19. Skirmish

26.9K 1.1K 121
                                        

Hair-raising, spine-chilling, blood-curdling, nerve-racking. Name it. Lahat 'yan naramdaman ko nang marinig ko ang boses niya. Parang bumabalik saakin ang takot na naramdaman ko noong una kong makarinig ng ganoong boses. Tinig na parang nasa ilalim ng lupa at handa kang hilain pababa ng nagmamay-ari nito. Halos napakapit ako sa manggas ng suot ni Priam Cloud nang magsimulang mangatog ang mga tuhod ko. Napansin iyon ng lalaki at himalang hindi ako pinigilan o sinimangutan sa aking tinuran.

"Shit!" 'yon ang narinig ko mula kay Priam na nagsimula nang gumalaw para sa pag-atake.

Halos sabay-sabay ding napaatras ang mga mercenary keepers pati si Nicali Sin. Si Miranda'y mabilis na tumakbo sa likuran ni Priam at doon kumapit sa binti ng lalaki na parang bumalik sa pagiging ordinaryong bata -takot at nangangailangan ng saklolo.

"Chief, you know who owns this immense power?" narinig kong tanong ni Cedric na handa na sa pagsugod. Katabi nito si Cass na kapwa fire keeper.

"Priam, don't tell me na isang evolved belua ang nagmamay-ari ng boses na 'yan?" Nagdalawang isip pa ako sa tanong ko pero 'yon lang ang tanging pumasok sa isip ko habang pinapakinggan ang nakakabahalang boses ng halimaw. Naisip kong kakaharapin namin ang halimaw na parang triple ang lakas sa mga belua na nasa braso ni amang Laurent. Para na ring kakalabanin ko ang galit na galit na si Laurent? Holly beautiful Amber Frost of Westeros, alam ko kung paano magalit ang mga halimaw sa kamay ni amang Lulu at sobrang lalakas ng mga 'yon. Ibig sabihin, parang trinipleng amang Lulu ang maaaring nakapaligid saakin.

"Are you scared?" sarkastikong tanong ni commander in chief. Napalingon ito at nakasalubong ng mga paningin ko ang seryoso niyang titig. Hindi ko napansin ang pagsusungit nito, marahil ay nasa bingit kami ng panganib at wala siyang panahon para mag-asim. "Get ready master of bubbles. Kung kinakailangan mong gamitin ang sikat mong mga bula para itakas si Miranda, better be prepared."

"Hoy, wala sa sinumpaan kong tungkulin ang maging duwag at tumakas," angil ko sa katabi saka mabilis na pinadaloy ang enerhiya ng tubig sa aking mga ugat. Tila mga kuryente iyong naglakbay mula sa aking dibdib patungo sa dulo ng aking mga daliri.

"Kuya Cloud, let me help," mahinang sabi ni Miranda sabay dukot sa mga bagong laruan sa kanyang buls -mga maliliit na metal 'yon na hugis tao. She grabbed them and let her hand covered with golden luminous lights then instantly blew an amount of breath. Pagkatapos niyang ihipan ang mga maliliit na laruang 'yon ay mabilis niyang hinagis ang mga ito sa ere saka siya nagpalabas ng wind whip para ikalat ang mga iyon palibot saamin. Mga ilang segundo rin ang lumipas bago umusbong ang mga liwanag mula sa lupa paikot saamin. Biglang tumubo mula sa lupa ang mga sundalong may metallic armor at may hawak na metallic shield with a phantom sword.

"Phantom swords?" gulat na bulalas ni Alexis na nagsimula nang magpalabas ng kanyang double keeps sa magkabila niyang palad.

"H-how did you create those phantom soldiers Miranda? D-Diba mga alagad yan ng sinaunang pamahalaan ng Cairos? Mga phantom soldiers na kinatakutan noon ng mga masasamang keepers na nagtangkang sakupin ang buong bansa ng Cairos pero hindi nagtagumpay dahil sa mga sundalong 'yan!" Cass was also astounded with the presence of almost a hundred of phantom soldiers around us.

Mga phantom soldiers o mga highly trained warriors ng sinaunang panahon na ginawan ng baluti mula sa pinaghalong rare metals at mystical sands kasama na ang espadang hinaluan ng dugo ng mystical dragon noong sinaunang panahon. Papaano nagawang buhayin ni Miranda ang mga nilalang na 'to? Papaano niya nagagawang kontolin ang mga phantom soldiers na dati'y kontrolado lamang ng dating makapangyarihang hari ng Cairos?

Miranda blurted out nang maging sunod-sunod ang mga tanong namin. Tila inosenteng bata nitong sinagot ang lahat. "Nahukay ko sila sa paanan ng mystic forest. Akala ko'y mga laruan lang 'yan pero noong pinakita ko 'yan kay Mistress Fhaun, sinabi niyang mga living toys ang mga iyan gaya ng mga koleksyon ko. Pasensya na po nagulat kayo."

The Seekers (TKS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon