Dedicated to Cloudish_shen
Priam was carrying Miranda as the others started to walk behind him. Ilang minuto din ang pinalagpas namin bago nakapasok ang mga tumidos sa force field. Nagsimula na naman akong kabahan nang magsimula kaming lumapit sa harang patungo sa sentro ng Gaikoz. It's like death is within the area and we are about to meet the end. Ibinaba ni Priam ang kinakargang si Miranda at humakbang pa paharap. Wala ni isa saamin ang nakakakita sa harang. Parang isang normal na tanawin lang ang daan na animo'y walang harang. Priam started to move forward habang nakatukod paharap ang kanang kamay nito. He signaled us to stop moving habang patuloy parin ito sa paglalakad.
I almost held my breath nang tumigil ako sa paghakbang habang hawak ang kamay ni Miranda. Nakatingala saakin ang parang kinakabahang gate keeper nang lingunin ko. Pakiramdam ko'y may hindi magandang mangyayari pagpasok namin sa harang. Napahigpit ang hawak ko sa kamay ng bata at agarang ibinalik ang tanaw sa commander in chief. I released a silent breathing to ease the weariness that almost created a lump in my chest.
"What is he doing?" biglang tanong ni Nicali na nasa likuran lang namin at katabi nina Amber at Alvis. Pakiramdam ko'y tutol ito sa ginagawa ng lalaki. Napalingon ito saakin at nakita ko mismo sa mga mata niya ang namumuong pangamba. She seemingly know something about this place.
"Sin? W-what's wrong?" agaran kong tanong. Umayon ang pagdududa ko at pag-aalala sa reaksyon ng babae.
"Priam is in d-"
Biglang hindi ko na lamang narinig ang sinabi ni Sin nang umagaw sa eksena ang malakas na sigaw ni Priam kasabay ng pagkabuo ng tila isang nakakakuryenteng salamin sa harap nito. Nahawakan nito ang harang at kusa siyang itinaboy ng force field dahilan para tumilapon ito pabalik sa kinaroroonan namin. Bumuo ang paggalaw ng forcefield ng isang malakas na pwersa palabas dahilan para mapaatras kami. Mabilis kong nayakap si Miranda at kinalong upang iiwas ito sa bumulagang malalaking bato at kumpol ng mga buhangin pero bago ko pa ito tuluyang matakpan ay nagpakawala na ito ng isang malakas na ihip ng hangin upang itulak pabalik ang pwersang babangga saaming lahat. Halos liparin ang buhok ko sa sobrang lakas ng pinakawalan nitong air whip.
Tila walang nangyari pagkatapos. Wala ni isa ang nasugatan saamin maliban sa tumilapong si Priam. Hindi na nito hinintay pang saklolohan siya ng iba pang keepers, sapo nito ang kanang bisig nang tinangkang tumayo. Mukhang napuruhan ito at halatang pinipigil ang pagngiwi upang maitago ang nararamdamang kirot.
"Napuruhan 'yan, pustahan tayo," narinig kong bulong ni Amber kay Alvis.
"Kaya niya 'yan. He's been trough a lot worse than this," sagot naman ni Alvis habang hinihintay ang paglapit ng bumangong si Priam.
Hindi pa man nakakalapit saamin si Priam ay kaagad nang kumilos si Amber para salubungin ito. Pinigilan pa ito ni Alvis pero hindi siya pinansin ng babae gaya ng inaasahan.
"Commander, you need help?" Amber asked without hesitation. The sarcasm was in her voice.
Something seemed not right nang mapansin ko ang ekspresyon ni Priam -tila nainsulto ito sa inasta ni Amber.
"I'm fine. I was just testing the shield," pagkatapos nitong sabihin 'yon ay mabilis niyang nilagpasan ang natamemeng si Amber. Nagtama ang aming mga tingin nang lapitan nito si Miranda. He kneeled infront of the little girl as if she's a royalty that needs his loyalty ang respect. Tumingala pa ito saakin -hindi siya makatingin ng diretso- saka ibinaling ang tingin ng malamig niyang mga mata sa tahimik lang na si Miranda. "Princess, are you ready?"
Napansin ko ang biglang pag-iba ng ekspresyon nito, mula sa masungit na aura niya ay biglang umamo ang pinta ng kanyang mukha. Pansin kong biglang gumagaan ang loob nito tuwing kaharap ang bata. Sa tingin ko'y may nakikita ito kay Miranda dahilan para maging espesyal ang trato niya dito.

BINABASA MO ANG
The Seekers (TKS #2)
FantastikWattys 2016 Winner for Talk of the Town Category The death of evil is temporary. For when the strongest abhorrence lingers beneath Like a seed sown by darkness and evil It will make its way to bear chaos. Lucky are those who know nothing what lies...