24. SilBerium

25.9K 1K 123
                                    

Alam ko na ang dahilan ng lahat. Paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko ang mga lihim na hindi man sinabi ng time keeper ay pinahiwatig naman niya sa maraming paraan. Ang book keeper ang tanging rare keeper na may kakayang humawak ng dark book na siyang makakahuli sa mga awakened beings na nabuhay noong blood moon. Kailangan namin siya para tuluyan nang matapos ang paghahasik ng lagim ng mga tumidos pati na ang mga awakened beings.

Sumagi sa isip ko ang mga sinabi ni Nicali Sin noong unang araw na nakaengkwentro namin ito. Hindi ba't may binanggit siyang sumpa na kailangang mapigilan kaya gusto niyang tapusin mismo sina Lara at Laurent? Kung gano'n, sa kagustuhan naming mapigilan ang itim na propesiya, kaakibat nito ang paparating na sumpa na nagbabadya sa katapusan ng lahat ng lahi ng keepers? Anong kakayahan ang mayroon si Blaire na dapat kong ikabahala? Anong ang posibleng maganap ngayong nagkita na nga si Lara at Laurent? At ang pinakamahalagang tanong sa lahat, sino ang makakatuluyan ko?

"Amber, ano pang hinihintay mo diyan?" tawag saakin ni Magret na papasok na sa portal. Nakakapit sa kanya ang batang si Blaire habang yakap ang dark book.

"Ilag!" isang malakas na sigaw mula kay Kaiser ang narinig ko bago ko naramdaman ang biglaang pagkabig nito sa katawan ko paiwas sa paparating na electric fireball. Natumba ako sa lupa kasunod niya. Nasubsob ako sa dibdib ng prinsipe na awtomatikong nakayakap saakin nang magpaulan ng dark arrows ang mga kalaban.

"Amber!" sigaw ni Magret mula sa kabilang ibayo. Hindi ito makapasok ng portal dahil tila hinihila ito ng isang malakas na pwersa paatras. Hindi ito makagalaw at parang paralisado ang katawan. "Amber do something, sila ang mga nanghuhuli kay Blaire! Si-"

Naputol ang sasabihin ng time keeper. Tila napipi ito at naging isang bato.

Manipulating magic! Pamilyar ang kapangyarihang ito! Oh my, hindi ito maari.

"Amber, protect Magret ang the book keeper!" Silex took off his metallic suit. Then without any second glance, he strode fast as green luminous lights covered him. Mabilis na lumaki ang mga binti nito kasunod ng mga kamay at ang katawan. Nang ibinuka nito ang mga bisig ay mabilis na tumubo ang mga metal nitong kuko. Tinubuan na rin ng metallic spines and likod nito. Sa isang iglap, balot na ang katawan nito ng makapal na balahibo -isa na siyang metallic werewolf.

"Silex..." sambit ko sa hangin habang mabilis na pinasadahan ng tingin ang paligid kung saan nakapalibot ang mga kalabang nakasuot ng pulang cloak. Napagtanto kong marahil sila ang mga binanggit ni Shen na gustong patayin si Blaire.

Sabay-sabay na nagpaulan ng electric fireballs ang mga kalaban. Mabilis kong tinakbo ang kinaroroonan ni Magret at Blaire habang pinapadaloy ang enerhiya ng aking water keep sa magkibila kong palad. Awtomatiko namang bumangon si Kaiser habang hawak ang malaking dark energy ball.

Ilang metro bago makarating ang mga ibinatong bola ng apoy, lumuhod ako at sabay na idinikit ang aking mga kamay sa lupa. "Fons clypeus!" Mariin kong sigaw. Tumakbong parang mga hibla ng kuryente ang enerhiya ng tubig sa ilalim ng lupa. Mabilis nitong hinigop ang mga tubig na sa lupa. Buong pwersa kong inangat ang mga palad ko kasabay ng pagbulwak ng malakas na bukal ng tubig.

Saktong nahagip ng umusbong na tubig ang mga naglipanang bola ng apoy patungo kina Magret. Nagawa namang tapunan ni Kaiser ang mga energy balls ng kanyang dark keeps. Hinigop ng hinagis niyang dark energy ball ang mga fire balls hanggang sa mawalan na ng bisa ang mga ito. Bago 'yon sa paningin ko, mukhang mas lumakas ang voiding powers ng prinsipe.

Nabaling ang tingin ko sa umalulong na si Silex. Mabilis ang paggalaw nito na sinisipa ang bawat pag-ataking dumarating. Nagawa niyang ibalik ang mga bola ng apoy sa kalaban dahilan para sumabog ang pinagtataguan ng mga ito. Umalulong pa ang super werewolf na si Silex bago naglabas ng energy ball sa bungaga nito. Binabalot ng malalaking hibla ng kuryente ang bolang iyon at triple ang laki nito sa pangkaraniwang energy ball. Hindi nagsayang ng oras si Silex at kaagad niyang pinakawalan ang makapangyarihang bola sa kanyang bungaga. Isang malakas na pagsabog ang naganap sa isang dako ng kagubatang iyon na hinuha ko'y kinaroroonan ng mga di kilalang attacker.

The Seekers (TKS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon