May masamang senyales ang pagsulpot ng anim na tala sa isla. Nararamdaman kong hindi lang nagkataon ang pagsasama-sama ng mga ito. Ilang segundo din akong nakatititig lang sa anim habang ang iba ko pang mga katulad ay manghang-mangha sa makukulay na telang binabalot ng mala-diamanyeng abo na suot ng anim na tala. Pawang iba-iba ang mga nakapatong na palamuti sa kanilang ulo na sumisimbolo sa kanilang kakayahan at tungkulin bilang anim na tagapangalaga ng Bliss Island.
Nakaputing kasuotan si Stella na sumaysayad hanggang sa lupa ang laylayan, suot nito ang koronang gawa sa perlas at may marka ng krus at nakapulupot na serpente sa bandang gitna -siya ang tala ng kapayapaan. Suot ni Hhana, ang pulang roba na may ginintuang burda sa balikat pababa sa hemline at suot nito ang pulang tiyara na gawa sa pinaghalong dugo ng red dragon at mahiwagang bato ng ruby -siya ang tala ng digmaan at kaligtasan. Magiliw at laging palangiti ang tala na si Dafudiel, na siyang may suot na berdeng robang may nakapalibot na mga bulaklak at lumilipad na paru-paro sa buong katawan nito. Kilala siya bilang tala ng kasaganaan at kayabongan o fertility.
Tahimik na nakamasid lamang si Janelyka, sa clowder at sa iba pang tala. Siya ang pinakaseryoso sa anim. Suot nito ang asul na roba na simple at walang palamuti. Hindi korona ang suot nito kundi isang puting turban na may asul na bato ng karunungan sa gitna. Si Monica ang pinakamasayahing tala sa anim. Isang kulay rosas na ball gown ang suot nito at may palamuting malaking rosas sa gilid ng kanyang tainga -siya ang tala ng pag-ibig. Si Lyzarica, ang tala ng pag-asa, ay suot ang pinakamakinang na gown sa anim -ang dilaw. Nakapatong sa ulo nito ang isang koronang may hugis ng haring araw. Sila ang anim na tala na nagpapanatili ng balanse sa isla. Madalang silang magtagpo sa iisang landas at pagkakataon.
Anong mayroon at nandito silang lahat?
Napaisip ako. Kailangan kong mapagtagpi-tagpi ang dahilan ng lahat pati na ang nakita kong pagtatagpo nina Amry, Laurent, Alvis at Sin. Hindi ako sigurado sa nakikita ko dahil hindi naman isandaang porsyento ang kasiguraduhan nito. Kaya kailangan kong komunsulta sa isang aso.
"Joko, kailangan kong malaman ang nababasa mo sa nakaraan," bulong ko sa kulay abong aso na sing sungit ng kanyang amo.
Lumingon ang asong may asul ding mata na tila walang balak ipagsabi ang nababasa niya sa nakaraan. Mukhang magpapaimportante pa ang asungot na asong 'to! Mana sa amo! Bumalik ang tingin nito sa anim na tala na ngayo'y pinapaligiran na ng mga familiar na nag-anyong tao. Nakita ko pang nakikipagkwentuhan na ang iba kay Lara na isang blessing para saaaming mga familiar dahil sa pagdalaw niya sa isla.
"So hanggang kailan mo ako hindi papansinin? Hanggang sa wasak na ang puso ko?" biro ko sa asong abala sa pagkilatis sa bawat galaw ng nilalang sa paligid niya.
"Huwag mo akong artehan Jolly, nagcoconcentrate ako," masungit na sabi ng aso. Saglit lang ito natahimik saka pasimpleng naglakad palayo sa grupo. Sinenyasan ako nitong sumunod. Nang lingunin ko ito'y nasa likod na ito ng isang malaking punong nasa gilid ng pampang. Mukhang marami itong sasabihin. Biglang sumibol ang pangamba sa dibdib ko dahil sa inaasta ni Joko.
"Okay, now tell me," I said grueling. Halatang nauubusan na ako ng pasensya.
"Hindi ko alam kung bakit biglang nagsibabaan ng sabay-sabay ang anim na tala sa isla. Base sa nakita ko, ang anim na tala -sila ang mga sinaunang lahi ng clowder na itinalagang maging tagapangalaga ng isla ng pinakamakapangyarihang water keeper noong unang panahon, si Mizu. Siya ang pinakamagiting na mandirigma ng Westeros na nagmamay-ari ng pinakamatibay na baluti sa kasaysayan ng Cairos. Bago naging isang ganap na water guardian si Mizu, dito sa islang ito niya ginugol ang kanyang panahon para buuin ang kalasag na magsisilbing pananggalang ng magiging tagapagligtas ng sansinukoban. Ang Plastron at Carapace, ang kalasag na gawa sa pinakamatibay na metal, na unang ginamit ng total keeper na si Elmaea," pagsasalaysay ni Joko habang palingon-lingon sa kinaroroonan nina Priam.
BINABASA MO ANG
The Seekers (TKS #2)
FantasyWattys 2016 Winner for Talk of the Town Category The death of evil is temporary. For when the strongest abhorrence lingers beneath Like a seed sown by darkness and evil It will make its way to bear chaos. Lucky are those who know nothing what lies...