CAEL
Napukol ang atensyon ko sa isang nakakapangilabot na ugong ng isang halimaw. Natigilan ako at tila naging bato ang buo kong katawan sa narinig. Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa kamay at parang nalaki ang aking ulo. I have never felt fear since birth, until now. Biglang humiwalay ang kapangyarihan ni Miranda sa aking sistema dahil parang inaagaw ng isang malakas na pwersa ang kalahating bahagi ng aking katawan. Napalingon ako sa gawi ng aking kapatid at gayon din si Laurent. Nakaluhod si Laurent at tila nananakit ang kanang braso habang nakapulupot sa kanya ang itim na usok na nagdudugtong sa kanya at sa isang makapangyarihang halimaw -isang dark water nymph.
"Lara!" sigaw ni Laurent habang namimilipit sa sakit na parang nilalabanan ang pagkonsumo ng halimaw sa kanyang buong katawan. I have seen him in such agony back at the tower of Typraz when Manya tried to control his body but the monster did not succeed because Lara saved Laurent. Now it's happening again...
Pero ngayon ay parang si Lara ang nangangailangan ng tulong. Humakbang na ito palapit sa direksyon kung saan nagmumula ang ang tunog ng harpy. Hindi na tumigil sa paghuni ang makapangyarihang taong ibon na 'yon simula kanina.
"Cael, save Lara! Kami na ang bahala ni Silex dito," biglang sulpot ni Kaiser mula sa likuran ko. Parang natalo na ng dalawa ang tatlong assassin na katapat nila. Kakikitaan din ang mga mukha nito ng sobrang pag-aalala para kay Lara.
Hindi na ako sumagot pa at mabilis kong tinakbo ang kinaroroonan ng aking kapatid. Kailangan ako ng aking kakambal. Ito ang isa sa mga pagkakataong ako ang magtatanggol sa kanya. Kailangan kong bumawi mula sa mga pagkakasala ko. Gaya ng pinangako ko sa kanya, tutulungan ko siyang mabawi niya ang kanyang anim na guardian's at poprotektahan ko siya sa oras na kailangan niya ng proteksyon kahit na ang kapalit nito'y ang sarili kong buhay.
"Lara no!" malakas na tawag ko sa aking kapatid na tila sinapian na ng espirito ng harpy. Mabilis na humakbang ang aking mga paa patungo sa tila sinapian nang si Lara.
Patuloy sa paglalakad si Lara -walang nakikita at walang naririnig kundi ang wind guardian.
"Lara!" narinig kong sigaw din ni Priam mula sa kabilang ibayo ng kagubatan. "Bullshit Lara no!"
Bago ko pa man napagdesisyonang lingunin si chief ay nakarating na ito sa harapan ng dalaga. Kasunod no'n si Alvis na nasa likuran na rin ng kapatid ko. Halos sumabog ang dibdib ko sa sobrang kaba dahil sa mga posibleng mangyari. Hindi nila magagawang pigilan si Lara. I am the only taker of the total keeper.
"Lara, stop it. Huwag mo siyang sundin!" usal ni Alvis na napahawak sa balikat ng babae.
Tila hindi naman ito nakilala ni Lara. Tinabig ng kapatid ko ang kamay ni Alvis saka ibinalibag palayo sa kinatatayuan niya. Hindi inasahan 'yon ni Alvis na tumilapon ng ilang talampakan at nagpaikot-ikto pa sa ere pero kaagad ding nakabawi at naglightning transmission pabalik. Tatangkain na nitong muling pigilan si Lara gamit ang dalawa niyang kamay subalit biglang sumigaw si Amber na kaharap ang dalawa pang natitirang assassin.
"Ak na ang super water witch! Sige na ipaubaya niyo na ang mga kalabang ito saakin! TULOOOOONG!" pagsaklolo ni Amber na animo'y katapusan na ng buhay niya.
"Help her Alvis! Ako na ang bahala kay Lara," utos ni chief sa arkanghel.
Walang nagawa si Alvis kundi puntahan si Amber. Mabilis na nag-lightning transmission si Alvis at nawala sa likuran ni Lara. Walang isang segundo ay nagawa na nitong tulungan si Amber sa mga kalaban.
Ilang metro na lang ang layo ko sa kapatid ko at mapipigilan ko na siya. Tinangka ko pang bilisan ang pagtakbo nang bigla kong maramdaman ang parating na dark energy whip mula sa itaas. May isang claass S assassin na nakalutang habang sakay ang isang higanteng pamaypay at siyang may hawak ng dark whip. Lumihis ako pakaliwa upang iwasan ang atake. Tumalon ako paiwas kasabay ng pagbuo ko ng magkahalong dark and fire dragon tails sa aking magkabilang kamay. Nang bumagsak ang whip sa lupa at halos hiwain niya ang binagsakan ay saka ko iwinasiwas paikot ang dragon's tail na parang latigo upang hagipin ang kalaban. Nakaiwas ang kalaaban sa paghampas ng tragon's tail. Pero hindi nito alam ang kakayahan ng sandatang hawak ko kapag hinila ko ito pabalik saakin.
BINABASA MO ANG
The Seekers (TKS #2)
FantasyWattys 2016 Winner for Talk of the Town Category The death of evil is temporary. For when the strongest abhorrence lingers beneath Like a seed sown by darkness and evil It will make its way to bear chaos. Lucky are those who know nothing what lies...