Dedicated to ShissonaChosha21
LARA
Akala ko'y katapusan na namin ni Miranda. Akala ko'y mawawala na kami ng tuluyan at hindi na kami magkikita ni Laurent. Akala ko lang pala ang lahat dahil lahat ng akala ko'y binura ng kapangyarihan ng isa pang tri-keeper na si Priam Cloud. Niligtas niya ang buhay ko; kami ni Miranda gamit ang kakayahan niyang pagsamahin ang tatlo niyang properties.
Suot nito ang puting trench coat na hanggang tuhod ang laylayan. Nakabota ng pandigma at nakaitim na gloves na halatang yari sa makapal na tela.
Nagawa nitong bumuo ng isang malaking panangga gamit ang kanyang wind at water keeps. Hindi parin ito gumagalaw sa kinatatayuan at tila hinihintay ang susunod na pag-atake ng makamandag na assassin.
"Ilayo mo na ang gate keeper," malamig at kalmado nitong sabi habang nakatalikod saamin.
Tumayo ako, at hinarap ang matangkad na lalaki. Halos singtaas ito ni Laurent, sing-tikas at parehas ng tindin. Parehas din sila ng ugali. Mas lamang lang si Priam sa kasungitan.
"Ano pang ginagawa mo diyan? Lumayo na kayo at ako na ang bahala sa kanya," nasa kalmadong tono parin nitong utos. Bahagya akong sinulyapan ng seryoso niyang mukha sa gilid ng kanyang kanang balikat at saka ibinaling ang tingin sa kalaban. Naiilang ako sa tuwing tinatapunan niya ako ng tingin. Pilit umiiwas ng isip ko sa mga posibilidad.
"Ako ang haharap sa babaeng yan," matapang kong sabi. Humakbang ako palapit dito habang nakakuyom amg mga palad. Halos dalawang talampakan na lang ang layo ko sa kanya. Nasamyo ko pa ang tila yelong hinalo sa isang minty liquid na pabango nito.
"Huwag mong painitin ang ulo ko Hearthopia. Sumunod ka dahil ako ang commander-in-chief. Do as I say!" mariing sabi nito na tila nagpapahayag ng kapangyarihan bilang commander ng mercenary guild. Nakita ko ang pagtiim ng mga bagang nito. Galit na siya.
"Wala pa tayo sa misyon o job order Mr. Cloud. Ako ang prinsesa ng bansang ito. Sa sitwasyon na 'to ako ang dapat masunod," hindi ko na napigil ang inis ko. Kinakailangang ako mismo ang makalaban ng assassin. Tinangka niyang saktan si Miranda at hindi ko pwedeng palagpasin ang ginawa niya. Magbabayad siya.
Natigilan si Priam sa sinabi ko. Hindi ito umimik. Hinuha ko'y pinipilit nitong pakalmahin ang sarili.
Bigla ay narinig naming sumigaw si Amber na naglalakad na pala papalapit saamin at tila narinig ang pagtatalo naming dalawa, "Ako ang Musa de Cairos almost two years ago, tagapagtanggol ng mga naapi at tagapaslang sa mga nagtatangkang agawin ang trono ko bilang diyosa!" kunwa'y pabiro ni Amber at nang maglaon ay sumeryoso ito. "Andami niyong kaartehan commander at mahal na prinsesang Hearthopia slash Holoma. Eh kung pinagtutulungan na lang natin 'yan para mapabilis ang lahat ng 'to? Nagugutom na kasi ako!"
Lihim akong napatawa ni Amber. Nabawasan ang panggigigil ko kay Nicali Sin. May punto naman kasi ito. Nagsasayang lang kami ng oras sa pagtatalo.
"Alam kong sa ngayon ay hindi pa namin kaya ang pwersa niyo," sigaw ng kalaban sa kabilang dako, "pero darating ang lahat na matetiyempuhan namin ang isa sa inyo. Hindi pa ito ang huli!"
"Hep!" humakbang si Amber paharap para pigilan ang tatlong assassin. "Going home too early? Hindi pa ako tapos sa inyo. Hindi pa ako nakakapaghiganti sa ginawa mo! Kakaliskisan pa kita!"
"Save your litany babaeng tinubuan ng ubuan! For sure magkikita pa tayo!" sigaw ng isa sa katauhan ni Nicali Sin. Pagkatapos nitong pagbantaan si Amber ay mabilis itong tumalon sa ere kasunod pa ng dalawang assassin at nawalang parang isang mabilis na hangin.

BINABASA MO ANG
The Seekers (TKS #2)
FantasyWattys 2016 Winner for Talk of the Town Category The death of evil is temporary. For when the strongest abhorrence lingers beneath Like a seed sown by darkness and evil It will make its way to bear chaos. Lucky are those who know nothing what lies...