14. The Lead

27.3K 1.1K 228
                                        

Dedicated to lalalaalaine

ALVIS

Nakasilip na naman ang buwan sa mapuputing ulap sa kalangitan. Nakatamaw sa kinaroroonan ko na tila may gustong ibulong. Nakapagtatakang walang mga bituin ng gabing iyon para samahan ang nag-iisang buwan. Nakakalungkot isipin pero tila nananadya ang tanawin at pilit pinaparamdam saakin kung ano ako sa buhay no Lara. Isang kaibigan -isang katotohanang pakiramdam ko'y hindi na kailanman mababago.

I can't have her. It's true, she's in my heart, always, but it's painful to admit that I can't have her in my arms and call her my own. Kasi may mahal na siya bago ko pa man marealize na mahal ko na rin siya. Ang mahirap, mas higit ang taong mahal niya na kahit kailan pakiramdam ko'y hindi ko mauungusan -sa kapangyarihan man o kahit sa puso niya.

Sana pwede na lang sabihan ang puso na tama na, huwag na, suko na. Pero hindi pala talaga madali. Kasi kahit na sabihan ko ang sarili kong itigil na ang nararamdaman ko, kapag nakikita ko lang siya or naririnig, nawawala lahat ng pangako kong tumigil na. Patuloy ang puso ko, patuloy sa pagsasabing 'last na 'to'.

Nakailang 'last na 'to' na ba ako? Lima? Sampo? Di ko na mabilang. Basta ang alam ko, hindi parin tumitigil ang puso ko sa kaka-last na 'to kasi hindi pa ito pagod. Hindi pa yata ako pagod umasa na balang araw saakin mababaling ang atensyon niya. Na ako din ang mamahalin niya balang araw.

Hindi parin ako sumusuko. It sound pathetic but I have to keep going. I haven to keep loving that person who can never love me back. I know love does not begin and end the way people seem to think it does. Love is a battle, love is a war; love is growing up.

Laman parin ng isip ko si Lara habang tahimik kong tinungo ang hotspring na nasa likuran lang ng kastilyo. Magpapalipas muna ako ng oras at magninilay-nilay bago lumalim ang gabi.

Iniwan ko sa ilalim ng punong napaliligiran ng malalaking bato ang aking kasuotan. Walang tao kaya komportable akong maliligo na walang suot. Lumusong ako. Dama ng aking balat ang maligamgam na tubig na nanunoot hanggang sa aking kaibuturan. Napapikit ako at hinayaang pawiin ng nakakapreskong tubig ang lahat ng agam-agam sa aking utak.

Burahinn mo na ang lahat ng nararamdaman ko. Kunin mo na ang lahat ng sakit. Hayaan mo na akong makalimot. Masaya na siya at wala akong karapatang agawin siya sa taong nagpapasaya sa kanya. Naibulong ng isip ko sa habang nakapikit at dinadama ang init ng tubig. Nakalutang lang ang katawan ko, pero mabigat ang laman ng isip ko pati ng dibdib ko.

"Martir ka Alvis, ang martir-martir mo..." I whispered. It felt like I have to utter those words to ease the pain I carry. Sobrang sakit na tila sasabog ang dibdib ko tuwing naaalala ko kung ano ako sa buhay niya. Tila naipon na yata lahat ng magkakahalong damdamin sa dibdib ko sa paglipas ng panahon -pakiramdam ko, sobrang bigat na.

Napapikit uli ako. Pinakiramdaman ang paligid habang humuhuni ang mga kulisap sa kagubatan. Payapa ang paligid, sumasaliw ang malamig na hangin sa kanta ng mga ibong magkukubli na rin sa kakahuyan para magpahinga at magpalipas ng gabi. Hinayaan kong sakupin ng napakagandang musika ng mga hayop ang aking utak para kahit papano'y magkaroon naman ng sandaling payapa lang ang loob ko.

Why can't you just be happy Alvis? Hindi mo naman kailangan ng nobya para maging masaya. Just be happy for Lara... Urgh! No. I can't. Mahal ko siya, tutol ng isip ko. Napabalikwas ako ng bangon at gumawa ng ingay ang nabulabog na tubig sa paggalaw ko.

Tahimik ang paligid. Natigilan ako. Biglang natigil ang paghuni ng mga ibon at mga kulisap sa paligid. Someone's around. Pinakiramdaman ko ang paligid. Alam kong hindi ako nag-iisa. May nagmamanman.

The Seekers (TKS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon