LAURENT
The air is cold and heavy as we run away from the demons that chase us. Every heart thumping. Every breathing, deep and winded. The rush, the commotion and the growing fear is taking every air in the atmosphere. I am almost choking.
"Keep running!" narinig kong sigaw ni Nicali habang pinapaulanan ng mga poisonous shuriken ang mga humahabol saaming druids na nag-anyong mababangis na halimaw. She's the fastest among the four of us but she chooses to stay behind and take all the monsters so that Lara and Amber can reach the base of the white mountain. Walang dudang malinis ang intensyon niya at nagawa niyang makaligtas sa sumpa ni Amber.
Habang mahigpit na hawak ng kaliwa kong braso ang anak kong si Peorion, pinagapang ko ang itim na enerhiya sa aking kanang braso upang tawagin ang mga dragon-crows na kamakailan lang naging bahagi ng aking mga summoned monsters. Kailangan ko sila ngayon! Sa Kabir Ruins ko nakalaban ang mga dragon-crows at kusa silang sumumpa ng katapatan saakin nang matalo ko sila. Alam kong sa kakayahan nilang lumipad gamit ang kanilang itim na pakpak at ang itim ding apoy na kanilang binubuga, magagawa nila kaming dalhin sa Shi mountain ng mas mabilis.
"Dracoro! Lumabas na kayo!" mariin kong sigaw habang nilalabanan ang hapding dumadaloy sa aking mga ugat patungo sa aking palad. Alam kong ilang sugundo na lang ay lalabas na ang mga itim na dragong may higanteng pakpak na hawig sa uwak.
Isang itim na usok ang lumabas sa aking mga kamay. Kumalat itong parang hibla ng buhok bago nag-anyong tatlong malalaking dracoros. Tinangay ng unang dracoro ang tumatakbong sina Lara at Amber samantalang mabilis na tumalon sa ibabaw ng isa pang dracoro ang natirang katauhan ni Nicali Sin na si Herina. Kaagad ko namang isinakay si Peorion sa pang-huling dracoro na kasalukuyang nagpapakawala ng malakas na apoy sa mga papalapit na druids. Nang tuluyan na akong makasakay sa pinakamalaking dragoncrow ay isa pang malakas na buga ng apoy ang pinakawalan nito bago ibinagwis ang mga itim nitong pakpak. Kasunod no'n ay mabilis na lumutang sa ere ang tatlong dragoncrows.
Nagtangka pang magpakawala ng mga dark energy balls ang mga kalaban na nasa lupa ngunit naagapan sila ng isang malakas na spell ni Amber na sinundan ng magkakasunod na fireball at light arrows mula kay Lara. Nakailang pagaspas pa ang tatlong dracoros at determinado ang lahat na sumugod na sa puting kabundukan dahil hindi parin tumitigil si Amry na kontrolin ang kapangyarihan ni Magret.
Sa gitna ng paglalakbay ng tatlong dracoros patungo sa white mountain of Shi, isang malakas na pagsabog ang nangyari sa dako kung saan namin iniwan sina Alvis at Priam. Halos itaboy ng malakas na pwersa ng hangin na nabuo mula sa pagsabog ang mga lumilipad na dragoncrows. Hinigpitan ko ang pagkapit kay Peorion na nakalingon na sa pinangyarihan ng pagsabog. Bumilis ang paghinga ng bawat isa saamin habang walang nagtatangkang magsalita. Napansin ko na ang pagsapo ni Amber sa kanyang bibig habang bakas sa mukha ni Lara ang magkahalong gulat at pangamba.
Hindi pa man kami nakakalayo ng lubusan ay isa na namang pagsabog ang nangyari sa kinaroroonan ng dalawang magiting na mercenary keepers. Sinundan iyon ng malakas na lindol sa lupa at ihip ng hangin. Ilang segundo lang ang lumipas ay isang bola ng liwanag ang umusbong sa pinangyarihan ng sunod-sunod na eksplosyon. Lumaki ang bola ng liwanag hanggang sa sinakop nito ang buong isla. Napahigpit ang hawak ko sa leeg ng dracoro kasabay ng pagkabig ko sa katawan ng anak kong si Peorio palapit saakin.
"Close your eyes Peorion... close your eyes," tangi kong bulong sa nanginginig na bata.
Sinakop ng ingay ng mga gumuhong bahagi ng lupa ang buong isla. Nakakabulag parin ang liwanag sa paligid, dinig ko ang mga nagsisibagsakang bato at mga punong kahoy na dulot ng malakas na pagsabog. Sumabay sa mainit na ihip ng hangin ang amoy ng mga nasunog na punong kahoy at mga damong bumabalot sa lupain ng isla. Marahil ay ganoon na lang katindi ang pinsalang dulot ng labanan sa pagitan ng mga druids at nina Alvis kaya halos sunugin nito ang buong isla.
BINABASA MO ANG
The Seekers (TKS #2)
FantasyWattys 2016 Winner for Talk of the Town Category The death of evil is temporary. For when the strongest abhorrence lingers beneath Like a seed sown by darkness and evil It will make its way to bear chaos. Lucky are those who know nothing what lies...