36. Switched

25.7K 960 129
                                    

"Ayaw pakabog Miss Frost?" ani ni Mistress Fhaun nang makita ang pagpapalit ng kasuotan ni Amber. Nasorpresa, yan ang eksaktong salita na maglalarawan sa reaksyon ng tinatawag ding antigong ganda. "Mamaya na kita uusisahin kung papaano mo nagawa ang super arma transformation na hinaluan mo pa ng fabulous."

"Well Mistress Fhaun, heto na tayo. Ito na ang pinakahihintay nating showdown, tama ka, mamaya na natin pag-uusapan ang super arma transformation na 'yan," sagot naman ni Amber na parang hindi nabibigatan sa kasuotan. Nakasuot ito ng baluting naghalo ang puting satin at matibay na metal. Naka-hand gloves ito na pinapalibutan ng embroidered glitters habang ang katawan niyang hinapit ng metal na kasuotan na may mga magical markings. Nakalatag ang hemline ng suot nito sa lupa at ang pinakaagaw eksena sa lahat ay ang icy wings nito na parang gawa sa diamante ang bawat bahagi. Nakakasilaw ang kinang na nagmumula sa malayelong pakpak nito sa likod. Lumitaw ang kagandahan ni Amber sa magarbo nitong baluti.

Nagmistulan silang mga bahagi ng yinyang. Itim ang baluti ni Mistress Fhaun at puti naman ang kausotan ni Amber. Parang sila ang mga pinaka-makapangyarihang witches sa kani-kanilang henerasyon. Halos magkasabay silang humarap sa ace of clubs at ace of diamonds. Sa pagtipak ng dulo ng magical staff ni Mistress Fhaun sa bato, mabilis itong binalot ng asul na liwanag at kuminang din ang mga bato sa magkabilang dulo ng staff niya.

"Wow, may staff ka pala. I almost forgot Mistress Fhaun," buwelo ni Amber na nakatingin sa hawak na tungkod ni Fhaun, she even flipped her hair saka niya nilahad patagilid ang kaliwang kamay. Mula sa kanyang mga palad ay isang pahabang asul na liwanag ang umusbong at nang maglaon ay naging mahabang tungkod. As Amber holds the elongated light, the formation becomes solid -icy shiny solid. Naging magical ice staff din ito na may deep blue stone sa dulo. "Now we're even."

Napaismid na lang si Mistress Fhaun at bahagyang umiling-iling. Magkasabay na binalot ng makapangyarihang energy lights ang dalawang warrior witches. Hindi pa tumatagal ang showdown ng kanilang battle suits ay mabilis nang tumalon ang dalawang black knights patungo sa kinaroroonan nila. Humaba ang buhok ng ace of diamond at halos sakupin ang buong dungeon. Samantalang nasa likuran naman nito ang ace of clubs. Sa hindi inaasahang tagpo, mabilis na gumalaw pasugod ang mga hibla ng buhok ng ace warrior palibot sa dalawang warrior witch. Biglang ipinatong ng isa pang ace warrior ang kanyang mga kamay sa ulo ng mandirigmang may mahabang buhok saka binalot ang mga kamay ng kuryente. Dumaloy ang malakas na boltahe ng kuryente sa buhok ng ace of diamonds.

Bago pa man makadikit kina Mistress Fhaun ang buhok ng kalaban ay nagawa na niyang ihampas pasalubong ang kanyang staff. Naputol ang ilang bahagi ng mahabang buhok ng kalaban dahil sa energy whip na nabuo ng magical staff ni Fhaun pero hindi iyon natigil sa paglusong patungo sa kanila. Nang matapat ang dalawang itim na mandirigma kina Amber ay siya ring paglago ng mga buhok hanggang sa palibutan nito ang kinatatayuan ng dalawang warrior witch.

Itinaas ni Amber ang kanyang icy staff. Mula sa kawalan ay nagsisulputan ang mga matutulis na diamond shards. Ikinumpas paikot ng babae ang hawak niyang nagyeyelong tungkod, sumunod ang pagsugod ng mga diamond shards sa dalawang kalaban. Mabilis. Pabulusok.

Nagawang kontrolin ng ace of clubs ang mga diamond shards na nakapalibot na sa kanila. Sa isang pitik ng daliri nito ay bumalik kina Amber ang mga matutulis na diamante.

"Amber! Talon!" utos ni Mistress Fhaun.

Tumalon paatras ang dalawa. Hindi nagsayang ng oras si Mistress Fhaun. Itinutok nito ang hawak na tungkod sa lupa saka nagpakawala ng malakas na enerhiya mula sa kumikinang na bato ng hawak nitong staff. Tinamaan ang lupa at bumuo 'yon ng malaking hukay -naglalagablab na hukay.

"Hah!" sigaw ni Fhaun mula sa ere sabay galaw ng malaya niyang kamay na parang may hinuhugot sa lupa. Ilang saglit lang ay lumindol ang lupa saka tumubo ang mga higanteng metallic pitcher plants. Lima ang ulo ng halimaw at may matutulis na ngiping gawa sa bakal. Umikot pa sa ere si Mistress Fhaun saka tinapunan ng energy balls ang mga metallic monster pitcher plants. Humaba ang tangkay ng mga monster plants at mabilis na sinugod ang mga nagwawalang buhok ng kalaban.

The Seekers (TKS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon