Thank you for reading this story. The story is also available on www.dreame.com. You may download the Dreame App for more awesome stories.
The Keepers is also published by Psicom and the book is already out on all leading bookstores (National Book Store, Book Sale, Expressions, and Pandayan) nationwide. You may also order your copy via Shopee and Lazada.
***
MAGRET
Kahapon lang nang magpaalam si Mistress Fhaun sa A-Team. Hindi ko na sana papaagahin ang pamamaalam ko pero naramdaman kong konting panahon na lang ang natitira saakin. Sa oras na maubusan ako ng oras ay baka hindi ko na maihatid ang kambal na Hale sa panahong dapat ay naroon sila.
Tapos na ang misyon. Kailangan nang matulog muli ni Miranda. Kailangan nang bumalik ni Blaire sa kanyang panahon kasama ang kapatid nito at kailangan ko nang mawala dahil ubos na ang oras ko.
Baka hindi na rin ako makabalik pa kapag nagkataon. Hindi ko gugustuhin 'yon.
Nasa hardin ang lahat nang magdesisyon akong magpaalam na. Nakatawa pa ang magkatabing sina Amber at Silex sa isang carpet habang pinapanood sila nina Alvis, Herina at Cael. Nagkukulitan naman sina Jolly at Joko sa isang sulok na pinag-aagawan ang isang piraso ng kulay ubeng carrots. Nakaupo sa isang bench sina Lara at Laurent habang nasa harap nila si Miranda na kinakalikot ang mga laruang nasa bag niya. Nakatayo naman at nakamasid si Priam sa lilim ng isang malaking puno na lihim na tumatawa sa asaran ng SilBer.
"Are you leaving so soon?" Tumikhim ang hari sa aking likuran. Nang lingunin ko'y karga-karga nito sa magkabilang braso sina Blaire at Peorion na naaaliw sa kanyang namumuting balbas. Malungkot ang mga mata nitong tumitig saakin at sa mga apo nito.
Yumuko ako at nagbigay galang sa hari saka nagsalita. "Kailangan kamahalan. Bilang na ang mga oras ko at kapag lumagpas ako sa limitasyon ay baka hindi ko na sila magawang maibalik. Kapag nangyari 'yon ay magkakagulo ang hibla ng orasan at baka mas malala pa ang mangyari," pagpapaliwanag ko.
Humalik ang hari sa pisngi ng mga bata saka mahigpit na yumakap. Nakasara pa ang mga mata nito habang sinasamyo ang amoy ng kanyang mga apo.
Nalungkot ako para sa hari. Kamakailan lang ay nawalan ito ng isang anak. Masakit sa isang magulang ang maglibing ng sariling anak. Doble ang sakit no'n sa lahat ng sakit. Ngayon ay babawiin na ang mga apong saglit lang niya nakasama. Bigla akong nalungkot para sa hari. "Ilang buwan niyo lang sila hihintayin kamahalan. Magkikita uli kayo," pakonsuelo ko saka ngumiti ng sinsero.
"Tell mama and papa to name us Peorion and Blaire!" nakangiting sabi ni Peorion sa hari na nagawa pang humilig sa balikat ng hari.
Tahimik naman si Blaire na hinahaplos lang ang balbas ng lolo nito. Nakatitig siya sa mukha ni Haring Theodore na tila tinatandaan ang bawat detalye ng mukha ng hari. Blaire tries to speak up, "L-lolo... I love you!"
Natawa ang hari at mabilis na nangilid ang mga luha nito. I have never seen a king in such a vulnerable state. Siguro nga'y pagdating sa pamilya'y lahat ng matapang ay nagiging emosyonal. Kagaya na lang ngayon. "Lolo loves you both!" Humalik ang hari sa pisngi ng dalawa saka humakbang pababa sa hagdan kung saan naghihintay na pala ang buong A-Team.
Alam na nila ang susunod na mangyayari. Pero may mga bagay pa silang kailangan malaman bago ako umalis. May nga regalo ang orasan sa sa kanila dahil napagtagumpayan naming pigilan at burahin ang propesiya.
Pagbaba ko ng hagdanang magdadala saakin sa kinaroroonan ng A-Team, sinalubong ako ng yakap ni Lara at tinapik naman ni Laurent ang aking likuran. Marahang humikbi si Lara. Siguro ay pinipigilan nitong maging malungkot at ayaw niyang makita ko iyon.
BINABASA MO ANG
The Seekers (TKS #2)
FantasyWattys 2016 Winner for Talk of the Town Category The death of evil is temporary. For when the strongest abhorrence lingers beneath Like a seed sown by darkness and evil It will make its way to bear chaos. Lucky are those who know nothing what lies...