39. Strike Down

25.7K 966 92
                                    

PRIAM

Ang time keeper, gate keeper at ang book keeper -tahimik na nakatayo sa kanyang likuran habang hinihintay ang tamang pagkakataon para tumakas. Nasa terasa sila, pantay ang lahat ng ilaw at sarado na ang pintuan sa silid niya. Kunwaring natutulog pa si Lara alas dos ng madaling araw. Hindi ito pinayagan ng hari nang tinangkang magpaalam para muling magpatuloy sa paglipon ng kanyang mga nawawalang guardians. This abrupt decision is because of what happened to Mistress Fhaun together with Alvis and Amber.

Naging mas mabilis ang desisyon niyang pasukin ang iba pang lagusan kung saan hinihinalang naroon ang iba pa nitong property guardians. Hanggang ngayon, hinihintay ko pa ang pagkakataong katukin niya ako sa kwarto at sabihing kailangan niya ng tulong ko para maisakatuparan ang kanyang misyon.

Kanina kasi'y tinanggihan niya ang kasunduang binibigay ko, hindi na siya nagdalawang isip na umalis sa mercenary guild at ipagpawalang bisa ang lahat ng tungkuling sinumpaan. She felt unfree by the rules that governed her. She's always been so stubborn from the very start, that was when I met her as a young girl....

Una ko siyang nakita noong tinangka nitong pasukin ang yungib ng pinagbabawal na kweba sa kagubatan malapit sa Calon sa Easteros. Naglalakbay ako noon at galing sa pagmamanman sa tore ng Typraz nang mapansin ko siyang parang walang takot na pumasok sa kwebang nasa pagitan ng Calon at bayan ng Parisi. Nabahala ako para sa kanya dahil walang sinuman ang nakakalabas sa kwebang 'yon ng buhay -trivialis man o isang keeper. Ilang minuto pagkatapos kong ipagsawalang bahala ang kalapastanganan niya, narinig ko ang isang nakakabinging tili ng isang batang palabas sa loob ng kweba. Napabalikwas ako at napakapit sa sanga ng punong kinahihigaan ko.

Nang lingunin ko siya'y mabilis itong tumatakbo palayo sa mga halimaw na nakasunod sa kanya. Wala itong galos at tila hindi man lang nagawang saktan ng mga mababangis na halimaw sa loob ng kweba. Wala akong nagawa kundi tumalon patungo sa kinaroroonan ng takot na si Lara at harangin ang mga humahabol sa kanyang halimaw. Mahina pa ang kapangyarihan ko noon kaya ang tanging nagawa ko lang at balandrahan ng isang makapal na pader na gawa sa yelo ang mga halimaw at mabilis na binuhat ang nanginginig na bata saka kumaripas ng takbo palayo.

Humihikbi pa siya noon habang nakayakap saakin. Bata pa lang ito, napansin ko na ang kagandahan sa kanyang mukha. Mukha itong madungis na anghel, nangungusap ang mga tsokolate nitong mata na pinalilibutan ng makapal na pilik-mata. Imbes na mainis ako at pagalitan siya sa kanyang pagtatangkang pasukin ang liblib na lugar na 'yon ay nahabag ako't minabuting ihatid siya sa kanilang tahanan.

"Anong pangalan mo taong yelo?" Naalala kong tanong nito saakin noon. Tila nawala ang kanina'y takot nito sa mukha nang ibaba ko siya ilang metro malapit sa kanilang bahay.

Hindi ako umimik. Dati pa namang hindi ako sanay na nagpapakilala sa mga taong nakakasalamuha ko bata man o matada. Tinakot ko ang batang babae sa pamamagitan ng nakakamatay kong titig ngunit tila hindi ito natinag at nagawa pa akong ngitian. Kakaiba ang ngiti sa mga mata nito na parang dala ang buong kalawakan -nag-uumapaw sa hiwaga.

"Ikaw si mandirigma?" napanguso nitong sabi nang hindi niya mahintay ang sagot ko. "Ikaw si mandirigma!" kinompirma niya ang kanyang hula na ako nga ang mandirigma. Siya na mismo ang sumagot sa sarili niyang tanong.

"Huh?" kunwari'y iritable kong sagot saka tumalikod. Nagdesisyon na akong umalis at iwan ito. Nakatatlong hakbang na ako nang muli ko itong marinig.

"Ako si Lala! Ako ang diwata!" malakas niyang sabi para tawagin ang atensyon ko. "Sabi ni ina, ang unang mandirigmang magliligtas saakin sa kapahamakan ang siyang nakatakdang lalaki na pakakasalan ko kaya tinatanong ko kung ikaw si mandirigma!"

The Seekers (TKS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon