Kaagad kong hinablot si Jolly mula sa tubig. Kakapit na sana ako sa balikat ni Alvis nang biglang hinawakan ako nito sa aking braso. Nanibago ako at tila nawirduhan sa ginawa ng lalaki samantalang balewalang sa kanya ang lahat habang nag-focus para sa lightning transmission. Mukha akong tanga sa reaksyon ko, buti na lang at hindi ako nakita ni agila dahil tiyak pag nangyari 'yon, pati siya'y mawiwirduhan din.
Hindi pa ako nakakahinga ay nasa laboratoryo na kami ng mangkukulam na si Fhaun. Sumalubong saakin ang amoy ng dinurog na dahon ng olive. Napasinga ako bago mabilis na tinakbo ang mismong kusina ni Fhaun. Naroon pa ang niluluto nitong potion na hindi na kumulo dahil patay na ang apoy ng kalan. Inamoy ko ang dinurog nitong oliba saka tiniris. Sariwa pa ito. Nagbabaga pa ang kalan at sariwa pa ang amoy ng mga dahon sa kusina. Base sa amoy at itsura ng mga bagay na iniwan nito doon, wala pang sampong minuto ang nakakalipas. Grabe naman lumandi si Mistress Fhaun, hindi tinatapos ang gawain at masyadong nasabik? Sino kaya sa tatlong forever nito ang kinatagpo niya? Si sir Conrad, sir Andro o finally naalala na siya ni sir Peter Silan?
"Amber, look!" tawag saakin ng nag-aalalang si Alvis na nasa isang sulok ng kusina. Pinipihit nito ang mga piraso ng batong hugis triangulo at may ancient alphabets na nakasulat, "Mga runes!"
"Runes, eh diba apelyido mo 'yon? So magkapamilya kayo ni Mistress Fhaun? O ginagayuma ka ni Mistress Fhaun dahil may crush siya sa'yo kaya siya may runes?" bulalas ko nang hindi nag-iisip. Saka lang sumagi sa isip ko na si Alvis Runes pala ang kausap ko -ang lalaking kapag biniro ko eh nagmumukha akong tanga.
Hindi nga ako nagkamali dahil nang tignan ko ang reaksyon nito'y parang ang slow niya para hindi makuha ang biro ko o sadyang nakornihan lang talaga siya sa joke ko. Sa titig nito'y parang isa akong baliw na mahirap maintindihan. Sasapakin ko na 'to at babalian ng pakpak pag hindi pa tumigil sa tingin niyang nakakatanga! "These are runes Amber. Bukod sa katunog 'to ng apelyido ko, alam na alam mo kung ano ang mga 'to!"
"Ofcourse I know! Yan ang mga ancient runes na matagal nang ibinaon ng mga archangels sa isang bahagi ng kalangitan dahil naging dahilan 'yan ng digmaan ng mga keepers particularly the witches and archangels noong sinaunang panahon," I recited like I have totally memorized the entire Book of Runes which I read wholeheartedly when I was ten. "Wala nang existing runes sa mundong ito, p-pero bakit merong mga ganyan si Mistress Fhaun? Matagal nang pinagbabawal ang panggamit ng runes sa buong Cairos at sa mga karatig bansa dahil sa panganib na dulot nito. Saan 'to nakuha ni Mistress Fhaun?"
Natulala si Alvis habang nakatitig sa tatlong uri ng runes na nasa kamay niya. Sa itsura nito'y parang nagbabalik tanaw na naman siya. Napansin ko ang pagtiim ng mga bagang nito at ang mahigpit na pagkuyom ng palad na may hawak ng runes. Isa siyang arkanghel at marahil ay bahagi na ng mga batong iyon ng kanyang pagkatao. Ang mga taga Southun na hindi lang mga mamamayang pinaglihi sa ibon este mamamayang winged-keeper ay mga taga-pangalaga din ng mga ancient runes ng Cairos. Pero base sa reaksyon niya ngayon, mukhang may mas malalim pa itong pinanghuhugutan sa mga batong 'yon. "These are runes of rage, despair and violence. Mapanganib ang mga batong 'to. Knowing Mistress Fhaun, mas maiintindihan ko siya kung runes of prayer or positive energy and hawak niya but these... these are too powerful and deadly for a white witch like her."
Napaisip ako. Tama nga si Alvis, bakit magtatago ng deadly runes si Mistress Fhaun? Alam niyang pinagbabawal ang mga makapangyarihang batong 'yon, bakit niya nagawang itago? Dahil ba sa crush niya si agila para may souveneir? O dahil pinaghandaan niya ang muling pagbabalik ng makulit at nakakairita nang si Queen Amry and reyna ng mga ampalaya kaya nagtago siya ng mga makapangyarihang bato? Nahimasmasan ako at muling kinausap ang lalaki, "Alvis, huwag nating husgahan si Mistress Fhaun. Baka may mas mabigat siyang dahilan."
"Tama. Do not judge the witch by her age!" biglang singit ni Jolly na nginunguya na naman ang nahalungkat na radish sa kusina ni Mistress Fhaun. "Bakit ba kasi dito mo kami dinala gwapong agila? Gwapo ka pero masyado kang assuming!" Hirit ni Jolly sabay tawa saka sinundan ng pagnguya sa hawak na gulay.
BINABASA MO ANG
The Seekers (TKS #2)
FantasyWattys 2016 Winner for Talk of the Town Category The death of evil is temporary. For when the strongest abhorrence lingers beneath Like a seed sown by darkness and evil It will make its way to bear chaos. Lucky are those who know nothing what lies...
