48. The Awakened

19.5K 807 74
                                    

All that I fought for, all the I believed in, all the hopes I've been holding on, they're all gone -banished like a dust in the wind.

Laurent let go of the things we've shared together -the memories. He was consumed by darkness; and the light I possess to keep him guided was gone. His deep, jolting and spine-chilling growl put the entire island in shock. Lahat kami natigilan at halos hindi nakakibo dahil sa napakalakas at nakakapanindig balahibong boses ng lalaki. It was definitely not his voice, it was someone's or something's scream. Halos lumindol sa sobrang lakas ng tinig na 'yon at muling naipon ang madilim na telon ng kaulapan sa langit.

"Lara, Laurent is consumed! We need to stop him!" narinig ko si Magret habang pinipilit tumayo. Napansin ko na lang ang muling pagbalot ng liwanag sa katawan nito.

Sumunod ako. Mabilis kong pinatakbo ang anim kong keeps sa aking mga ugat. Hindi pa tapos ang lahat. Nagpadala man si Laurent sa kanyang emosyon at natalo man siya ng halimaw sa kanyang katawan, hindi pa ako sumusuko. Hindi ko pa siya sinusukuan. Hangga't mahal ko siya. Hangga't siya ang nilalaman ng puso at isip ko, hinding-hindi ko siya pwedeng sukuan. Lahat ng sinabi niya kanina, umuulit-ulit sa isip ko. Mas lalo akong lumalakas habang inuulit-ulit ng aking utak ang mga sinabi niya, "Lara, I love you so much as much as I trust you. Please help me control myself and stay with the light you possess. I don't want to get lost somewhere without you holding my hand. I don't want to be somewhere without you. I have always wanted to stay with you anywhere."

"Lara, I'm sorry. I was just trying to protect you," usal ni Priam na tila sinisisi ang sarili sa nangyari sa lalaki. Nakahanda na rin itong sumugod upang bawiin si Laurent.

"It's not your fault, Pri neither Laurent's. Masyado lang talagang malakas ang halimaw na nasa loob ng katawan niya. Naramdaman ko kung gaano katindi ang hirap ni Laurent para pigilan ang mga awakened sa loob niya. Naramdaman ko lahat ng sakit, hirap at takot nang mag-unison raid kami. Alam kong alam ni Laurent ang balak ni Amry, alam kong alam niya ang mga nakasaad sa black prophecy at siya na mismo ang gumawa ng paraan para mailigtas ako. Pinilit niyang lumayo at umiwas kay Amry. Binigyan niya ako ng sapat na oras para maipon ang anim na guardians upang mapigilan ko ang paggising ni Golarus. Nagtiwala siya saaking magagawa ko, ngayon kailangan niya tayo. We shall not fail him."

"Lara, I will help you get Laurent back," naramdaman ko ang mahinang pagtapik ng lalaki sa aking likuran. Sa tono ng boses nito ay ramdam ko ang sinseridad at determinasyon.

Muling umalingawngaw ang nakakatakot na halimaw na nasa katawan ni Laurent. Nabigla kami ni Priam ganoon din si Magret. Mabilis ang aming naging pagtugon. Kaagad na naglightning transmission si Priam patungo sa nakaluhod na si Laurent na ngayo'y umaakyat na ang mga itim na marka mula sa kanyang braso patungo sa kanyang ulo at iba pang bahagi ng katawan nito. Nabalot ng nakakasilaw na liwanag ang kamay ni Priam. Ilang saglit lang ay hinawakan ng nagliliwanag niyang palad ang noo ng lalaki dahilan para mapasigaw si lulu.

"Laurent!" Sigaw ko at tinangka ring tumakbo palapit sa lalaki ngunit bigla na lang bumulwak sa ilalim ng nagyelong tubig ang mga itim na sundalong may marka ng mga baraha sa kanilang baluti. Apat sila at pawang nababalot ng itim na tela ang kanilang mga mukha.

Napatalon ako paatras kasabay ng pag-ipon ko ng dalawang malalaking energy ball sa aking mga palad. Muli kong idiniin ang aking mga paa sa yelo at kumuha ng pwersa bago sumugod. Napasigaw ako habang kumalakas at lumalaki ang mga energy balls sa aking kamay. "Pupulbusin ko ang sino mang humarang sa daraanan ko!" Hindi ko napigilang sumigaw.

Ilang metro na lang ang layo ko mula sa apat na itim na mandirigma nang mapansin kong nagdikit-dikit ng mga palad ang mga ito upang makabuo ng isang malaking dark fire ball. Hindi ako nagpigil. Hinayaan ko ang pagbulusok ng anim kong enerhiya patungo sa nagngingitngit kong mga palad. Isang malakas na sigaw ang pinakawalan kong muli bago ko magkasabay na inihampas paharap ang dalawang bola. Sinalubong ng apat na dark warriors ang kapangyarihan ko at nabuo ang isang malakas na salpukan na naging dahilan ng pagkabuo ng malalakas na talsik ng kuryente. Halos mabaon ang mga paa ko sa yelo habang itinutulak ang hawak kong enerhiya.

The Seekers (TKS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon