40. Marks and Signs

22.9K 990 202
                                    

"R-ruru?" nag-alangan pa ako nang tawagin ko si Blaire habang nakayakap ito saakin. Palayo na kami sa mga nalantang hyacinth. Muli kong pinasadahan ang marka ng life and death sa likuran ng bata. Imposibleng walang pakahulugan ang lahat ng nakikita ko. Alam kong may kaugnayan ang batang karga-karga ko saakin.

Naalala ko pang nagmula sa isang itlog ng yinyang si ruru dahil 'yon ang simbulo ng dugong nananalaytay saakin. Hindi kaya dahil hindi ko makita si ruru ay dahil nag-anyong bata na ito sa katauhan ni Blaire? Naguguluhan ako habang hinahagod ang nanginginig na bata sa aking balikat. Saan nanggaling ang batang si Blaire? Sino siya at ano ang kaya niyang gawin? Bakit magaan ang loob ko sa kaniya at bakit may marka siya ng yinyang sa batok nito?

Sa muli kong paghakbang, napansin ko ang pag-iwas ng tingin ni Magret. Nagpatuloy ito sa paglalakad at nanahimik gaya ng karaniwan nitong inaasta. Binilisan ko at nilakihan ang mga hakbang para maabutan ko siya. Marahil ay napansin nito ang kagustuhan kong tanungin siya tungkol kay Blaire, nilingon ako nito saka nagpatuloy.

"Hindi siya prestinely ungifted kagaya ng sinasabi sa mga propesiya. Nakita ko ang nangyari Lara. The girl can take life on her will. A very rare kind. Hindi rin tama ang iniisip mo. She is just Blaire, the book keeper." Sinagot na nito ang lahat ng tanong sa isip ko. Pagkatapos no'n ay muli itong nagpatuloy sa paglalakad.

"Saan siya galing Magret? Kanino siyang anak?" muli kong usisa. Alam kong may katuturan ang lahat ng tanong na naglalaro sa utak ko. Kailangan kong malaman ang lahat. Kailangan kong malaman kung tama ang kutob ko.

"She's the daughter of the most powerful couple among all keepers. Galing siya sa panahon ng pagsilang ng golden age. Mas makikilala mo si Blaire sa paglipas ng panahon Lara. Ayokong saakin mismo manggaling ang lahat ng pagpapakilala sa book keeper." Nginitian ako nito -tipid ngunit sinsero saka nagpatuloy, "Let's give Blaire a chance to introduce herself. Alam kong may dahilan ang lahat kung bakit hindi siya nagsasalita. Darating ang takdang panahon para sa lahat."

Golden age? Powerful couple? Kinutuban ako sa mga sinabi ni Magret. May pakahulugan 'yon gaya ng lahat ng sinasabi niya pero mas pinili kong irespeto ang kagustuhan niyang huwag na munang sagutin ang mga katanungan ko ng diretsahan. Sana nga masagot lahat ng katanungan ko sa tamang panahon, sa tamang pagkakataon.



Ilang metro pa ang nilakad namin. Halos kalahating araw din ang lumipas. Walang spirito ng lima sa nawawala kong guardians ang nagparamdam. Pero nanatiling matibay ang loob ng bawat isa, lalo na't galing mismo ang impormasyon kay Jolly, ang pusang ni minsay walang mintis ang mga nababasa sa hinaharap.

"Dito muna tayo magpalipas ng oras," Narinig kong usal ni Priam nang mapadpad kami sa isang patag na bahagi ng kagubatan. Alam kong bawal kaming magpalipas ng oras sa mismong daanan dahil hindi namin alam kung anong klaseng mga mamamayan ang pwedeng makasipat saamin. Kaya siguro mas pinili niyang sa loob na mismo ng kagubatan kami magpalipas ng gabi, mas tago -mas ligtas. Hindi na nito hinintay pa ang sasabihin ng isa sa amin at nagsimula na itong maglinis ng lugar na pagtatayuan ng tent. Kaya pala ang laki ng bitbit nitong bag na kanina ko pa iniisip kung ano ang mga laman. Nasagot ang kaninang tanong ko kung bakit ganoon na lang kadami ang dala ng lalaki. Isa talaga siyang mercenary keeper -handa sa kahit anong pagkakataon.

"Kuya chief, how many tents are we needing?" narinig kong masuyong tanong ni Miranda kay Priam.

Hindi sumagot ang lalaki gaya ng inaasahan. Patay malisya nitong binuksan ang dalang bagahe saka iwinagwag ang dahon ng tent.

Hari ng mga bipolar. Naibulong ko. Daig pa ng panahon ang mood nito -pabago-bago.

Lumingon saakin si Miranda na tila nagtatanong kung bakit hindi siya sinagot ng mercenary chief, nginitian ko ito at hinayaang gawin niya ang iniisip. Napatingin pa ito sa itaas na parang nag-iisip ng susunod na gagawin. Mukhang magpapakitang gilas na naman ang gate keeper.

The Seekers (TKS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon