68. The Awakening

17.4K 893 90
                                        

Thank you for reading this story. The story is also available on www.dreame.com. You may download the Dreame App for more awesome stories.

The Keepers is also published by Psicom and the book is already out on all leading bookstores (National Book Store, Book Sale, Expressions, and Pandayan) nationwide. You may also order your copy via Shopee and Lazada.

***




Nagsimulang yanigin ang buong isla. Nagsiliparan ang mga nagambalang ibon sa kagubatan at pati ang iba pang mga hayop. Naging sunod-sunod ang pag-alog ng lupa. Tila dulot 'yon ng paggalaw ng dalawang pares ng mga higanteng paa.

Ang imaheng nakita ko -isang higanteng binuo ng kumpol ng malalaking mga bato, may matutulis na kamay na gawa sa matibay na metal, pinamugaran na ang ibang bahagi nito ng mga puno't halaman, nanlilisik ang mga matang tila dala-dala ang dalawang bulkan, at ang kapansin-pansin ay ang anim na marka ng elementong nakaukit at kumikinang sa kanyang katawan.

"Oh m-my g-gosh... b-bu-buhay s-siya!" dama ko ang takot ni Amber habang pinagmamasdan ang unti-unting paglapit ng higante mula sa kagubatan.

Isang malakas na ugong ang narinig at bumungad sa harapan namin - isang kahindik-hindik na nilalang na sakto sa nakita kong anyo nito. Nagawa nitong takpan ang pulang buwan nang tuluyan na itong nakatayo sa harap ng puting bundok ng Shi. The giant is definitely Golarus -the master of keeps.

Tila gustong kumawala ng puso ko sa aking dibdib nang mapagmasdan ko ang kabuuan ng halimaw. Ang katuparan ng itim na propesiya. Ang halimaw na uubos sa lahat ng buhay sa mundo. Malalim ang ugong nito na tila hindi pa nagaganap ang digmaan ay hinihukay na niya ang libingan ng bawat isang naroon. Nagsitayuan ang lahat ng balahibong mayroon ako nang matuon ang tingin niya sa kinatatayuan ng A-Team at ng hukbo ng Cairos.

Halos mapaatras ang kanina'y matapang na mga kawal at mercenary keepers nang magliwanag ang bunganga ng higanteng halimaw. Magsisimula nang umatake ang master of keeps. Uubusin na niya ang lahat ng nasa isla ng Shi.

"G-guys! I-I think he's starting to attack! W-what do we do?" nauutal na sambit ni Amber na nasa likuran nina Lara at Silex.

"Amber," tawag ni Herina na nasa tabi nito, nang lingunin ito ng nagtatakang babae ay saka nagpatuloy, "let's have a unison. Then cast your bubble shield with my earth keep!"

"Do it Amber," sang-ayon ni Lara saka binalot ang sarili ng anim nitong keeps. "The rest of the mercenary and magic council will surely have their plans. Kailangan din nating magplano. Silex, attack from the ground! Kung siya ang master of keeps, kakayanin siyang pabagsakin ng ilang magigiting na keepers."

Silex howled.

"Okay!" ani Amber na mabilis hinawakan ang magkabilang palad ni Herina. Mabilis ang mga naging pangyayari sa kanilang unison raid.

Nakakubli ako sa isang malaking tipak ng bato habang pinagmamasdan ang mga kaganapan. Nang masiguro nina Herina at Amber na buo na ang kanilang kombinasyon, narinig sa buong kagubatan ang malakas na boses ni Amber na tila nataranta pa nang mapansing parating na ang pinakawalang killer beam ni Golarus. Isang malaking bula ang bumalot sa kinaroroonan namin. Kasunod no'n ay umakyat ang mga berdeng lumot mula sa lupa paakyat sa dulo ng malaking ball of shield. Isang malaking berdeng bola ang bumalot saamin gawa ng kombinasyom Amber at Herina.

Tumama ang pinakawalang super beam ni Golarus sa shield. Halos yumanig ang paligid sa banggaan ng kapangyarihan. Noong una ay kaya pang sanggain ng shield ang malakas na atake ng higante pero nang maglaon ay kusang bumigay ang unison shield nina Herina at Amber.

Kanya-kanyang iwas ang lahat ng nasa loob ng shield lalo na nang mapansin nilang tuluyan nang nawasak ang panangga.

Kasunod ng komosyon ay napansin ko ang paglipad ng Gemini twins. Nabalot ang mga ito ng nakakasilaw na liwanag. Nagpaiko-ikot sina Alpha at Omega sa ere na tila pinapalibutan ang halimaw. Di nagtagal ay nagsisulputan ang mga constellation of stars sa itaas ni Golarus. Pinakawalan ng Gemini ang binuo nilang bola ng liwanag sa kanilang mga kamay at nagmistulang mga light beam iyon na tumama sa bawat constellation dahilan para mas lalong kuminang ang mga tala nito. Narinig namin ang pagsigaw ng kambal bago nagpakawala ng malalakas na light beam ang lahat ng constellation na naroon.

The Seekers (TKS #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon