miranda. Kanina pa siya paroo't parito at parang gusto na niyang sumali sa laban. Pero tiyak akong takot itong masinghalan ng kuya niyang may itim na pakpak. Naiirita na rin ako sa paulit-ulit niyang pagbulong na "huwag kang makialam Miranda, huwag na muna..." Parang baliw 'tong batang 'to. Kausap ang sarili. Sagutin ko kaya nang magulat?

Nasa harap niya ang takot na takot na si Blaire na mahigpit ang pagkakayakap sa itim na libro. Siguro magkaklase ang dalawa sa iisang school at sabay silang nabaliw dahil parang may binubulong din ang book keeper pero hindi ko marinig ang sinasabi nito. Ang pagkakaalam ko'y hindi ito pipi. Pero ngayong nandiyo na siya, hindi ko na mabasa ang kanyang future. Anong nangyari? Bakit hindi ko makita ang nangyari sa kanya? Hindi kaya?... Hindi pa nagpapakita sa utak ko kung anong nangyari sa book keeper at naging ganyan siya kamisteryosa -parang ayaw na nitong magsalita dahil pinapangunahan na siya ng takot. Takot siya sa isang bagay.

Alam ko kung kanino siya galing. Alam na alam ko kaya nagtataka ako kung bakit siya naging ganyan pagkatapos. Parang itinago ang bahaging iyon ng kanyang buhay na kahit kapangyarihan ko ay hindi mabasa ang pangyayaring iyon.

"Ate!" narinig kong sigaw ni Kaiser na humahangos habang papalapit kay Lara. Kasunod nito si Laurent at si Priam na alam ko ring patay na patay kay Lara.

Ang ganda talaga ni mama Lala -pinag-aagawan!

"Lara, honey please hold on. Labanan mo." Paglalambing ni papa Lulu kay mama Lala. Bakas sa mukha nito ang sobrang pag-aalala habang papalapit sa nakaluhod at umuusok na si Lara.

Nilapitan ni Laurent ang hirap na hirap na si babae na halos ibaon ang mga kamay sa lupa upang pigilan ang pagsunod ng katawan nito sa tawag ng kanyang wind guardian. Naglalaway na ang bunganga nito at halos namula na ang gilid ng kanyang mga mata sa sobrang paghihirap. Nang akmang hahagurin na ni Laurent ang likuran ni Lara ay biglang lumakas ang lumabas na enerhiya sa katawan ng huli. Tumilapon si Laurent ng ilang metro pati na rin sina Kaiser at Priam.

Mabuti na lang at mabilis na nakabawi ang tatlo at kaagad na nalapitan muli si Lara. Napahawak sa kanang braso ng babae si Priam at sa kaliwa naman si Laurent. Nagkatitigan pa ang dalawa na tila pinag-aagawan ang magandang si mama Lala saka nagbawian ng tagisan ng titig. Kaagad na lumapit si Kaiser sa kapatid saka itinapat ang mga palad sa nood ni Lara. Mabilis na ginamitan ni Kaiser ng kanyang voider power si Lara kaya humina ang kanina'y nag-uumapaw na enerhiyang lumalabas sa dalaga. Pigil ang hininga kong pinagmasdan ang eksena. Magkahaling takot at kaba ang naramdaman ko.

The Seekers (TKS #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon