NICALI SIN
Nakahiga ako sa mamasamasang damohan habang nakatanaw sa kulay dugong kalangitan at nagtatakbuhan ang mga mapuputing ulap ilang minuto bago magkubli ang liwanag ng haring araw. Ramdam ko ang malambot na kama ng mga damo sa aking likuran at ang malamig na hampas ng hangin sa aking pisngi. Sinasariwa ko ang sinabi saakin ng pakialamerong pusa ng madaldal na mangkukulam na si Amber. Ang sabi niya, sundin ko daw ang tala patungo sa aking kaligayahan. Ang dami niyang kalokohan, pero sabi nila 99.99% ang accuracy ng mga nakikita niya. Sino naman ako para kontrahin ang halos perpektong prediction? Isa lang akong hamak na assassin na nabigo sa isang misyon at nakatali sa isang makapangyarihang dasal ng kamatayan na gawa ni Amber.
Ilang araw na rin nang maka-engkwentro ko ang A-Team. Nagsisi ako at minaliit ko sila lalo na ang babaeng may puting buhok. Pagkatapos ng engkwentrong 'yon ay marami pang sumunod na nangyari. Naging bahagi nga ako ng misyon para hanapin ang dark keeper na siya sanang papaslangin ko. Kahit papano'y naging malapit ako sa grupo nila at ginusto kong maging bahagi ng A-Team. Pero parang walang espasyo ang isang kriminal na katulad ko sa kumpol ng mga masayahin at positibong keepers na katulad nila.
Pumikit ako. Napasinghap nang muling bumulusok ang presko at malamig na hangin saka nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Peste, nasasayang na naman ang oras ko dahil sa mga walang kwentang bagay. Kailangan kong makaisip ng paraan kung papaano makakawala sa death spell ni Amber. Hindi ako pwedeng mabigo ng basta-basta na lang.
Magdadapit hapon na. Kailangan ko nang tumakda at muling magmasid sa paligid gaya ng inutos saakin ng mercenary chief na may malamig na mata. Isang buong araw din akong paikot-ikot sa buong Cairos, gustuhin ko mang huwag sundin ang kanilang utos ay wala akong magawa dahil kapalit ng katapatan ko ang aking buhay.
Sa pagtayo ko pabalik sa kastilyo upang magbalita kay Priam Cloud, isang makislap na bulalakaw mula sa aking likuran ang bigla na lang bumulusok patungong Silangan. Bigla kong narinig ang boses ni Jolly sa kawalan, 'Sundin mo ang tala patungo sa iyong kaligayahan!". Nakaramdam ako ng magkahalong kaba at sabik sa aking dibdib. May isang bahagi saakin ang bumubulong na huwag maniwala sa sinabi ng kulay ubeng pusa, may isang bahagi naman ang handang sumunod sa kung alin ang susundin ko pero mas higit ang sabik na nararamdaman ko nang makita ko ang tila isang bulalakaw sa kalangitan. Nagtatalo ang tatlong katauhang nakakulong sa aking katawan: ang fire keeper na si Fiore na laging mainitin ang ulo, ang wind Keeper na si Cindy na siyang pinakakalmado sa tatlo at ang earth keeper na si Herina, ang pinakamadaldal at pinakamaingay na katauhang nasa loob ng aking katawan.
Tanging si Fiore lamang ang tutol na sundan ko ang bulalakaw. Wala akong nagawa. Dala ng matinding pananabik kung ano ang mayroon sa talang iyon ay mabilis akong napalundag sa isang punong kahoy na malapit saakin. Sinalo ng isang sanga ang bigat ko. Inipon ko ang aking pwersa sa aking mga paa habang binabalanse ang katawan ko sa paglipat-lipat ko sa mga puno patungong silangan. Hindi ako nahirapang habulin ang tala. Isa akong class S assassin at bahagi ng pagkakaroon ko ng mataas na ranggo bilang assassin ang pambihirang bilis at liksi. Ilang taon din akong naghirap para makamit ko ang markang 'S' sa aking uniporme.
Ilang metro ang layo ko bago bumagsak at bumuo ng isang malakas na pagsabog at pagyanig ang nahulog na tala. Napakapit ako sa isang sanga at hinintay na humupa ang pagyanig. Ilang minuto pa ang hinitay ko bago nawala ang mga usok sa paligid at naging mas maliwanag ang tanawin. Mula sa nabuong hukay ng bumagsak na bola ng liwanag ay naaninag kong isang nilalang na may puting kasuotan ang naroon -nakalupasay at parang hirap sa paggalaw.
Naramdaman ko ang enerhiyang nasa katawan nito saka ko napagtantong ang gwapong arkanghel ang bumagsak sa lupa. Nataranta ako. Ang huling pagkakaalala ko ay nang halikan ko ito sa may ilog para linlangin. Anong ginagawa ni Alvis sa lugar na 'to at bakit siya bumagsak sa lupa? Hindi ba't may pakpak siya? Anong nangyari.
BINABASA MO ANG
The Seekers (TKS #2)
FantasyWattys 2016 Winner for Talk of the Town Category The death of evil is temporary. For when the strongest abhorrence lingers beneath Like a seed sown by darkness and evil It will make its way to bear chaos. Lucky are those who know nothing what lies...