2. A Test of Friendship

43.8K 1.3K 128
                                        

"P-Priam Cloud?" taka kong tanong sa binanggit na pangalan ni Amber. Naririnig ko na ang pangalan nito dati pa sa mga subjects namin pero hindi ko alam kung anong kakayahan nito at ganoon na lang ang takot ni Amber.

"I-isa siyang yelo na tinubuan ng buhay. That jerk! Taga Westeros siya at siya ang pinakabatang naging mercenary keeper sa kasaysayan ng Cairos. He was abducted at a very young age at halos lagpasan niya ang kakayahan ng mga mas nakakatanda sa kanya during his pre-ordainment test. He's someone to fear for." Tila nabato si Amber sa kinatatayuan habang nakatitig saamin si Priam Cloud.

Ibinaling ko ang tingin sa lalaking nakasuot ng kulay itim na leather jacket na may high-neck at hide-away hood na nakatingin din saamin. Nagmistulan itong isang laruang walang buhay at halos hindi gumalaw sa kinatatayuan. Nang umiwas ako ng tingin ay saktong dumapo ang sulyap ko sa gilid ng platform. Nakabalandra ang mga walang malay na keeper na kasabayan namin ni Amber sa pre-ordainment. "Amber, s-sa tingin ko ay tayo ang pinakahuling dumating. N-natalo na ng lalaking 'yon ang mga kasama natin sa pagsusulit."

Kaagad namang napansin ni Amber ang mga nakahandusay na keepers sa ibaba ng platform. Nakita ko ang pagsaklob ng takot sa mukha nito. Kasunod no'n ay humawak ito sa aking palad saka nagsalita. "Lara, hindi na tayo pwedeng umatras. Imagine mo na lang nasa Typraz tayo. Parang Battle at Typraz two point 'O'. Naniniwala akong tayo parin ang mga reyna ng kaswertehan. Sana."

Alam kong pampalubag loob lang 'yon ni Amber. Naramdaman ko ang bahagyang panginginig ng palad nito habang nakahawak saakin. Hindi rin nito lubusang naitago ang panginginig ng gilid ng mga labi habang nagsasalita at pinipilit ngumiti. Pero nandoon na kami. Hindi na namin kailangang palagpasin ang pagkakataon para maging isang ganap na mercemary keeper. Hindi pwedeng masayang ang dalawang taong pag-eensayo namin sa loob lang ng dalawang minuto.

"Let's do this," ani Amber saka ako tinapunan ng seryosong tingin.

"Let's do it!"

Halos magkasabay ang paghakbang namin habang tumatakbo pasugod sa unang gate. Ilang metro bago namin marating ang unang gate ay tumubo mula sa lupa ang mga higanteng pitcher plant o urceus na isang metro ang laki. May mga kamay ito na napapalibutan ng tinik at may malaking pangil sa bungangang halos sakop ang buong ulo.

"Urceus! Huwag mong tatangkaing hawakan o hahayaang mahawakan ka ng mga yan Lara! Nakakalason ang kanilang mga kamay kasama na ang kanilang laway." Huwag mong lalapitan!" Malakas na sigaw ni Amber bilang babala.

Sabay kaming natigil sa tangkang pagpasok sa unang gate. Binuo ko na ang electric ball of fire na gawa sa magkahalo kong keeps bilang paghahanda sa aking pag-atake.

"Acidum bullae!" Amber casted her spell. Mula sa mamasa-masang damo'y lumitaw ang daan-daang mga bula na nagmistulang pinakuluan dahil umuusok ang mga ito. "New spell. Gawa sa tubig at asido ang mga bulang yan. Mga halaman ang kalaban kaya kailangan nating diligan."

Amber never failed to amaze me. Sa loob ng dalawang taon namin sa academy ay marami na itong napatunayan. Halos kabisado na niya lahat ng spell at kaya na niyang makipagsabayan sa iba pang witches. Kaya na rin niyang mag-cast ng spell na walang ginagamit na magic wand. Kaya ito napasali sa mga listahan ng initiates na isasabak para maging ordained keeper dahil sa ipinamalas niyang galing sa loob ng dalawang taon.

Nakatayo lang kami limang metro mula sa mga nakaharang na oceus habang naglalakbay palapit ang mga acid bubbles ni Amber. Pigil ang paghinga ko habang pinapanood ang kaganapan. Ilang saglit pa ay binuka na ng mga oceus ang kanilang mga bunganga para kainin ang mga umuusok na bula.

Amber gestured and raised her left hand. Hinuha ko'y isahang ibabagsak nito ang mga acid bubbles. Slowly and confidently, she casted, "Gutta stilla!"

The Seekers (TKS #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon