9. The Ordainment

33.1K 1.3K 76
                                    

Thank you for your interest in this story. The story is also available at www.dreame.com.

You can also download the DREAME app to enjoy other exciting stories. Follow me on Dreame with the username RuruMonster!

***


LARA

Bihis na ako. Pinasadahan ko ang itsura ko sa malaking salamin sa aking kwarto nang umagang 'yon. I was wearing a pure white A-style gown with a sheered top revealing my back barely. The design outlined my upper cuves na pinili mismo ni Amber dahil sa stylish embelishments nito na gawa sa swarovski crystals pababa hanggang sa aking waistline. The fit was body-hugging hanggang sa aking baywang dahil pababa nito ay isang almost silvery flowy skirt na hanggang sakong ang hemline.

"Wow, you look stunning Lara!" narining kong sabi ni Amber na nakamasid na rin pala sa kabuuan ko sa salamin. Ni hindi ko namalayan ang pagpasok nito sa kwarto ko. Hinuha ko'y nagpractice na naman ito ng bagong magic.

"You look gorgeous Amber," halos manlaki ang mga mata ko sa suot nitong blue serpentina gown that revealed her powerful curves. V-neck ang style ng top nito at halos magulat ako sa sobrang revealing ng neckline. Napailing na lang ako.

Nahalata naman nito ang pagtutol ko sa daring ng suot niya na halos lumuwa ang mga dibdib. "We should show what we have isn't it? Ngayon lang 'yan huwag kang mag-alala."

"Dahil ba dadalo si Silex?" panunudyo ko dito habang pinapasadahan uli ang itsura sa salamin. Nakakapanibago ang suot nito. Ito ang unang beses na nakita ko siyang ganoon -mapanghamon at tila walang bahid ng takot. Ano na kayang nangyayari dito kay Amber?

"Kasama ang tiyo Peter niya. Kahapon nang dumalaw ito kay Mistress Fhaun kasama sina sir Conrad at Andro, na tila wala namang naging epekto ang plano natin, nagdesisyon si sir Peter Silan na dito muna pansamantala dahil na-miss daw niya ang Centro. Sasamahan siya ni Silex ng mga ilang araw tutal wala naman daw itong nakaambang hunting mission. Inimbitahan sila ni Jolly na pakialamero na akala mo siya ang ma-oordenahan bilang mercenary keeper."

"So why am I hearing such detailed explanation?" I gazed at Amber trying to confuse her and solicit an honest answer.

Naupo ito sa gilid ng kama ko. Nag-iba ang ekspresyon nito na tila isang masayang umagang sinakop ng masamang panahon. Napabuntong hininga pa ito bago sumagot. "Alam mo Lara, the reason why I did not let go too soon was because I thought we still have hope... a chance. Kasi sa haba ba naman ng pinagsamahan namin, the good times, the worst even. Ang akala ko naging matibay na 'yong pundasyon namin para hindi bumigay. Pero mali pala ako, nag-assume na naman kasi ako. Tanga ko!"

Tinabihan ko ito. Like the old ways, we sit together like sisters on a serious talk. Kinabig ko siya sa balikat para madikit saakin. I hate seing happy people go down into the pit of sadness. Nakakapanibago. "You're giving up?"

Umiling-iling ito sabay pigil sa namumutawing luha sa kanyang mga mata. "I'm not. I did not. Letting go is different from giving up." She pursed her lips to tight like the pain is about to come out her lips and she tried to stop it. "Ang hirap lang. Mahal ko 'yong gagong 'yon eh. But then, as the pain grows, I realized na hindi talaga pwede; that he can stay here in my heart but I can't keep him in my life forever."

Hinawi ko ang buhok nito. Napakagandang Amber pero broken hearted. Hindi pala lahat ng magaganda nang-iiwan, 'yong iba iniiwan at sinasaktan din. It felt like we're on the same boat. Almost. "So anong balak mo?"

"I'll let everything to set free and find its rightful place. I hope everything falls back into place. Ganoon na lang muna. Malay mo baka nakatadhana talaga akong magmana hindi lang sa kakayahan ni Mistress Fhaun kundi pati sa fate niya sa forever." Pilit nitong pinasaya ang sarili by cracking a joke about Mistress Fhaun. She faked a smile.

The Seekers (TKS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon