51. The Light from the Past

20.1K 859 64
                                        

LARA

"So, they've been keeping your water guardian and waited for you to claim it?" Priam sounded intrigued. Parang kanina pa ito hindi makapaniwala na ganoon na lang kadali para makuha ko ang kapangyarihan ng 'plastron and carapace' -ang mahiwagang baluti na kaloob ng water guardian na si Mizu. Ang pangunahing dahilan kung bakit sabay-sabay na nagpakita ang anim na tala ay upang ipagkaloob ang water guardian na nasa anyong baluti bago pa man ito mapasakamay ni Amry.

"The other guardians could possibly come from either good or evil! Now we are clueless kung saan natin masasagap ang iba bago ang pulang buwan!" I heard Amber on the other side of the sofa. Nakasandal ito sa walang imik na si Silex na abalang pinagmamasdan ang mapa ng Cairos at mga karatig isla nito. "Ang problema ay kung papaano natin mahahanap ang tatlo pang guardians ni Lara bago maisagawa ni Amry ang pagbuhay kay Golarus sa darating na pulang buwan. The gate keeper is not here kaya hindi natin mabubuksan ang mga nakatagong portal kung saan posibleng nandoon ang dark, light at earth guardian. Lalong hindi tayo makakatagal sa hidden portals kahit na kaya nating buksan ang nakatagong mundo dahil walang Magret na kayang labanan ang oras sa nasabing mundo. Wala tayong book keeper na maaaring magkulong sa awakened belua. The three rare keepers are our only hope. Mautak din talaga ang pusit na si Amry at nagawa niyang kunin ang tatlo para pigilan si Lara!"

"Hindi ba kailangan na nating ikonsulta ang lahat sa council of magic? Baka may alam silang paraan para mahanap ang tatlo pa," Kaiser suggested. Kanina pa ito palipat-lipat ng tingin kina Amber at Silex. Nasa couch ito kaharap ng sofa katabi ng kinauupuan ng tahimik ding si Cael.

"The council of magic cannot be involved with this. Masyado silang kritikal mag-isip at baka mas lalo pang mapasama ang lahat," sabat ni Priam.

"We need the army of keepers chief," Cael butt in without hesitation, "base sa mga kwento niyo, hindi natin kakayanin ang mga awakened beings ng tayo lang."

"No army can defeat Golarus. Base sa nabasa ko, tanging ang dugong Hearthopia lamang ang may kakayahang pigilan siya. The six guardians were able to seal him and kept him asleep for centuries, the only way to defeat Golarus if for Lara to get back his six," Amber explained na medyo tumaas ang boses. "The thing is, there is no gate keeper, no time keeper and no book keeper to help us get the other guardians."

Nasa kanang bahagi ko lang si Alvis na tahimik ding nagmamasid at nakikinig. Si Laurent nama'y nakaupo sa tabi ng malaking pintuang nasa di kalayuan, nakatanaw sa malawak na hardin at walang imik. Simula nang dumating kami galing Bliss Island, hindi ko na ito nakausap at hindi na kami nakapagkamustahan dahil sa mga nangyari.

Nagtatalo na sina Amber, Priam, Kaiser at Cael sa harapan ko pero parang wala akong naririnig. Mas inaalala ko ang kalagayan ngayon ng tatlong rare keepers at si Laurent. Alam kong kailangan naming mahanap ang tatlo pang guardians para mapigilan ang muling pagkabuhay ni Golarus pero mas kailangang unahin ang buhay ng tatlong chosen keepers. Ang problema ay hindi rin namin kayang talunin ang mga alagad ni Amry hangga't hindi nakukompleto ang anim na guardians sa tulong ng tatlo. Kailangang mapag-isipan kung ano ang uunahin. Tumatakbo ang oras at sa susunod na apat na araw na ang pulang buwan. Kulang ang natitirang panahon. Papaano ko hahabulin ang oras?

Naramdaman ko ang mainit na palad ni Alvis sa aking kanang balikat. Nang lingunin ko ito'y sumalubong saakin ang maamo niyang mukha at tipid na ngiti. Naibsan ang pangamba at takot ko.

"I know a lot of things are running in your head right now but everything will be fine. I have this feeling that everything will be just fine. You should probably talk to him right now," usal nito na ang tinutukoy ay si Laurent. "He needs you Lara."

Tila nagising naman ang diwa ko at mabilis na hinagilap ang reaksyon ng A-Team sa aking harapan. Tumigil sa pagtatalo ang lahat at nakapukol ang atensyon saakin. Kumunot ang noo ni Priam at nasapo naman ni Amber ang bibig na parang nagpigil nang magsalita. Dahan-dahan akong napatayo sa kinauupuan at walang lingon kong nilisan ang balkonahe ng kastilyo patungo sa nakaupong si Laurent.

The Seekers (TKS #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon