31. Fire and Ice

25.1K 1K 77
                                    

PRIAM

My left leg hurts. My right arm feels numb. My heart aches. My head is filled with questions of 'what if's' and 'what is'. After what happened, things and possibilities between Lara and I seem become more difficult -near impossible...unachievable. That reality kicks.

Nasa harap ko ngayon si Blaire, ang batang binuo ng isang misteryo. Kalaro nito sa may damuhan sina Miranda, Joko at Jolly. Pasulyap-sulyap ito sa gawi ko na halatang hindi parin nakakalimutan ang nangyari kahapon. Simula no'ng nangyari 'yon, tila naging ilap na ito saakin at hindi na mapakali tuwing lumalapit ako sa kanya. Siguro'y nabasa nito ang nasa isip ko. I don't know... anything could exist in the mind of a person who's as quiet as the wind.

"Laurent! Laurent stop it. Kaya mo yan!" Naalala kong sigaw ni Lara at ang mga kaibigan nito nang halos lumuha ng dugo ang lalaki matapos niyang paslangin ang apat na super assassins.

Hindi namin malapitan si Laurent kahapon dahil bigla kaming binalot ng pinaghalong harang ni Amber at Magret. Ni wala saamin ang kinayang lusutan ang makapangyarihang shield na 'yon mula sa apat na dark spirits na nasa anyong parang isang itim na usok.

Halos mabali ang katawan ni Laurent sa sobrang pamimilipit. Nakikipaglaban ang katawan nito sa kapangyarihan ng makapangyarihang belua. Isang napakalakas na halimaw ang nakapasok sa katawan ng lalaki na ngayo'y hindi na niya kayang kontrolin. Alam ko. Nararamdaman kong tatlong beses na mas malakas ang kapangyarihan ng dark nymph sa isang ordinaryong halimaw lang. Inakala kong sasakupin na ng buo ang katawan ni Laurent ng halimaw na 'yon nang napansin kong bumigay na ito sa pagkakahawak sa kanang braso at tila pinaubaya na ang lakas sa kapangyarihan ng nymph.

Pero hindi 'yon nangyari dahil sa batang si Blaire. Lahat kami ay nagulat sa biglang pagsulpot ng misteryosong bata mula saaming likuran. Mabilis itong tumakbo patungo kay Laurent. Ni hindi nito napansing may malakas na harang na kaya siyang itaboy at ibalibag kapag nilabanan niya. Laking gulat ko nang nagawa niyang maglakad at binalewala ang merged shield nina Amber at Magret. May kakaiba sa batang ito at hindi maganda ang kutob ko.

"Oh my gosh! How did she do that?" nagulat na tugon ni Amber habang nakahawak parin sa kamay ng time keeper na si Magret. Mukhang alam naman ng huli ang nangyayari at nanatiling tahimik lang.

Bago ko pa tinangkang hablutin pabalik si Blaire dahil baka posibleng kainin ito ng halimaw ni Laurent, nakailang hakbang na ito palapit sa lalaki na natigil na ang pagsigaw. Akmang lalamunin na ng halimaw si Laurent nang humarang si Blaire at ipinatong ang maliit nitong palad sa noo ng lalaki. Nangingitim ang mga mata nito habang hawak ang librong tila may mga kumakawalang liwanag. Nagwala ang dark water nymph na parang nilalabanan ni Blaire. Parang biglang nalipat ang pamimilipit ni Laurent sa halimaw. Nakailang ugong ng sakit at impit ng pagtutol ang belua hanggang sa tuluyan na itong manghina gaya ng nangyari kay Laurent.

Biglang halos nangisay ang lalaki na kaagad nasalo ng misteryosong book keeper. Nakayakap na ang kaliwa nitong braso sa leeg ng lalaki samantalang nakasandal si Laurent sa maliit na katawan ng bata. Isang malakas na ugong uli ang pinakawalan ng dark nymph na tila mahina na. Tinangka nitong sugurin sina Blaire at Laurent kaya lahat kami'y nabahala at pinilit sina Amber at Magret na basagin ang merged shield.

"Laurent! Blaire!" Sigaw ni Alvis na nagtangkang maglightning transmission kahit nanghihina.

Bago pa man nagawang lumipat ng lugar si Alvis ay nagawa na ni Blaire na buksan ang nagliliwanag na itim na libro. Sa pagbuklat ng mga pahina nito ay sinalubong ng isang nakakasilaw na liwanag ang pasugod na dark water nymph.

The Seekers (TKS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon