3. Dustup

35.2K 1.3K 137
                                        

Weak. Frozen. Powerless. That's what I felt as Priam started the battle silently.

Nagawa na ito dati saakin ni Cael. He froze all my keeps and made me powerless for a moment. Hindi maaring maging isang taker din siya at may kakayahan siyang patayin ako dahil isa sa bawat nakatakdang henerasyon lamang ang pwede maging total keeper at taker. Kami 'yon ni Cael, wala nang iba pa.

Pinilit kong humakbang palapit sa kanya. Susunugin ko siya sa oras na dumapo ang mga palad ko sa katawan niya. Pero parang pasan ko ang isang daang toneladang bigat sa aking mga paa at kamay. Papaano nagagawa ng isang tri-keeper na kontrolin ang anim kong properties?

Anong klaseng kakayahan meron ang lalaking ito?

Halos manginig ang pang-ibaba kong bibig nang pilitin kong gumalaw uli ngunit parang isang malamig nang yelo ang aking katawan. Kumislap ang asul niyang mga mata kasunod ang pagngisi niya ng nakakaloko.

"You have the six keeps Hearthopia. Now prove it." Narinig ko uli ang baritono nitong boses na tila isang malamig na yelong lumulusot sa bawat hibla ng aking kalamnan.

Nagngitngit ako sa sobrang pagkadismaya. Hindi ako pwedeng mabigo. Sumisigaw sa gigil ang utak ko pero sadyang isa nang bloke ng yelo ang aking katawan. Ramdam kong umaakyat na ang lamig patungo sa aking dibdib. Biglang kumirot ang bahaging iyon ng katawan ko na tila bawat ugat na nakadikit dito'y binubuhusan ng nagyeyelong tubig. Nagsimula na rin akong pagpawisan ng malamig. Nangangatog ang tuhod ko na tila hindi na kakayanin ang bigat ng aking katawan.

"Try harder," bulong nito pero dinig ko parin. Tila hinahatid ng hangin ang kanyang malalim na pagbulong. Isang beses pang kumislap ang mga mata nito.

It was heavy; both the gravity and the weight on my back. I tried to keep standing still. I failed. Napangiwi ako ng todo nang bumagksak sa marmol ang dalawa kong tuhod. Kumawala ang malakas kong sigaw dahil sa sobrang kirot. Halos mabingi ang buong location five. Nang akmang babagsak na ang aking katawan ay naitukod ko ang dalawa kong palad at nilabanan ang malakas na hila ng lupa. Konting-konti na lang at tuluyan nang manlalamig ang aking puso at gulugod sa likod hanggang sa wala na akong maramdaman. Pinilit kong magpakawala ng hangin gamit ang aking bibig para maibsan ang masikip na sensasyon pero walang nagbago matapos kong magbuga ng hangin. Kasunod non ay halos masuka ako sa mabigat na pwersang sumisipa sa aking sikmura. Nanghina ako.

"Ahhh!" Nangilid ang mga luha sa aking mata nang halos sakalin ako't gilitan na ng hininga ng lamig sa aking katawan. Laurent. Laurent... tanging sigaw ng utak ko hanggang sa kusa nang nagsara ang mga talukap ko.

Wala akong nararamdamang hanging pumapasok sa aking baga.

Malamig na ang buo kong katawan.

Wala akong maramdaman maliban sa papahinang kabog ng aking dibdib.

Tila isang lampara ang aking pusong nauupusan na ng apoy. Nawawala na ang liwanag na nagbibigay buhay sa buo kong sistema. Isang ihip na lang at sasakupin na ako ng kawalan.

Lubbb... Dubb...

Bago natigil sa huling pitik ang puso ko, narinig ko ang isang boses.

Lara. Huwag kang bibitaw. Huwag kang susuko...

Laurent! Sigaw ng utak ko. Nadugtungan ang papatigil kong tibok ng puso. Laurent!

Lara... ang marinig ko ang boses nito saking utak. Isang kuryente 'yon sa aking katawan. Hindi ko alam kung totoo ang boses nito o bahagi na naman ng mga ilusyong binuo ng pangungulila ko sa kanya.

"L-lau-laurent!" Pautal-utal kong sabi. Umapaw ang init sa aking dibdib. Hanggang sa maramdaman kong parang tinutunaw ng aking buhay at umaapoy na dugo ang mga yelong bumabalot sa aking mga ugat. Kumalat ang mainit na likido sa loob ko hanggang sa maramdaman ko ang aking mga kalamnan. Nagawa kong igalaw ang aking mga daliri pati ang buong bisig at katawan ko'y wala na sa kontrol ni Priam.

The Seekers (TKS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon