Dedicated to annalyntamondong7. Isa ka po sa mga pundasyon ng The Keepers Saga. Thank you.
************************************
AMBER
Nakakairita ah. Pinaghiwalay talaga kami ni Lara ng mokong na 'yon. I'm supposed to be with Lara always and guard her with my life pero umepal 'tong maitim na ulap na 'to at gustong magka-moment with her. I hate it. I really do. I swear!
Kapag may nangyaring masama sa bestfriend ko, mananagot saakin 'yang Priam Cloud na 'yan. Lulunurin ko siya hanggang sa lumobo ang buo niyang katawan na parang balyena. O kaya'y ipapa-prito ko siya ng buhay kay amang Laurent! Kuh! Speaking of... Nakakainis na amang Laurent na 'yon. Nandoon na eh, almost wedding na lang ang kulang sa kanila ni mama lala. Mahal na siya ni Lara eh, as in mahal na mahal... tapos biglang mawawalang parang utot! Mga lalaking pogi talaga, paasa. Hahayaan kang mahulog sa karisma nila tapos hindi ka sasaluhin kaya babagsak kang sawi at nasasaktan.
Kaya gano'n 'yong Silex na 'yon. Idol na idol niya si amang Lulu pagdating sa pang-iiwan at pananakit ng damdamin. Kainis, kung si Kaiser eh naging Silex na lang eh di sana hindi na ako nahihirapang huminga ngayon. Kung sino pa kasi ang ayaw mo siya pa ang kayang ibigay ang mundo para sayo at kung sino ang gusto mo, 'yon ang balewalang ipagkakait ang mundong gusto mong tiran kasama siya. Punyemas.
"Thinkin' about Silex again?" Alvis sounded prying. Hindi ko ito masisisi, bilang kaibigan ko na rin, nakikita nito ang mga nangyayari sa amin. Siguro ay hindi na ito nakatiis kaya bigla na lang itong nagtanong na hindi naman niya normal na ginagawa. "Tama ako," tumawa pa ito habang sinasabayan ako sa paglalakad patungo sa kabilang dako ng mabatong bundok kung saan kami pinapunta ni commander in chief.
"Same old story. Chasing the love I could never have ayon kay Jolly."
Sinimangutan naman ako ni Jolly na nasa kanang balikat ko. Umiwas ito ng tingin at hindi kumibo. Kanina pa ito nakikiramdam mula kina Sin, Cass, Leisaro, Alvis at ako. Halatang abala itong basahin ang mga mangyayari sa hinaharap. Bahagya akong nabahala sa pagiging tahimik niya na bihira lang mangyari. Parang may nararamdaman akong hindi maganda sa inaasta nito.
Kakausapin ko na sana ang tahimik kong pusa nang biglang nagsalita uli si Alvis na nahahawaan na ng kadaldalan ko, "Stop chasing him. If he loves you, he will chase you." Seryoso ang tingin nito na tila may pinanghuhugutan. He gave me the serious, and sincere Alvis stare na siya lamang ang nakakagawa.
Coming from Alvis na hindi marunong magsinungaling at laging may substance kung magsalita, lihim akong sumang ayon. "That's why Lara chases Laurent and you are chasing Lara despite of it?" tanong ko pabalik sa lalaki.
"Alam mo ikaw Amber, matalino ka eh noh? Pero taklesa ka kaya mas inuuna mong dumaldal kaysa mag-isip" narinig kong biglang bulong ni Jolly, binatukan ako nito sa ulo at nagpatuloy, "you may be saying the truth but it doesn't guarantee that you won't hurt his feelings. Truth hurts you know? Gaya ng katotohanang hindi ka kayang ipaglaban ng Silex mo."
Pakiramdam ko'y parang nasampal ako sa huling sinabi ni Jolly kaya imbes na humingi ako ng paumanhin kay Alvis ay nahablot ko na ang buntot ng alaga kong pusa saka itinapon kay Sin. Nagulat naman ang huli nang kumapit sa dibdib niya si Jolly -gulat na gulat.
"Grabe ka sakin! Ba't mo ko tinapon? Truth hurts nga eh diba?" sigaw pa nito habang kinakamot ang bibig.
"Shut up Jolly!" kunwari'y galit kong naturan pero ang totoo'y tinitignan ko ang reaksyon ng bigla na lang natahimik na si Alvis. Bigla akong naguilty sa kadaldalan ko.
BINABASA MO ANG
The Seekers (TKS #2)
FantasíaWattys 2016 Winner for Talk of the Town Category The death of evil is temporary. For when the strongest abhorrence lingers beneath Like a seed sown by darkness and evil It will make its way to bear chaos. Lucky are those who know nothing what lies...
