10. The Lost Keeps

26.2K 1.2K 203
                                    

Thank you for your interest in this story. The story is also available at www.dreame.com.

You can also download the DREAME app to enjoy other exciting stories. Follow me on Dreame with the username RuruMonster!

***


Nanigas ako sa aking kinatatayuan habang pinagmamasdan ang magkahalong ekspresyon ng mga taong nasa harapan ng altar. Base sa reaksyon ng mga ito'y parang ang nangyayari saakin ngayon ang una sa lahat ng pagkakataon simula nang itaguyod ang seremonya ng mercenary ordainment.

Karamihan sa mga bisita ay kakikitaan ng gulat at pagtataka. Napakaraming mga tanong base sa nakikita kong ekspresyon ng kanilang mukha. Halos tabunan ako ng hiya dahil inasahan nilang magiging mahirap para saakin ang seremonya dahil anim na property ang dala-dala ko.

Pinaniniwalaang mas marami ang keeps, mas mahirap ang pagdadaanan ng isang keeper sa isang ordainment. Mas malala, hindi gaya ng nangyayari saakin ngayon na parang hindi man lang dinadapuan ng insekto.

Kaya pala ganoon na lang ang naging reaksyon ni Priam na isang tri-keeper. Hinuha ko'y lubos na nahirapan ito noong ordainment niya kaya inaasahan niyang doble ang hirap ko dahil nasaakin lahat ng elemento.

Anong gagawin ko? Magpapanggap pa akong nasasaktan din? Magkukunwari ba akong hirap na hirap sa mga hindi makitang enerhiyang kunwari'y humahampas saakin? Itatago ko pa ba ang katotohanang wala na ang anim na gabay ng aking mga keeps?

Paano ko ipapaliwanag sa lahat na wala na saakin ang mga makapangyarihang nilikha na minsa'y nagligtas sa buong sansinukuban? Paano nila paniniwalaang pumasa ako sa pre-ordainment test na hindi buo ang kapangyarihan sa aking katawan?

Nanatiling halos mamaluktot sa sakit ang apat kong kasama habang ako'y parang inuusig na ng mga mapanghusgang titig ng mga bisitang nasa harap ng altar? Halos maluha sa pamimilipit si Amber habang nakatagilid at yakap ang sikmura. Nanlamig ang buo kong katawan. Hindi ko inasahang mangayayari ang lahat ng 'to. Hindi ako nakapaghanda!

"Lara, just pretend!" Sigaw ni Mistress Fhaun sa isip ko. Tila alam na nito ang nangyari sa kapangyarihan ko.

"It's too late Mistress Fhaun," sagot ko sa dakilang witch habang pilit ikinukubli ang tulirong ekspresyon sa aking mukha. Huli na nga ang lahat dahil napansin na nila ang tunay na estado ng katawan ko.

"It's not yet too late. Mangisay ka! I'll cover you up," suhestiyon uli ni Fhaun. Mariin ang pagkakadikta nito sa utak ko at wala akong nakapang pagtutol sa aking ulirat. Maybe she's right. It's not yet too late.

Dahan-dahan kong ipinikit ang talukap ng mga mata ko. Kunwari'y hinahabol ko na ang aking hininga. Mahigpit kong hinawakan ang palda ng aking kasuotan at halos hilain ko na pataas ang hemline nito na tila kailangan ko ng makakapitan dahil sa sobrang kirot ng nararamdaman ko. Unti-unti, niyupi ko mula sa tuwid na pagkakatakda ang aking mga tuhod. Narinig ko pang tinawag ng aking ama ang aking pangalan bago ako tuluyang napapikit at nagku waring natumba sa matigas na marmol na platter.

Isang palabas lang ang lahat. Na-guilty ako dahil sa kasinungalingang nagawa ko pero kinailangan kong gawin iyon upang maiwasan pa ang espekulasyon at gulo. Sa oras na kumilos ang magic council para paimbestigahan ang tunay na nangyari saakin, alam kong damay pati ang kaharian at ang mga kaibigan ko. Ayoko nang maulit ang kaguluhang nagawa ng pagiging total keeper ko noon. Kailangan kong magkunwari para sa ikatatahimik ng lahat kahit na sa loob-loob ko'y dinudurog ako ng katotohanang wala na akong kakayahan para protektahan ang mga mahal ko sa buhay.

I let my guard down. All my reflexes were voided just to make a believable fall.

Naunang bumagsak ang balakang ko na halos durugin ng matigas na bato kasunod ng likuran kong binahiran ng kirot sa paghalik nito sa platter. Nauntog ang ulo ko. Masakit na tila niyanig ng pagkakauntog nito ang lahat ng ala-ala ko sa nakaraan. Nang tuluyan nang nakahilata ang aking katawan habang pinapalibutan ako ng mga dumadaing sa sakit kong mga kasama, pinaubaya ko na sa pwersa ng lupa ang lahat ng lakas na naipon sa bawat kalamnan ko.

The Seekers (TKS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon