Kung hindi ko lang alam na nasa Kabir Ruins kami, malamang mapagkakamalan kong sa Garon Forest ang binagsakan namin. Malaki ang hawig ng kagubatan sa Garon pero may isang malaking pagkakaiba ang napansin ko. Malamang ay ang Kabir Mountain ang natanaw kong sa di kalayuan. Ang makasaysayang Bulubundukin ng Kabir na nabasa ko na sa isang libro sa bahay. Isang malaking kabundukang binubuo ng malalaking bitak ng bato at lupa. Isang bulubunduking pinaliligiran ng mayamang kagubatan. Sa tantiya ko'y tatlong kilometro ang layo nito sa kinaroroonan namin at pakiramdam ko'y nandoon ang isa sa mga guardians ni Lara.
"Bakit mo kami dinala sa Garon Forest agila?" nakapameywang kong untag kay Alvis na abalang pinapasadahan ang paligid. Alam kong nasa Kabir Ruins kami pero dahil medyo nababagot ako, aawayin ko ang arkanghel at subukan ko kung hanggang saan ang pasensya niya. "Answer me Alvis!"
Gulat namang napatingin saakin ang painosenteng mukha ni Alvis. Napansin ko ang pigil na tawa ni Silex sa aking likuran na tila alam nito ang binabalak ko. Kahit kailan talaga, supportive ang lalaki sa kahit anong kalokohan ko.
"Parang nasa Garon Forest nga tayo," sulsol naman ni Silex bilang hudyat na sinusuportahan nga ako nito sa kalokohan ko.
"Nasa Kabir Ruins tayo, that is the Kabir Mountain," kalmadong sagot ni Alvis sabay turo sa kukay abong bulubundukin. Napailing-iling pa ito na parang walang oras sa mga kalokohan namin ni Silex. "We should get going."
"No! That is not the Kabir Mountain! That's the Garon Mountain!" pagpupumilit ko. Hindi talaga ako susuko hangga't hindi nagagalit ang bait-baitang anghel na 'to na may tinatagong magma at lava sa loob ng katawan.
Muling napalingon saamin si Alvis na parang nagtataka kung anong klaseng damo ang nakain ko at pinagpipilitan kong may Garon Mountain. Kung ako man ay lihim na natawa sa ideyang may Garon Mountain dahil ang totoo'y wala naman. Nasa Garon Forest tayo Alvis! You got us in the wrong place!" nabuburyo kong usal.
"Seriously? May Garon Mountain na?" naguguluhang sambit ng arkanghel. Nasapo nito ang ulo, bagay na ikinatuwa ko. Tiyak nagpipigil na siyang magalit. Kapag nagalit siya, magkakatotoo ang theory ko na hindi lahat ng arkanghel ay kalmado at hindi marunong magalit. Naglakad na ito patungo sa direksyon ng mabatong bundok na parang iiwas saamin.
"We are not going anywhere! That might be a trap agila! This is the Garon Forest at baka nililinlang tayo ng mga nakatagong pwersa ng kagubatan! I should know!" pagpupumilit ko.
"Konti na lang, magagalit na siya," bulong saakin ni Silex na nasa aking likuran. Kahit hindi ko ito lingunin alam kong pigil ang pagngisi nito.
"Amber, Silex, Lara needs us. Kailangan na natin silang hanapin so stop this okay?" Alvis said calmly. Lumalaki na ang butas ng ilong nito kaya alam kong nagpipigil na itong magalit. Konti na lang talaga.
"Kailangan mo kaming dalhin sa Kabir Ruins!" pagpupumilit ko na parang kumbinsido akong wala kami sa totoong destinasyon.
He chuckled and brushed his golden long hair. Tila pinapakalma nito ang sarili sa kanyang kakabuntong hininga. "Look, Amber this is the Kabir Ruins. I am very sure of it."
"No!" usal ko.
"Yes it is," pagpupumilit niya.
"No it isn't Alvis! Kailan ka pa naging sigurado sa mga bagay-bagay? Ni feelings mo kay Lara hindi ka sigurado kasi biglang sulpot si Nicali sa buhay mo!" napatakip ako ng bunganga. Maybe I went overboard. Nasobrahan yata ako ng sinabi.
Napapikit ang arkanghel. Nakita ko ang pagkuyom ng mga palad nito. Magagalit na nga talaga siya! Successful! Pero parang naguilty ako sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
The Seekers (TKS #2)
FantasyWattys 2016 Winner for Talk of the Town Category The death of evil is temporary. For when the strongest abhorrence lingers beneath Like a seed sown by darkness and evil It will make its way to bear chaos. Lucky are those who know nothing what lies...