LARA
Madilim na ang paligid. Tanging ang mga nagluluksang mga bituin at ang nagdadalamhating buwan ang nagsisilbing ilaw sa kagubatan ng Kabir. Ilang oras lang pagkatapos mamaalam ni Silex ay mabilis kaming dinala nila Alvis at Priam sa kabilang dako ng isla kung saan ligtas at malayo sa mga transmogrified beings at iba pang mga halimaw na napadpad sa lugar.
Nagpapahinga na ang lahat ngunit tila wala pang balak lisanin ni Amber ang namamatay nang sigang apoy. Minabuti kong dagdagan ng kahoy ang bonfire at pasimpleng tinabihan ang kaibigan ko. Wala itong imik habang nakasuksok siya sa makapal na kumot na gawa sa balat ng hayop.
"Bakit kailangang mangyari ang lahat ng 'to?" mahina niyang tinig. Ramdam ko ang sakit sa bawat salita nito. Muli niyang isinuksok ang mukha sa makapal na tela at ipinatong ang baba sa kanyang tuhod.
Bumuntong hininga ako. Pati ako'y nasasaktan sa mga nangyayari. Pakiramdam ko'y ako ang naging dahilan ng lahat ng sakit na nararamdaman ni Amber. Kung hindi lang nagkataon na isang living guardian si Silex, marahil ay narito pa siya ngayon, nasa tabi ni Amber. Marahil ay kumpleto pa ang A-Team.
"Bakit kailangang isakripisyo ko ang kaligayahan ko para sa'yo Lara?" diretsong tanong ni Amber saakin. Iyon ang unang beses na narinig ko ang babae sa ganoong tinig.
I was caught offguard. Amber's question made me feel worse. Nauunawaan ko ang pinanggagalingan nito. Nasaktan siya at nahirapan siya tanggapin ang lahat. Hanggang ngayon at marahil ay sa susunod na mga araw. Ako man ay nagluluksa sa pagkawala ni Silex. Isa siya sa mga dahilan kung bakit masaya ang team, maaasahan siya sa bawat misyon at ipinakita niya saakin na hindi nakadepende ang buhay sa kung ano itinakda at iniukit ng panahon. Naniwala siya sa .01% probability kahit na napakaimposible kung iisipin pero ginawa parin niya dahil mahal niya si Amber at ang A-Team. Isa siyang mabuting kaibigan. Walang namutawi sa bibig ko ng ilang segundo, nasasaktan ako dahil nasasaktan si Amber. "I'm sorry Amber. I'm sorry..."
"Hindi kita sinisisi sa nangyari Lara," humalinghing ito dahil sa pagpigil sa kanyang hagulgol at pinilit niyang muling magsalita, "tinatanong ko lang ang sarili ko kung bakit ganoon kasakit magbiro ng tadhana. Bakit hinayaan niyang magtagpo kami ni Silex pero sa huli'y paghihiwalayin din lang. Para matuto? Oo natuto ako pero hindi pa ba sapat ang mga binasa kong libro para matutunan kung ano talaga ang kahulugan ng buhay? Gusto ba niyang maramdaman ko ang sakit para matuto? Heto, nasasaktan na ako! Nasasaktan ako ng sobra Lara. Ang sakit sakit!"
Sa paghagulgol ni Amber ay awtomatiko akong lumapit sa babae at mabilis na kinabig ito sa aking mga braso. Niyakap ko siya ng mahigpit habang hinahayaang umiyak sa balikat ko. Lalong bumuhos ang luha niya nang patahanin ko. Pinigil ko ang luha ko. Kailangan ako ni Amber ngayon. Kailangan niya ng masasandalan. Kailangan kong maging matatag para sa kanya at sa A-Team. "Nandito lang ako Amber. Hindi ka nag-iisa..."
Alam ko, matatagalan bago muling maghilom ang sugat pero sinisiguro akong magiging katuwang ako ni Amber. I will be there to help her mend her broken heart.
Tahimik ang buong paligid nang maalimpungatan ako. Ginising ako ng mabilis na pagtibok ng aking dibdib. Sumilip ako sa labas. Madilim pa. Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin kong binabalot na ng kulay nyebeng usok ang sahig ng buong kagubatan. May kakaibang nangyayari sa paligid at kinailangan kong bumangon kaagad. Gigisingin ko na sana ang katabi kong si Amber ngunit nagdalawang isip ako dahil sa himbing ng tulog nito. Saglit pa lang nakakapagpahinga ang babae at kailangan niya ng tulog.
Mabilis kong hinablot ang makapal na balabal sa gilid ng tent at minabuting lumabas. Napagtanto kong malalim pa ang gabi dahil sa nakatunghay na buwan at mga tala sa kalangitang kinukumutan ng maninipis na ulap. May nararamdaman ako at hindi ako maaaring magkamali. Nararamdaman kong nandito sila. Kailangan kong magmadali!
BINABASA MO ANG
The Seekers (TKS #2)
FantasyWattys 2016 Winner for Talk of the Town Category The death of evil is temporary. For when the strongest abhorrence lingers beneath Like a seed sown by darkness and evil It will make its way to bear chaos. Lucky are those who know nothing what lies...
