ALVIS
I can just feel the enormous power around us. The keeps within the circle of the A-Team is overpowered. I was never expecting this. We did not expect this. Pati si Lara at ang reyna Elmaea ay nagulat din sa lakas ng pwersa ng mga druids na nakapalibot saamin. Mukhang hindi kami palulusutin ng mga ito papunta sa kuta ni Amry.
My heart started racing against my breathing. I have never been so worried and scared since my first test in Garon Forest. I have never encountered such fearsome situation like this. 'Yong takot na alam kong may mangyayari at wala akong maisip na paraan para malusutan ang problema. Pakiramdam ko'y lalamunin na lang kami ng buo ng kagubatan ng Shi. If the set of runes can do something with these dark druids, I must know right now before it's too late; but it's showing no sign.
"Hindi aatake ang mga druids na 'yan hangga't hindi natin sinusubukang lumabas sa circle of death na binuo nila palibot saatin. Base sa nabasa ko, ganitong ganito ang nabasa ko!" Amber exclaims as fear started to paint her face.
"Lara, s-sila ang mga sinaunang rebelde ng Cairos. Sa lugar na 'to, sila ang malakas dahil kontrolado sila ng itim na kapangyarihang bumabalot sa islang 'to. At sa tingin ko'y nagawa na silang kontrolin ni Amry bago pa tayo makarating dito. H-hindi sila titigil hangga't may naririnig silang hiningang nagmumula sa inyo," tila isang nakakapangilabot na babala ang sinabi ni Elmaea. Nanginig ang buo kong katawan at para akong binuhusan ng malamig na tubig.
"May paraan para matalo natin ang mga druids na 'to. Alam kong may paraan!" untag ni Lara na lalong humigpit ang hawak sa kamay ni Peorion. Mukhang hindi na ito papapigil at ilalabas na nito ang nakatagong lakas ng anim niyang guardians.
Pero hindi pa ito ang tamang panahon. Sa tingin ko'y hindi pa pwedeng ilabas ni Lara ang buo niyang lakas dahil wala pa sa harapan namin ang tunay na kalaban -si Amry o posibleng ang halimaw na si Golarus. Someone has to keep these druids occupied while Lara and Laurent take their way towards Amry's hideout.
Napakuyom ako ng palad. Papaano namin gagawin iyon kung napapaligiran kami ng mga malalakas na halimaw? S-sino ang handang magsakripisyong maiwan maliban saakin?
Umusbong ang anim na uri ng apoy mula sa katawan ni Lara. Parang napakalakas ng enerhiyang lumabas mula sa kanya. Napansin ko ang mga mumunting hibla ng liwanag na nagdurugtong kay Lara at kay Peorion. Tama ang matagal ko nang hinala. Si ruru, ang lakas nito at ang kapangyarihan niya ay isa sa mga elementong kayang doblehin o triplehin ang kapangyarihan ni Lara. Si Lara at si Peorion...
"Lara!" malakas na tawag ni Priam. Sa tinig nito'y parang tutol din ito sa agarang pagpapalabas ni Lara ng kanyang lakas. Hindi ako nagkamali dahil nang lingunin ito ni Lara'y muli siyang nagsalita, "this is not the right time for you to use your strength. Amry has planned this. Pinadala niya ang mga druids na 'to para ubusin ang lakas natin if not to get us stuck. This was all planned. You have to save your keeps because the real enemy lies beyond the grave of these druids."
"Hindi ako papayag na may masaktan na kahit isa man sa inyo. We have lost Silex, a second loss would definitely break us apart!" Lara says in her broken voice.
"No one is going anywhere Lara. This is the best way to take down Amry," hindi ko napigilang sabihin. Sa naging reaksyon ng babae'y tila alam na nito ang pinaplano namin ni chief. The idea is mutual, I guess Priam will fight alongside with me.
"I'm not leaving Lara alone!" mariing usal naman ni Amber. Nagsimula nang pamugaran ng luha ang mga mata nito.
Dahan-dahang naglakad si Priam palapit kay Lara. Nang ipatong nito ang kanang kamay sa balikat ng babae ay kusang nawala ang six keeps nito. Napansin ko ang luhaan nang pisngi ni Lara nang lingunin nito si Priam.
BINABASA MO ANG
The Seekers (TKS #2)
FantasyWattys 2016 Winner for Talk of the Town Category The death of evil is temporary. For when the strongest abhorrence lingers beneath Like a seed sown by darkness and evil It will make its way to bear chaos. Lucky are those who know nothing what lies...
