53. Ties

18.4K 843 57
                                    

AMBER

"So when are you planning to tell them chief?" mahinahon kong tanong sa nakatayong si Priam Cloud sa lilim ng isang malaking puno sa hardin ng kastilyo. Seryosong nakatanaw ito sa nakaupong si Laurent at Lara habang kausap ang haring Theodore na nasa tabi naman ni Reyna Elmaea.

Nasa tabi ng hari si Kaiser na matiim lang na nagmamasid samantalang nakadikit naman si Cael sa ina nito. Simula nang magsanib ang enerhiya at espirito ng reyna at nabuo ang katawan nito ay hindi na mawalay ang kakambal ni Lara sa ina. Alam ko, alam ng lahat na pansamantala ang kaanyuang iyon ng reyna Elmaea kaya marahil ay sunusulit ni Cael at ang pamilya nito ang pagkakataong makilala at makasama pa ang nawalay na ina.

"Tell the what?" Priam said noncommittal. Halos magsalubong ang makakapal nitong kilay sa sobrang pagkairita. Marahil ay ayaw nitong buklatin ko ang iniisip niya. Bumuntong hininga ang mercenary chief na first time na hindi suot ang uniporme. Mas lalong lumitaw ang kagwapuhan nito sa suot na semi-fitting maroon doublets na pinaresan ng tight white breeches.

I pursed my lips. Sumandal ako sa malaking punong kinatatayuan namin. Nasa terasa naman sina Alvis at Silex na patingin-tingin saamin ng nag-aalburutong mercenary chief. "Come on chief. I can hear your thoughts. I knew everything about you and the Hale's noong nasa Bliss Island tayo." I mentioned carefully. Ayaw kong may makarinig saakin dahil gusto kong kay Priam mismo manggaling ang katotohanang kapatid niya sina Miranda at Laurent. Madaldal ako pero may respeto parin naman ako sa mga ganitong issues. Lalo na't parehong mga pinaglihi sa masamang panahon ang mga taong involved. Nakakatakot maipit sa dalawang nag-uumpugang bato pero mas nakakatakot ang maipit sa dalawang itim na hurricanes.

"Since when have you been hearing our thoughts?" Namula ito at tila hindi na mapakali sa kinatatayuan. Nakita ko ang pagkuyom ng mga palad niya. Humarap ang lalaki saakin. Kulang na lang ay gawin niya akong yelo para tuluyan nang manahimik.

"It doesn't matter. Basta ang alam ko ay alam ko," natawa ako nang muli kong marinig ang binubulong ng utak nito, "did your brain just flash a thought? You find my hair very beautiful?"

"Kailan naging maganda ang puting buhok? You look old!" asik nito na tila iniiba ang usapan.

"Do not divert the topic chief. I heard your head," I rolled my eyes and at nagpaduling-duling sa harap nito. Sa wakas ay magagantihan ko na naman ang kumag na 'to sa lahat ng pagsusungit niya saakin. "You want me to go deeper? 'Yong tipong pati subconscious mo eh babasahin ko?"

Hindi ko namalayan ang bilis ng paghablot nito sa bisig ko. Nangislap ang mga asul niyang mata. Nanlilisik. "Get out of my head Amber!" nanggigigil nitong usal.

"Bitiwan mo ako, masyado kang hot tempered chief!" Tinapik ko ang kamay nito at kusa naman siyang bumitaw. "Ang ironic, yelo ka pero mainitin ang ulo mo," bahagya kong pinigil ang aking tawa.

"I hate you Amber Frost."

Natawa uli ako dahil salungat sa sinabi nito ang nasa utak niya. "I know that's not true chief! Now, just answer my question. Just one question. When are you going to tell them?"

"When all of this are done. Kung buhay pa ako at buhay pa sila. Let's not complicate things."

"Hindi ba mas maganda na malaman nila ngayon hangga't buhay pa kayo?"

"I have answered just one question. Next time matuto kang magbilang," he said it with a tone of irritation. Umalis na ito at nagtungo sa kinaroroonan nina Haring Theodore at nagkunwaring walang bumabagabag sa isipan niya. Naiwan naman akong nakasimangot dahil nabigo ako sa aking pakay.

Ilang oras pagkatapos ng pag-uusap namin ni Priam ay ipinatawag kaming lahat ng hari sa war room. Halos habulin ko ang paghinga sa sobrang pagmamadali. Tinakbo ko pa ang ilang metrong hallway patungo sa silid. Napalingon ang lahat nang maglangitngit ang pintuan sa aking pagpasok. Naroon ang lahat ng mahahalagang tao ng Cairos. Mula sa heneral ng sandatahang hukbo, pinuno ng council of magic at ang mercenary chief na nambungad saakin ng nagbabantang mga tingin. Nakatayo palibot ang lahat habang nakalatag ang mapa ng Cairos at mga karatig bansa nito mismo mahabang war table.

The Seekers (TKS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon