"You have to do it just for once Amber," dinig kong pangungumbinsi ni Alvis sa babae.
Nasa silid ko ang lahat. Nakahilata lang si Amber sa gitna ng kama na parang walang nakikita. Dito siya dumiretso nang sabihin ni Joko at Jolly na tanging si Amber lang ang may kakayahang tawagin ang enerhiya ng yumao kong ina. Nasa ulunan nito sina Kaiser at Silex habang nasa magkabilaang tagiliran nito sina Alvis at Cael. Nakatayo naman kami ni Laurent sa dulo ng kama na hinihintay ang pagsang-ayon ni Amber.
"Amber, huwag ka nang maarte!" anang naiirita nang si Jolly na nasa paanan ng babae. Halos magsitayuan na ang mga balahibo nito sa inis.
Silex touched Amber's hand and gently pressed it with his, "Are you afraid of something that goes with it?"
Amber remained staring at the ceiling blankly. Tila wala na itong buhay at sariling pag-iisip. Nakanganga pa ito na tila wala nang alam sa nangyayari sa paligid nito. She's breathing with her mouth. She looked bothered and terrified.
"Amber Frost!" yagyag ni Jolly sa amo, "magsalita ka or atleast closed your big mouth! Mukha kang palakang naimpatso sa sobrang pagkain ng lamok sa itsura mo!"
Mabilis na naigalaw ni Amber ang binti at walang kagatol-gatul nitong tinadyakan si Jolly para maihulog sa kama. Nahulog si Jolly pero mabilis na nakatalon pabalik sa harapan ng bumangong si Amber na tila napikon sa tinuran ni Jolly. Nagpakawala ng isang malakas na hampas si Amber patungo kay Jolly at agaran namang nasangga ng ubeng pusa ang kamay ng amo gamit ang dalawang maliliit nitong paa.
Jolly wiggled his tail to declare his success in parrying Amber's hand, "I knew what was coming! Now I know you are going to kick me using your left leg but I will dodge it so quick so it's a waste of time and energy!" Nagmukhang sirkero ang pusa na tila nang-aasar at tumalon patungo sa balikat ni Laurent. "Now you are going to shout at me and tell me to leave you alone cause I am not helping! Oh alam ko lahat diba?"
Nagsalubong ang mga kilay ni Amber na parang wala sa mood makipagbiruan kay Jolly. "Hindi nangyari so mali ang premonition mo! I did not kick your ass, I did not shout!"
"Amber, Jolly!" naiinip na singit ni Kaiser.
Nilingon ito ni Amber saka inirapan. Natulala naman si Kaiser.
"Kayong mag-amo, pwede ba, itigil niyo na 'tong bangayan? Kunwaring magkagalit pero kapag napahamak ang isa sa inyo, daig niyo pa mga dramatista sa entablado kung umiyak." Laurent mentioned. 'Yon ang unang pagkakataon simula nang engkwentro sa isla na nakapagsalita ng ganoong kahaba ang lalaki. Nakahalukipkip ito at nagsasalubong na 'rin ang makakapal nitong kilay. "Tell me what's stopping you Amber."
Napabuntong hininga si Amber na parang bumalik na naman ang pangamba sa katawan nito. Napatitig ito sa sahig ng ilang minuto bago binalikan ang tanong ni Laurent, "Amang Laurent, hindi ganoon kadaling tawagin ang enerhiya ng isang dating total keeper. It would risk the balance among worlds. Baka maling nilalang ang matawag ko. Baka... B-baka-"
The room was conquered by silence. All was waiting for Amber to speak.
Alvis lose the waiting game. With a worried and intrigued tone he asked, "Baka ano Amber? Come on. Say it, you are within the A-Team's circle. There is nothing to be afraid of as long as you have us!"
"Alvis is right Amber," I seconded and gave her an assuring smile. "The A-Team is your safe zone. Kung ano mang maging desisyon mo, lagi kaming nasa likod mo."
"L-Lara," then she started weeping, "I don't wanna die!" She almost screamed. I saw her shaking as her tears started to fall.
Mabilis ko itong pinuntahan at kaagad na niyakap. Naramdaman ko ang takot sa mga mata niya. She doesn't want to awaken Queem Elmaea's energy because it is risky. Hinaplos ko ang likuran nito at hinintay na humupa ang takot at pangamba niya, kahit na alam kong hindi ganoon kadali ang lahat. "We will die with you if it comes to that point."
BINABASA MO ANG
The Seekers (TKS #2)
FantasiaWattys 2016 Winner for Talk of the Town Category The death of evil is temporary. For when the strongest abhorrence lingers beneath Like a seed sown by darkness and evil It will make its way to bear chaos. Lucky are those who know nothing what lies...