57. Dark Ambush

18.1K 888 197
                                    

His golden eyes projected several colors when he saw me and Laurent. He took little steps to get near to us. Pawang nakaawang ang mga bibig nina Priam at Alvis habang pinagmamasdan ang batang lalaking papalapit saamin. It looked like they saw defeat with the boy's presence. Inayos ni Laurent ang upo nito nang tuluyan nang nakalapit ang batang ruru na tila hinahanda ang sarili.

Napaluhod ako upang salubungin ang tulalang bata na tila namamangha sa nakikita. Itinaas nito ang kanang kamay upang abutin ang mukha ko. Kusa kong inilapit ito upang maabot niya ang pisngi ko. Naroon na naman ang larawan ng isang magandang tanawin nang titigan ko ang makulay nitong mga mata. Napapikit ako nang maramdaman ko ang malambot nitong palad sa aking kanang pisngi. Hinaplos nito iyon gamit ang maliliit niyang daliri.

"M-mama l-lala," mahina nitong bulong dahilan para mapamulat ako ng mata.

Alam kong nangyari lamang ang pagbabalik ni ruru dahil muli kong nabuo ang anim kong guardians. May kahulugan ang pagkawala at muling pagbabalik niya. Kailangan kong malaman kung anong ibig sabihin ng lahat ng senyales na nakikita ko. Pero kailangan ko munang isantabi iyon dahil ang mas mahalaga ay ang nasa harapan ko -ang cute na batang kutob ko'y nagmula pa sa malayong panahon.

Labis akong nangulila kay ruru pero labis din ang gulat ko sa mga pangyayari. Hindi parin ako makapaniwalang naging isang maliit na bata ang cyfrin na nagmula sa itlog ng yinyang. Natigilan ako sa huling ideyang pumasok sa isip ko. Ang marka ng yin-yang. May ganoong marka si Blaire, samantalang si ruru ay galing sa isang hwy na may marka din ng life and death. Hindi kaya si Blaire at Ruru ay...

Naputol ang isipin kong iyon nang tumikhim sa aming likuran si Priam. Napansin ko din ang paglapit ni Alvis na nasa kanang bahagi ko na. Nakatunghay ang dalawa sa batang lalaki na nakatayo sa harapan namin. Nagpalipat-lipat ang tingin nito saakin at sa tatlong lalaking nasa paligid ko. Sumilay ang ngiti nito sa maliit niyang labi at puno ng galak ang mga mata niya na parang kilala na niya kaming lahat. Siguro nga'y kilala na niya kami dahil siya si ruru pero parang may mas malalim na pakahulugan ang mga titig niya.

"Papa... p-"

"Priam?" putol ni chief sa sasabihin ng bata.

Lumipat ang tingin ni Ruru kay Priam pagkatapos ay umiling-iling ito. "No, ikaw si ninong Pripri!" pagkilala nito sa mercenary chief dahilan para matawa si Alvis na nasa gilid.

Sumama ang tingin ni Priam kay Alvis. Tinapunan nito ng pilit na ngiti si ruru bago bumuntong hininga.

"How about me Ruru, do you know me?" napaluhod na rin si Alvis para pumantay ang mukha nito sa nakatingalang bata. Hindi na nawala ang ngiti sa mukha ng arkanghel.

Naituro ni Ruru si Alvis habang kinikilatis ito. Napaisip pa siya kung sino ang lalaki na parang hindi sigurado. Nang tuluyan niyang makilala ang arkanghel ay tila nagsabog ng liwanag ang buong tanawin sa kanyang pagngiti kasabay ng pagkinang ng ginintuang mga mata. "I know you! Bakit wala ka nang balbas? At bakit mahaba ang buhok mo?"

Nagkatinginan kaming lahat. Naguluhan.

"Huh?" tanong ni Alvis sa bata na napahimas sa babang wala ni isang balbas. Hindi nito ugaling magpahaba ng balbas simula noon pa.

Nagpatuloy si Ruru na hindi na nawalan ng aliw habang nakatingin saamin. "Ikaw si General Alvis! Ang papa ng madaldal na si Sh-"

"Stop spoiling everything!" malakas na sigaw ni Jolly. Nasa likuran na rin nito ang papalapit ma sina Amber at Reyna Elmaea.

"General? Saka may anak ak-" naputol ang sasabihin ng arkanghel.

"Ruru!" tawag ni Amber sa bata nang tuluyan nang makalapit saamin. Kagaya namin ay kababakasan din ng pagkamangha ang babae. Kumaway ito sa bata at ngumiti.

The Seekers (TKS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon