Thank you for your interest in this story. The story is also available at www.dreame.com.
You can also download the DREAME app to enjoy other exciting stories. Follow me on Dreame with the username RuruMonster!
***
"M-Miranda?" 'yon ang tanging mga salitang namutawi sa bibig ko. Hindi ako makapaniwalang nasa harap ko si Miranda.
She was dressed like a doll carrying a transparent backpack full of toys.
Halos maluha ako habang pinagmamasdan ang umiiyak na mukha ng bata. Ang magandang mukha nito na ilang buwan ko ring hindi nakita dahil sa pagkawala nila ng kanyang kapatid. Nakikita ko sa mga mata niya ang mga mata ng nakatatandang kapatid. Mga matang minsa'y naging dahilan para maramdaman kong nagmamahal ako ng lubos.
"Ate Lara!" malakas na usal ng papahikbing bata kasabay ng pagtakbo palapit saakin. Napatayo ako sa kinauupuan ko at sinalubong si Miranda.
She wrapped her arms around my waist and I brushed my right palm against her hair as my left arm hugged her tight. Napahalik ako sa bumbunan nito. Tuluyan na akong naluha. Hindi ko napigilan ang sidhi ng damdaming kanina pa nag-uulayaw sa aking dibdib. "Miranda, you're here."
"Miranda, it's nice to see you back," ani Amber na napansin ko rin ang paghaplos sa hanggang baywang na buhok ni Miranda.
Kumawala si Miranda para batiin si Amber at ang iba pang nasa loob ng kwarto. Nginitian nito si Mistress Fhaun at si Master Uran. Kinawayan nito ang nakakunot noong si Priam na halatang nagtataka sa biglaang pagsulpot ng bata.
"Hoy, asungot kinakawayan ka ng bata oh!" usal ni Amber na halatang nainis sa tinuran ni Priam.
Nanatiling nakakunot noo si Priam at halatang nababahala.
Miranda smiled. Tila may naalala ito nang titigan niya si Priam. "Parang kilala kita!"
Nagulat kaming lahat sa sinabi ng bata. Nagkatinginan kami halos. Nanatiling malamig ang reaksyon ni Priam na nakakunot parin ang noo.
"I-ikaw ba 'yong masungit na amo ni Joko?" pagpapatuloy ni Miranda na tila natuwa dahil nakita si Priam.
Nagkatinginan kami ni Amber. Sino si Joko at bakit daw niya amo si Priam?
"W-wait Miranda, sino si Joko?" singit ni Amber sa nakatitig paring si Miranda. "Huwag mong titigan ang mamang yan baby girl, baka maging yelo ka."
"Si Joko ang nagligtas saakin mula sa mga tumidos na nagtangkang dakpin ako. Pagkatapos akong itago ni kuya sa loob ng kuweba bago ito madakip ng mga masasamang mamang 'yon, hinanap ako ng mga tumidos. Halos isang linggo akong nagtago sa liblib na kwebang 'yon bago ako matagpuan ni Joko at itakas sa islang 'yon. Ilang araw kaming naglakbay papunta dito dahil kailangan daw ako ni ate Lara." Bumalik na naman ang malungkot na mukha ni Miranda habang sinasariwa ang mga pinagdaanan bago makarating dito.
Lumuhod ako at kinulong sa magkabilang palad ko ang magandang mukha ni Miranda saka ko siya nginitian habang pigil sa pagluha. "Miranda, nandito na ako. Hahanapin natin ang kuya mo. Hindi ako titigil hangga't di natin siya nahahanap."
"Tama si Lara baby girl. Nandito si fairy godwitch na si Amber para tulungan ka," Amber exclaimed and paused for a short while. "Ngayon sir commander-in-chief Priam. Can you tell us how are you related to Joko at bakit siya mismo ang nagligtas kay Miranda?" sarkastikong pagkakasabi ng babae.
"Miss Frost, your tone," paalala ni Mistress Fhaun.
Jolly hissed na parang disappointed kay Amber at sinuportahan ang pagsusungit ni Mistress Fhaun.
BINABASA MO ANG
The Seekers (TKS #2)
FantasíaWattys 2016 Winner for Talk of the Town Category The death of evil is temporary. For when the strongest abhorrence lingers beneath Like a seed sown by darkness and evil It will make its way to bear chaos. Lucky are those who know nothing what lies...
