JOLLY
Ang eksenang naabutan namin, saktong-sakto sa larawang nakita ko ilang araw na ang lumipas. Napapalibutan ng mga mababangis na awakened sina Lara habang nakatawa ang baliw na reynang si Amry. Wala parin talagang pumapalya sa mga nakikita ko sa hinaharap at lalo akong kinilabutan nang magbalik tanaw ang aking isipan sa mga nakita ko na at mangyayari pa lamang.
Death is upon the A-Team. Nanginig ako at halos ayaw ko nang tanawin ang mga pangyayari habang nasa likuran ng amo kong si Amber na ngayo'y gandang-ganda sa suot niyang arma suit.
"Amber, m-mukhang nagawa nang kontrolin ni Amry ang mga tumidos! A-anong plano mo?" nauutal na sambit ni Herina.
"Takot ka na ba Herina?" seryosong tanong ni Amber na tila sinusubukan kung hanggang saan ang tapang ng assassin.
"Walang kinatatakutan ang mga assassin," sagot ng babae.
"Do you want to be a part of the A-Team?"
Tumango lang si Herina pero bakas sa mukha nito ang sinseridad at kagustuhang maging bahagi ng grupo.
"Then fight with your life. Save your friends and never stop until the enemy is no longer breathing," Amber said nonstop. Mabilis itong bumaling sa mga awakened na nakapalibot kina Lara at hindi na nag-aksaya pa ng oras. Bibalot nito ang sarili ng kanyang water keep dahilan para kuminang ang suot nitong arma suit.
Napasigaw naman si Herina. Naglabas ito ng magkakambal na punyal mula sa kanyang tagiliran saka bumulusok ang berdeng apoy na sumisimbolo sa kanyang earth keep, "Para sa A-Team at sa buong Cairos!"
"That's my girl! Now, kill as many as you can!" Amber cheered Herina. Nagawa ako nitong kapain sa kanyang likuran at laking gulat ko nang ihagis ako nito sa isang sulok ng kweba. Umiko-ikot pa ang paningin ko hanggang sa naramdaman ko ang tigas ng binagsakan kong bato. Napamura ako sa sobrang sakit. Magrereklamo na sana ako nang muli kong marinig ang amo ko, "Stay there Jolly! I can't afford to lose you. The future needs you."
Pagkasabing-pagkasabi ng babae sa mga katagang iyon ay kaagad namang uminit ang eksena sa gawi nina Haring Holoma. Malakas ang naging pagyanig nang magwala ang hari at pakawalan ang natatago nitong kapangyarihan. Magkahalong berde at puting liwanag ang bumalot sa katawan nito dahilan para kumislap ang suot nitong ginintuang baluti. Tila galit na galit ito sa dinatnang eksena. Narinig ko pang sumigaw ang hari "Magbabayad ka Amry, hindi ko na hahayaang saktan mo ang pamilya ko!"
Pagkatapos no'n ay sunod-sunod na mga lubid na gawa sa malakas na enerhiya ang lumabas mula sa kamay ng hari. Dumapo iyon sa mga awakened beings na nakaharang sa daraanan niya patungo kay Amry. Tila naigapos ang mga tinamaang tumidos sa kapangyarihan ng hari. Bumagsak ang mga ito at hindi na nakawala pa. Unti-unting hinigop ng mga pinakawalang lubid ang mga awakened beings.
"Oh my gosh! The king can take down several awakened beings in one outburst! Now, it's our time to shine! Herina, attack!" Amber furiously attacked the nearest tumidos. Gamit ang hawak nitong kumikinang na tungkod ay hinampas niya sa noo ang kalaban na awtomatikong binalot ng yelo.
Sumabay naman si Herina na mabilis tumalon sa likod ng isang malaking halimaw. Magkasabay nitong itinaas ang mga hawak na punyal saka binalot ng kanyang earth keep. Nang akmang itatarak na nito ang mga patalim ay nahablot siya ng halimaw at malakas na ibinalibag sa isang malaking batong malapit saakin.
Nagulat ako nang sumunod na tumilapon si Amber sa mismong binagsakan ni Herina. Masyadong malakas ang mga awakened at hindi kakayanin nina Amber at Herina ang mga ito dahil taglay nila ang mga sinaunang kapangyarihan.
Humihingal-hingal pa si Amber nang magsalita, "Never say die Herina! Kahit alam mong dehado ka, hangga't kaya mo laban lang!"
"I am an assassin Amber, I quit when I die!" sagot ni Herina saka muling kumaripas ng takbo pasugod sa halimaw na kanina'y nambalibag sa kanya.

BINABASA MO ANG
The Seekers (TKS #2)
FantasyWattys 2016 Winner for Talk of the Town Category The death of evil is temporary. For when the strongest abhorrence lingers beneath Like a seed sown by darkness and evil It will make its way to bear chaos. Lucky are those who know nothing what lies...