25. Untold Secrets

24K 1K 171
                                        

Tatlong malalakas na kalabog pa ang sumunod bago ko binuksan ang pintuan. Hinigpitan ko ang tali sa suot kong roba sabay napahalukipkip nang bumungad ang seryosong mukha ni Priam Cloud. Bakas sa mga mata nito ang magkahalong pagkatuliro at pag-aalala. Pinasadahan pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa parang isang bagay na sinusuri sa isang laboratoryo
"What's wrong?" naguguluhan kong tingin.

"Lara," biglang sumingit mula sa likuran si Alvis kasunod ni Nicali Sin na kababakasan din ng pagkabalisa.

"Where is Laurent?" mariing tanong ni Priam saka ikinalat ang tingin sa buong kwarto.

Nilingon ko rin ang buong kwarto at hinanap kung nasaan ang lalaki. Wala ito sa loob ng silid kaya napakunot ako ng noo at biglang naguluhan?

"What is happening?" nalilito kong tanong. Nagpalipat-lipat ako ng tingin kina Priam, Alvis at Sin.

"L-Lara, the curse is about to come. Parating na ang sumpang uubos sa lahat ng lahi ng mga keepers!" hindi matanggal ang kaba sa mukha ni Nicali na parang katapusan na ng buong sansinukoban. Tila nagbibigay ng babala ang boses nito at hindi mapakali.

"Lara, tell me what happened last night?" baling saakin ni Priam na hindi ko namalayang nakahawak na sa mga balikat ko. Naramdaman ko pa ang marahang pagpisil nito.

"Get your hands off her!" halos gulatin kaming lahat sa sigaw ni Laurent. Nasa likuran na pala ito nina Alvis na seryoso ang titig habang bitbit ang isang tray ng pagkain na may kasamang inumin. Nagkatitigan sila ni Priam at halatang hindi naman natinag si Laurent sa mala-yelong mata ni Priam. "No one is allowed to treat my girlfriend that way kahit ikaw pa ang mercenary chief ng guild na kinabibilangan niya."

Tumikhim si Alvis na nahalata ang komosyon sa pagitan mg dalawa. Mabilis nitong iniba ang usapan. "Laurent prepared something for Lara," napakamot ito ng ulo at halatang pilit ang pagtawa, "I think hindi pwedeng binabalewala ang pagkain. So chief, maybe we can just discuss some things later."

"You better should," segunda ni Laurent na naglakad na palapit sa pintuan ng kwarto kung saan nakaharang sina Priam, Alvis at Nicali.

Natahimik si Priam at napabuntong hininga bago bagsak ang balikat na tumalikod at umurong upang bigyang daan si Laurent. Nakita ko ang pagkuyom ng mga palad nito na tila nagpipigil sa nararamdaman. Inirapan pa nito si Laurent bago nagpatuloy sa paglalakad.

Hindi pa nakakalayo sina Alvis at hindi pa tuluyang nakakapasok ng kwarto si Laurent nang biglang agawin ang aming atensyon ng tila hiyaw ni Amber mula sa kawalan. Parang babagsak ito mula sa kisame kaya sabay-sabay kaming napalingon sa puntong iyon. Hindi parin tumigil sa paghiyaw si Amber nang mabilis na sumulpot si kabilang dulo ng hallway si Miranda. Nakadamit pa itong pantulog at mukhang bagong gising. Mabilis ang ginawa nitong pagtakbo palapit sa kinaroroonan namin habang nakataas ang mga palad.

"Umilag kayo! May mga babagsak!" babala ng bata sa matinis na tinig.

Bago pa kami makailag, isang nakakasilaw na liwanag ang sumulpot sa kisame at sa tingin ko'y 'yon ang portal na binuksan ni Miranda. Ano ang babagsak mula sa portal? Natanong ko sa sarili. Si Amber ang babagsak mula sa portal? Napagtanto ko habang palakas ng palakas ang boses ng humihiyaw na si Amber.

Napakapit ako sa braso ng gulat na gulat ding si Laurent nang narinig namin ang napakalakas na sigaw ni Amber mula sa bumukas na portal na nasa dingding.

"BABAGSAK KAMI! SALUHIN NIYO AKO!"

Kasunod no'n ay ang nakakabinging tunog ng bumagsak na katawan sa sahig. Nasagi pa ng nahulog na si Amber ang hawak ni Laurent na tray ng pagkain at gatas dahilan para tumilapon ito. Biglang nawala sa harapan ko ang nakatayong sina Alvis, Priam at Nicali o hindi ko lang talaga sila napansin sa mabilis na pangyayaring 'yon. Sumunod na bumagsak ang isang higanteng lobo na tila nawalan ng balanse at nauna ang puwetan sa carpet, halos mabiyak ang binagsakan nitong semento. Sumunod si Kaiser na padapang bumagsak din sa sahig at tila hindi inasahan ang pagkahulog nito.

The Seekers (TKS #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon