LARA
Kanina ko pa naririnig ang walang tigil na paghikbi ni Amber habnag nakahiga ito sa kama, luhaan at puro pasa ang katawan, may benda ang ulo at magkabilang braso pati na ang kanang binti. Sa lagay nito'y mukhang napuruhan siya sa kanilang huling laban. Inaalo siya ng alagang pusa na si Jolly at nasa paanan nito ang nag-aalalang si Kaiser. Nakabantay naman sa kanang gilid ng kama sina Magret at Miranda habang naglalaro sa labas ng kwarto ang tahimik lang na si Blaire. Hindi ko nakayanang titigan ang kalagayan ng bestfriend ko, seeing her weak and vulnerable makes me weaker. It breaks my heart.
"Nakita ko siya," muling sambit ng babae saka sinundan ng hikbi. Kanina pa niya inuusal ang paglaho ni Mistress Fhaun sa kanyang balintataw. "Nakita ko siya Lara, nanghihina, at halos ayaw bitawan ang kamay ko. Kahit na sa malayuan, matapos niyang ikulong si Alvis sa nakakasilaw na liwanag, pagkatapos ng nakakabinging sigaw ni Alvis na tanging pangalan ni Fhaun ang nilalaman, naging makintab siyang kumpol ng abo na tinangay ng malakas na hangin sanhi para tuluyan na siyang mamaalam. Wala akong nagawa. Wala akong nagawa para iligtas siya Lara."
Napakuyom ako ng palad. Parang sa bawat salitang binibitawang salita nito'y mga piraso ng basag na salaming isa-isang tinutumpok sa loob ng aking puso. Wala rin akong nagawa. Doble ang sakit na nararamdaman ko ngayon dahil pakiramdam ko'y naging inutil ako sa loob ng ilang araw. Napabayaan ko sila. Hindi ko naprotektahan ang mga taong pinangako kong aalagaan ko at poprotektahan hangga't nabubuhay ako.
Muli kong nilingon si Amber. Pupungas-pungas pa ito habang humihikbi. Paulit-ulit nitong binabanggit ang pangalan ng yumaong preceptor. Hindi na rin napigilan nina Jolly at Miranda ang maiyak dahil sa mga nangyari. Samantalang tahimik lang si Magret sa isang sulok pero nakadungaw sa mga mata nito ang nag-uumpaw na kalungkutan. Si Kaiser nama'y kanina pa pinipigilan ang mga nakadungaw na luha sa gilid ng kanyang mga mata. Lumapit ako kay Amber na parang nilamon na naman ng kalungkutan at panghihina ng katawan, hinaplos ko ang sugatan nitong kamay. Pumatak pa doon ang kumawala kong luha dahil sa aking pagyuko.
"Lara, wala na si Mistress Fhaun... wala na siya," tila nananaginip na usal ni Amber habang nakapikit. Malayong-malayo sa nakasanayan naming Amber ang kaharap ko ngayon -malungkot, mahina at durog ang puso.
"Shhhh," hinaplos ko ang luhaang pisngi niyo. Pinunasan ko iyon ng aking mga palad saka inayos ang nagulo nitong buhok. I have never seen her so torn and broken like this. I cannot afford seeing her like this anymore. It's painful. Hindi na mauulit 'to. She deserves all the happiness in this world, pero hindi ko iyon naibigay dahil naging makasarili ako. Naging mahina ako. Naging duwag akong harapin ang mundo na wala si Laurent sa tabi ko. I have my share of mistakes, a major one. I have to stand up for Amber, for Alvis and the rest. "Patawarin mo ako Amber, patawarin mo ako't wala akong nagawa. Kung nandoon lang sana ako, baka nabago ang takbo ng oras. Baka nailigtas natin si Mistress Fhaun. Patawarin mo ako dahil nakalimot ako at naghimutok ng lubos dahil sa pag-alis ni Laurent."
"Ate, please don't blame yourself." Narinig ko ang paglapit ng mga yabag ni Kaiser mula sa kabilang dulo ng higaan ni Amber. Naramdaman ko na lang ang pagyakap nito saakin bilang pagdamay. "Everything happens for a reason, we wish we know what the reason is," muli ako nitong niyakap ng mahigpit saka nagpatuloy, "but life isn't about trying to find out what's the reason is, it's about accepting the reason why things happen this way. Alam ko mahirap tanggapin na wala na si Mistress Fhaun ate, but let's not dwell with the agony. We have to cherish the sacrifice she has made. Huwag nating sayangin ang sakripisyo niya para iligtas tayo."
"Stop blaming yourself," isang matigas na tono ang tumambad sa may pintuan. Sa tapang ng boses nito, alam kong si Priam Cloud ang dumating. "No one is to be blamed."
Nilingon ko ang lalaki. Halatang nilalabanan din nito ang kalungkutang sumilay sa kanyang mukha. Nanatiling malamig at walang buhay ang mga asul nitong mukha habang nakatayo lang sa tapat ng door frame.
BINABASA MO ANG
The Seekers (TKS #2)
FantasyWattys 2016 Winner for Talk of the Town Category The death of evil is temporary. For when the strongest abhorrence lingers beneath Like a seed sown by darkness and evil It will make its way to bear chaos. Lucky are those who know nothing what lies...
