69. Sui Generis

18K 926 244
                                    

Thank you for reading this story. The story is also available on www.dreame.com. You may download the Dreame App for more awesome stories.

The Keepers is also published by Psicom and the book is already out on all leading bookstores (National Book Store, Book Sale, Expressions, and Pandayan) nationwide. You may also order your copy via Shopee and Lazada.

***

Halos mapuno ng luha ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang A-Team. Si Lara, Laurent, Alvis, Amber, Silex, Priam, Cael, Herina at ang tatlong rare keepers. Pawang mga sugatan at naghihingalo na pero lumalaban para ipaglaban ang isa't isa. Muling nag-alab ang dilaw na liwanag mula kay Lara at umabot iyon hanggang sa kinatatayuan ni Laurent.

Sumunod kong napansing sinakop din ng dilaw na liwanag ang katawan ng ibang miyembro. Namangha ako nang makita ko ang paghilom ng mga sugat na natamo ng ilan kanina sa pakikipaglaban. Lara used her ultimate healing skill at sing bilis ng isang patak ng segundo ang ginawa nitong healing process sa kanyang mga kasama.

Once again, the blood of the total keeper has been awakened to save her loved ones. Ito ang itinatagong lakas ni Lara. Lakas na nagmumula sa kanyang mga kaibigan.

Nagwala si Golarus habang pinagmamasdan nito kung paano gamutin ng total keeper ang mga kasama. Sa muli nitong pag-ugong ay naglabas ang bunganga nito ng likidong may masangsang na amoy saka itinapon sa kinaroroonan ng mga hukbo ng Cairos kasama na ang mga magic council at ang haring Holoma. Nakailag naman sina reyna Elmaea at ang batang si Peorion mula sa atake ni Golarus.

Sa kasamaang palad ay tila isang malagkit na likido ang ibinuga ng master of keeps sa mga hukbo. Mabilis na gumalaw ang manilaw-nilaw na likido at parang isang gomang hinila ang lahat ng nakadikit dito't pinagbuhol-buhol na parang mga piraso lang ng laruan. Hindi magawang makawala nina Master Uran sa malagkit na likidong idinura sa kanila ni Golarus.

Napagtanto kong gustong solohin ni Golarus ang A-Team at ayaw niya ng abala kaya niya pinagkumpol-kumpol ang hari kasama ang mga hukbo nito. Wala namang tigil sa pagpalag ang hari at mg kasamahan nito pero tila wala iyong epekto sa kapangyarihan ng master of keeps.

Nagsimulang magpakawala ng kanyang tri-keep si Priam na tila nag-uutos na naman sa mga kasama, "Amber and Silex, take the left leg. Freeze it so that he can't move. Herina and Alvis, paralyze the right leg. Rare keepers, take his back and do everything you can to break him. I will take his left arm while Laurent takes his right arm," nilingon nito ang higanteng itim na anghel na nakatingin lang sa kanya saka bumaling sa kambal na Hearthopia. Tumikhim ito saka nagpatuloy, "Cael and Lara take his heart."

"Oh wow, may assignment agad? Kakarating mo pa lang chief!" reklamo ni Amber na tila tutol sa sinabi ni Priam.

"Sumunod na lang tayo Amber, tutal parang maganda naman 'yong plano ni Priam," sita ni Herina kay Amber.

"Maganda dahil partner kayo ni Alvis? Mamamatay na lang tayo lumalandi ka pa ah!" bawi ng amo ko.

"Mamatay na tayo may panahon ka pang dumaldal!" tila naaasar na namang sabi ni Priam na tinignan pa ng masama si Amber.

"Amber, g-gusto mo bang magreassign?" naiilang na tanong ni Alvis kay Amber.

"Invisibilia bulla!" Amber casted then a bubble covered the A-Team. She gestured as if she has something important to say, "Two minutes bago mawalan ng bisa ang bubble of invisibility. Now listen, FYI chief Priam Cloud, the pairing won't work. Golarus is the master or keeps. Kakarating mo lang kaya sasabihin ko uli 'to, hinihigop niya ang lahat ng keeps na ibinabato sa kanya. So attacking him with our keeps will be useless."

The Seekers (TKS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon