LAURENT
"Papa, do not kill her. She can't die yet," halos idikit ni Peorion ang bibig nito sa tainga ko dahil sa kagustuhan niyang walang makarinig sa sasabihin.
Damn. Heto na naman ako sa gitna ng matinding sitwasyon. Pero this time, wala akong kakayahan para ipagtanggol ang A-Team. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magiging useless. Ni ang patalim na nakatutok sa leeg ko ay hindi ko kayang tanggalin dahil wala na akong kapangyarihan.
"Amber, you might twist a thread of the timeline! DO NOT KILL NICALI!" banta ko sa nag-aalburutong mangkukulam. Alam ko kung saan ang pinanggaagalingan nito. Ang galit niya nang mawala si Silex na nadagdagan pa dahil sa pagtatraydor ni Nicali.
"So, you'll let me Nicali kill you amang lulu?" sarkastikong tanong saakin ni Amber.
Nang lingunin ko si Lara's umiiling-iling ito at malapit nang maluha. I hate seeing her like that. Alam kong nahihirapan na naman ito sa nakikita lalo na't nasaakin si Peorion na alam naming anak namin mula sa hinaharap.
Kung sampong assassins lamang ang nasa paligid ngayon o kahit sabihin kong dalawampo, makakayanan silang itaboy ng A-Team. Pero halos isandaang mabibilis na keeper ang nakapalibot. Isang maling kilos ng A-Team ay tiyak na isa saamin ang masasaktan.
Napahigpit ang yakap ko sa batang si Peorion habang iniisip kung ano ang susunod na gagawin. Wala akong maisip kundi itaya na lang ang buhay ko at hayaang makalapit si Peorion sa A-Team. That action would really make a huge difference. One death of someone here would definitely change the thread of the future. Damn! Damn! This is bullcrap!
"Nicali!" tawag ng isang nilalang sa likuran, pakiwari ko'y siya ang pinuno ng lahat ng nakapalibot saamin mga itim na pusakal. "Kunin mo ang punyal at tapusin mo na ang buhay ng isang 'to! Sa oras na mapatay natin ang lalaking ito, mapipigilan na natin ang pagsilang ng sinumpang keeper!"
Napalunok ako sa narinig. Kung susumahin ay wala na talaga kaming laban sa oras na ito. Napapikit ako nang dumiin ang patalim sa aking leeg habang dinadama ko ang yakap ni Peorion. "Peorion, I will throw you near mama lala. Land safe and run okay?" mahina kong bulong sa bata.
"No papa lulu, I will stay with you. Alam kong wala ka pang kayang gawin ngayon, but if you have Parma and Epee and also Manya, you can take this bad guy down," he said without hesitation. His eye color changed into a spectrum of colors. May kahulugan ang sinabi nito saakin.
"Sin!" Malakas na sigaw uli ng assassin mula sa likuran. Dahilan para maputol ang usapan namin ng bata. "All bands! Prepare! Sa oras na may makita kayong maling kilos mula sa mga keepers na 'to, paulanan niyo sila ng atake hanggang sa kanilang kamatayan!"
"Do as I say. I will activate the bond of death sa babaeng traydor na 'yan to prevent her from killing Laurent. Chief, do as fast as you can! My plan is the only thing that works for now. And as far as I know, ako lang yata ang may plano dito," muling bulong ni Amber sa utak namin.
Napansin ko ang paghakbang ni Nicali palapit saamin. Hawak nito ang isang itim na punyal. Humigpit ang hawak nito nang magtama ang aming pangin. Seryoso ang titig nito at parang walang emosyon. Ilang segundo bago maghiwalay ang aming tinginan nang mapansin ko ang pagkislap ng likido sa gilid ng kanyang kaliwang mata. Doon ko napagtantong may nakatagong konsensya sa babae. Ito rin ba ang dahilan kung bakit ayaw siyang mamamatay ni Peorion?
"Amber no! Do not kill her!" pigil ko.
"She'll kill you! I will kill her amang lulu!"
"There m-"
Natigil ang pagtakbo ng mga salita sa utak ko nang makita ko ang pagbunot ng babaeng assassin sa punyal mula sa kaluban nito. Nakatiim ang mga bagang ni Nicali Sin habang pinipilit umiwas ng tingin sa gawi ko. Napansin ko ang paglaki ng naipong likido sa gilid ng kanyang mga mata. Malapit nang kumawala ang luha mula sa kanyang mga pilik. May bahagi sa katauhan nito na tutol sa pagpaslang saakin.
BINABASA MO ANG
The Seekers (TKS #2)
FantasyWattys 2016 Winner for Talk of the Town Category The death of evil is temporary. For when the strongest abhorrence lingers beneath Like a seed sown by darkness and evil It will make its way to bear chaos. Lucky are those who know nothing what lies...
