JOLLY
Ang A-Team ilang taon na ba silang magkakasama? Ilang pagsubok, ilang dugo at luha na ba ang nakita ko mula sa mga magigiting na mandirigma ng Cairos? Pero hanggang saan ang tapang nila? Hanggang saan ang tibay ng kanilang pagkakaibigan kung hahamunin sila ng kamatayan?
I am grateful, that all the obstacles they've been through are conquered. One after the other is overcome. They become stronger and they conquer those that come unexpected. They grow up tough in every difficulties, but is it worth the growth and worth the strength and power if it coequals the life of some even of their own?
I see death. A domino of death is about to happen. Sa lahat ng mga mangyayari kay Amber, sa A-Team at sa mga nilalang na nakapalibot sa kanila, ako ang unang nasasaktan... dahil ako ang unang nakakakita. Saakin unang bumabagsak ang sakit. Ako ang sumasalo sa lahat ng dusa at paghihirap. Mararamdaman ko muna ang lahat bago pa man tumulo ang mga luha nila. Others consider my talent as a gift. I see it as a series of pain. A picture of torture. A view of chances I can't take a grasp to change it even with my little paws. I can see the picture, but I cannot alter it even if I try so hard.
Ngayong kumalat na sa buong Cairos na nasa island of death si Amry at ang tatlong rare keepers, mas maraming nilalang ang madadamay at magiging bahagi ng digmaan. Halos panghinaan ako ng tuhod habang isa-isang dumadaan sa balintataw ko ang mga larawan ng kabiguan at kamatayan. Alam kong bilang isang living seer, tungkulin kong pangalagaan ang mga nakatalang kaganapan sa hinaharap. Marami na akong nilabag na batas ng orasan. Marami na akong sinubukang baguhin pero tila mangyayari parin ang mga nakita ko na noon pa. Mangyayari ang mga nakatakda.
The timeline seems to always get back into shape even if I try to budge some parts of it. Time is really powerful. No one has ever defeated time. No power has surpassed the power of the clock. I failed. Kaya ako tahimik ngayon sa poku bag ni Amber habang binabaybay ng isang malaking bangka sakay ang A-Team ang karagatan patungong Island of Shi. Magdadapit hapon na at mangyayari na ang lahat ng nakaukit sa mapait na kapalaran.
Amber... Silex... Alvis, Ninong Pripri...Papa Lulu, ang Cairos... magkakahalo ang mga mukhang dumdaplis sa utak ko. Hindi pa man nangyayari ang kinatatakutan ko, ramdam ko na ang sakit. Mukhang hindi ko kakayanin ang lahat. Hiniling kong bumaba na lang ang lahat ng mga tala mula sa langit at iligtas ang mga kaibigan ko.
"Are you okay Jolly?" napansin ng arkanghel na si Alvis ang pananahimik ko. Lalo kong nilublob ang ulo ko sa poku bag at piniling huwag na lang magsalita. I maybe looking weird right now but I think silence is the best option on this situation.
"Agila, huwag mong inaabala yang si Jolly. Alam mo namang takot 'yan kapag may mga labanan at talent niyang magtago kapag may bakbakan!" angil ng amo kong si Amber. Normal ang boses ng amo ko, pero alam kong alam na nito ang dahilan ng katahimikan ko. Kilala na ako ni Amber. Alam niyang tuwing tumatahimik ako ay isang hindi kanais-nais na pangitain ang nakita ko.
Isang pilit na tawa ang tinugon ni Alvis bago ito muling nagsalita, "Huwag kang mag-alala Jolly, pagkatapos nito bibigyan kita ng isang box ng carrots. 'Yong purple!"
"Really?" bahagyang nawala ang takot ko dahil narinig ko ang isang kartong carrots na pangako ni Alvis. Umawang ang ulo ko sa takip ng poku bag. "Kahit mahirap ang pagsubok magsusurvive ka para mabigyan ako ng carrots?" I said almost jumping inside the bag.
"Ofcourse Jolly. Obstacles are obstacles. They can be dangerous. But they can be crushed down if we make up our minds to walk boldly through them!" Alvis' positivity catches everyone's attention. Napansin kong napatango na lang sina Lara, Laurent at Priam sa arkanghel.
"Huwag kang mag-alala Jolly, as long as I live, no one can touch you!" Amber promised. Mukhang pinapalakas ng amo ko ang loob ko. Dahil ba alam niyang mabigat ang pakiramdam ko sa nakikita? Paraan ba niya 'yon para sabihin, magiging okay ang lahat kahit na 99.99% ang posibilidad na magkatotoo lahat ng kinakatakot ko?
BINABASA MO ANG
The Seekers (TKS #2)
FantasyWattys 2016 Winner for Talk of the Town Category The death of evil is temporary. For when the strongest abhorrence lingers beneath Like a seed sown by darkness and evil It will make its way to bear chaos. Lucky are those who know nothing what lies...