1. Pre-Ordainment Test

63.1K 1.6K 211
                                    

LARA

Naramdaman ko ang pagdiin ng matulis na bakal sa kanang bahagi ng aking leeg. Natigil ang aking paghinga. Parang sa isang maling kilos ko at isang maling galaw ay tutuluyan na ako ng kung sino man ang may hawak ng patalim a 'yon. Napapikit ako, alam kong wala na akong takas at wala nang ibang paraan kundi ang lumaban.

Marahan akong dumampot ng mamasa-masang tumpok ng lupa gamit ang kaliwa kong palad. Siniguro kong hindi mapapansin ng kalaban ang aking paggalaw. Napahinga ako ng malalim. Naramdaman ko ang muling pagdiin ng patalim na nagbabadya sa aking buhay. Kasunod noon ay ang panunuot ng kirot sa sugatan kong leeg. Dunaloy ang mainit na likido mula sa sugat pababa sa aking katawan habang nararamdaman ko parin ang sakit.

Wala nang oras. Ilang sandali na lang ay lalabas na ang golden stone sa dako doon. Kailangan kong pumasa.

Isa.

Dalawa.

Tatlo!

I ducked down para maiiwas ang katawan ko sa nakatutok na patalim. Then I took a swift pivot keeping my hips in balance. Paglingon ko ay pababa na at sasaksakin na ako ng espadang kanina'y nakaabang sa leeg ko. Mabilis kong naitungkod ang kanan kong kamay patalikod at hinagis sa mukha ng nakamantong nilalang ang nadampot kong putik.

Sapol sa mukha ang kalaban kaya napuwing ito at pansamantalang nabulag. Sa pagkakataong 'yon ay agaran kong binuo ang energy ball sa aking magkabilang palad at malakas na hinagis ang mga ito sa nalilitong kalaban.

Tumilapon ito ilang metro mula sa kinalalagyan ko.

Halos masilaw naman ang lahat ng naroon nang biglang lumitaw ang golden stone of gemini ilang segundo matapos kong pabagsakin pa ang dalawang giant orcs na nagtangkang paslangin ako.

Natigil sa pakikipagbakbakan ang apat pang keepers at mabilis na nag-unahan upang hulihin ang nakalutang na golden stone. Sinundan ng mga orcs at armored skeletons ang mga nag-unahang keepers.

Ang pinakahuli sa nga nagtatakbuhang apat na keeper ay nasapol sa kaliwang binti nito. Dinumog siya ng nga skeletons at pinagtataga hanggang sa mawalan ng buhay. Isa pang lalaking keeper ang hinarang ng mga orcs. Mabilis nitong naipreno ang dalawang paa at kaagad na sumiklab ang air whip sa magkabila niyang palad. Hinagisan ng lalaking wind keeper ng isang malakas na air whip ang mga nakaharang na orcs at mabilis na naitaboy ang kalaban. Ang hindi niya alam ay may mga nakasunod sa kanyang armored skeletons na may hawak na crossbow. Bago pa ito makalingon upang patamaan ang mga kalansay ay mabilis nang nakapaglakbay sa ere ang mga bala ng crossbow o bolt patungo sa kinaroonan niya.

Hindi ko natiis na panoorin ang patayan sa huling pagsubok. Halos wala pang isang segundo nang makita ko ang paglipad ng mga bolt patungo sa dibdib ng lalaki ay lumabas ang magkakambal na apoy sa aking kanang palad. Mabilis kong naihagis patungo sa mga bala ang apoy na nagmistulang mga kometang nahati sa sampo. Bago pa dumikit ang dulo ng bolt sa balat ng lalaki at nalusaw na ang mga ito.

Nilingon ako ng lalaking wind keeper at balewalang kumaripas ng takbo papuntang golden stone. Napukaw ang atensyon ng mga kalansay at orcs sa lalaki. Nabaling ito saakin. Halos sabay-sabay silang napatingin sa dako ko at tinutukan ng mga crossbow.

Nililipol ng tatlong natitirang keeper ang mga orcs habang ako'y halos palibutan na ng mga armored skeletons o mga osseus -mga kalansay na binuhay ng isang makapangyarihang potion na marahil ay galing sa magic council. Kilala silang mga mabibilis at mahirap pataying nilalang na nakakulong lamang sa Garon Forest.

Napahinga ako ng malalim. Mabilis kong binalot ng isang malakas na apoy ang aking katawan. Kinuyom ko ang aking palad bilang hudyat na handa na ako sa kung anong pwedeng mangyari. Kung kaya ko lang tawagin ang isa sa anim kong keeps, marahil ay matagal na akong natapos sa pagsusulit na 'to. Pero hindi ko kaya. Hindi na gaya ng dati ang lahat.

The Seekers (TKS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon