"So Blaire can't talk." Cael concluded. "Jolly can't read her future as well."
Nasa isang damuhan kami malapit sa ilog habang nakaupo palibot sa nakalapag na pulang picnic mat. Nakaharap saamin si Cael na katabi ni Miranda at Jolly na ngumunguya ng labanos pati na rin si Kaiser na tila naiintriga sa batang book keeper. Nakaupo naman sa ilalim ng puno si Priam kasama ang aso nitong si Joko habang hawak ang isang sketch book at lapis. Laging isolated si Priam na paratinkong nahuhuling nakatingin saakin.
"She can't talk maybe pero parang may binubulong siya sa hangin kapag nakatitig ka sa mga mata niya," sambit ni Laurent na nasa tabi ko. "Pakiramdam ko, nakilala ko na siya somewhere pero hindi ko alam kung kailan."
Parehas kami ng nararamdaman ni Laurent. Nagkatinginan pa kami ng lalaki saka ko siya nginitian. Alam kong alam nito ang nararamdaman ko. Parang may isang bagay na nagdudugtong saaming tatlo.
"Alvis! Ibigay mo yan kung ayaw mong iprito ko yang pakpak mo!"Dinig kong singhal ni Amber na tila nakikipagkulitan kina Silex at Alvis habang naliligo. "Silex, huwag kang tumawa diyan! Tulungan mo ako!"
"You're a water keeper. Nasa teritoryo mo siya, kaya mo na yan!" Humahagalpak naman ang tawa ni Silex habang nanonood lang sa dalawa. Hawak pa nito ang sikmura na tila nananakit na sa kakatawa habang parang batang nagtatampisaw sa tubig.
Napalingon kami sa may ilog dahil sa malakas na boses ni Amber. Hinahabol ni Amber si Alvis na parang may hawak na isang kumikislap na bato at tila interesado si siya dito. Hindi naman maabutan ng naka-bathing suit na si Amber si Alvis dahil sa bilis bito.
Nasa gilid ng ilog sina Magret at Blaire na tila naaaliw sa kulitan ng dalawa. Hawak parin ng bata ang itim na libro na sa tingin ko'y hindi pa niya binibitawan simula nang dalhin siya ng time keeper sa mundong ito. Mukha itong isang prinsesa sa piniling damit ni Amber na kulay rosas na bestidang hanggang lagpas tuhod ang laylayan at may mga nakaburdang floral designs.
Ang gaan ng loob ko sa book keper. Parang ganitong-ganito ang pinapangarap ko sa hinaharap. Magkakasama kaming magkakaibigan kahit na may mga pamilya na. Lihim akong napangiti.
Habang pinagmamasdan ko ang bawat isa saamin, tila gumaan ang pakiramdam ko dahil ilang taon din ang hinintay ko bago kami nagkakasamang muli. Na-miss ko silang lahat. Nakaktuwa na nangyayari uli ang pagsasalo-salo namin sa malaparaisong kagubatan malapit sa kastilyo. Ang mas lalo kong ikinatutuwa ay nadagdagan pa kami ng mga bagong kaibigan sa katauhan nina Priam, Magret, Blaire at pati na rin si Sin.
Naghalakhakan ang lahat nang madulas si Amber sa ilog at lumubog ang katawan nito't biglang nawala. Hindi ito kaagad lumutang. Naghintay pa kami ng ilang sandali pero hindi na ito umahon pa. Nagkatinginan ang lahat at biglang natahimik sa biglaang pagkawala ni Amber. Napatayo na mula sa pagkakaupo si Kaiser pati na rin si Cael kasunod ni Laurent.
"Amber?" Tawag ni Silex sa babae na hindi pa rin nagpapakita. "Amber, huwag ka munang mamamatay! Hindi pa tayo kinakasal!"Napalitan ng pagkabalisa ang kanina'y nakatawa nitong mukha.
Natigilan na rin si Alvis sa pagtakbo dahil tila hindi nga nagbibiro si Amber. Bakas sa mukha nito ang guilt at tila hindi alam ang gagawin. "Amber!" Tawag din nito ng malakas.
Ang kanina'y nakaupo lang na si Priam at abala sa pagguhit ay napatayo na rin at mabilis na nagtungo sa gilid ng ilog. Nagtama pa ang aming mga paningin nang lumapit na ito sa kinaroroonan namin. Pinakiramdaman muna nito ang mga kasama bago nagsalita, "Amber is a water keeper. Hindi namamatay ang mga BALYENA sa pagkalunod."
"You stop calling her that way or I'm going to c-" susugurin na sana ni Silex si Priam nang pinigilan ito ni Alvis.
Napakuyom din ng palad si Laurent. Nilingon pa ako nito na tila susugod na rin sa mapang-asar na mercenary chief pero kaagad ding tumigil nang pigilan ko.
BINABASA MO ANG
The Seekers (TKS #2)
FantasyWattys 2016 Winner for Talk of the Town Category The death of evil is temporary. For when the strongest abhorrence lingers beneath Like a seed sown by darkness and evil It will make its way to bear chaos. Lucky are those who know nothing what lies...