AMBER
Nakakabore dito sa kastilyo, hindi ko na masyadong nakakausap si Lara simula no'ng magkahiwalay sila ni Laurent. Lagi itong nagmumokmok sa kwarto niya kaya pati ang haring Holoma ay nag-alala na rin dahil sa pagbabago ng anak. Tinangka pa nitong magpatawag ng mga highly skilled keepers para maipagamot ang prinsesa pero napigilan agad ito ni Kaiser. Minsan may saltik din ang hari o sobrang nababahala lang ito sa kalagayan ni Lara kaya hindi nito alam na walang healer na makakagamot sa sugatang puso kundi panahon.
Ramdam ko ang pinagdaraanan ng bestfriend ko. Ikaw ba naman ang magmahal tapos iiwan ka ng lalaking nagpapaikot ng mundo mo at hindi mo alam kung babalik pa ito, tiyak titigil na sa pag-ikot ang mundo mo -masakit. Mahirap umasa sa isang bagay na hindi mo sigurado kung mangyayari pa.
Mas minabuti kong bigyan muna ng space si Lara at hayaang sina Cael at Kaiser muna ang makasalamuha nito. Pagkakataon nang bumawi ng dalawa sa kanilang ate Lara kaya hindi na muna ako eeksena.
Matagal-tagal din bago ako nakapaggala kaya habang naghihilom ang sugat ni Lara, magiging abala muna ako sa mga bagay na kailangan nang matapos hangga't maaga pa.
Wala kaming job order ngayon mula sa mercenary guild. Nasa isang misyon sina Priam at iba pang mercenary keepers. Sinadya nitong huwag akong isama para may makasama si Lara. Kahit papano'y may puso din ang maitim na ulap na 'yon. Bumalik naman si Silex sa bounty hunting mission nito at nangakong babalik bago matapos ang buwan. Kailan kaya ang moment namin ni Silex? Naiinip na kasi ako. Ang tagal!
"Wala kayong moment ni Silex Miss Frost," narinig kong bulong ng isang nakakatakot na boses sa aking likuran habang naglalakad ako sa malawak na parke ng Central Cairos. Mangilan-ngilan lang ang mga naroon kaya hindi ko inaasahang may biglang susulpot na kakilala sa likod ko. At siya talaga? Of all people?
Mabilis kong nilingon ang babaeng nagsalita. Wala paring pinagbago sa itsura nito. Hindi parin siya maganda. Ang saklap. "Mistress Fhaun!"
"Di hamak na mas maganda ako sa'yo noong kabataan ko, baka nakakalimutan mong nababasa ko ang nilalaman ng utak mong puno ng kiti-kiti," hirit uli nito. Hindi natinag ang kasungitan nito sa puti ng buhok ko.
"May pagka-feeling din 'tong gur-" pinutol nito ang sasabihin ko.
"Gurang ba kamo Miss Frost?" Tinaasan ako nito ng kilay saka sumikip ang nakaawang niyang mga bibig. Her eyes look dull and dying like her age.
"Gur-gur- gurgeous kako Miss Fhaun! Eh diba nga dati kang Musa de Cairos? Sinaunang Musa De Cairos kaya ang ganda mo ay very rare!" Pambobola ko na pinagdasal kong sana'y umubra.
"Nagsisinungaling 'yan tandang mangkukulam!" biglang sumulpot si Jolly mula sa mga halaman. May hawak pa itong carrots na nakalahati na dahil sa katakawan niya. Nakapameywang ito habang nakatayo sa isang malaking bato na nasa gitna namin. "Gurang ang sasabihin niya hindi gorgeous! Kailan ka pa naging sinungaling Amber? You're such a disappointment!"
Mabuti na lang at nakapagpigil ako kundi isang nang inihaw na pusa si Jolly. Kahit kailan talaga, mali sa hulog ang alaga ko. Kung hindi naninira ng relasyon, pinapahamak naman ako kay tandang Fhaun!
"Ah, mas paniniwalaan mo yang pusang 'yan na kumakain ng carrots? Kailan ka pa nakakita ng pusang kumakain ng carrots? Sabi ko very rare ang beauty mo," diin ko. Hindi ako pwedeng umamin dahil baka kung ano na namang gawin nitong malupit na old witch na 'to. Inirapan ko si Jolly saka binigyan ng warning stare. Isang-isa na lang talaga hindi na 'to aabutan ng gabi.
Bumuntong hininga naman si Mistress Fhaun na halatang napilitan na lang sa kababawan naming mag-amo. Pakiramdam ko tuloy ay sinasayang ko ang antigong oras nito. Tumaas ang kabilang kilay nito na halatang naguluhan dahil hindi niya nababasa ang nilalaman ng utak ko. Akala nito forever niya akong mababasa. Ako kaya ang kakabog sa kakayahan niya. "Why rare?" she said noncommittal.
BINABASA MO ANG
The Seekers (TKS #2)
FantasyWattys 2016 Winner for Talk of the Town Category The death of evil is temporary. For when the strongest abhorrence lingers beneath Like a seed sown by darkness and evil It will make its way to bear chaos. Lucky are those who know nothing what lies...