Thank you for your interest in this story. The story is also available at www.dreame.com.
You can also download the DREAME app to enjoy other exciting stories. Follow me on Dreame with the username RuruMonster!
***
AMBER
This is it! Panahon na para hanapan ng jowa ang bestfriend kong si Fhaun at baka sakaling tubuan ng puting pakpak at maging kasing bait ni Alvis.
I have done my reasearch sa mga posibleng prospects. Nahanapan ko na ng paraan kung papaano ko iseset up ang tagpo ng mga ito kay Mistress Fhaun. Hawak ko ang match-making list na pinaghirapan ko at pinag-isipang mabuti. Hindi ako pwedeng pumalya sa misyon na 'to dahil dito nakasalalay ang forever ni Mistress Fhaun.
"Patingin ng listahan," pangungulit ni Kaiser habang naglalakad kami sa kalagitnaan ng merkado ng Cairos. Tinangka nitong agawin saakin ang listahan pero mabilis ko itong siniko sa sikmura.
Malakas ang tawa ni Cael nang makitang naisahan ko ang kapatid niya at halos hindi nakahinga sa ginawa kong pagsiko. Nasa likuran ko lang ang mga ito na parang mga batang nakikiusyoso habang nasa harapan namin sina Lara at Alvis na kanina pa nagtatawanan. Nakakairita ang gestures ng dalawa at parang walang Amber na nasasaktan para kay papa lulu.
Gosh! I really hate you papa lulu. Baka maubos ang kapangyarihan ko kakabantay kay Lara sa mga umeepal na boys. Malaki na ang ibabayad mo saakin pagbalik mo! Kakalbohin kita! Naisaloob ko habang naglalakad parin sa maingay na palengke ng Cairos.
Pupuntahan na namin ang unang sasabak sa lupit ni Fhaun. Ang unang ex boyfriend ni Mistress Fhaun na si Conrad Sanch. Antaray ni Fhaun, nagkajowa naman pala eh. Si sir Conrad ang nagmamay-ari ng pinakamalaking weapon gallery sa buong Cairos. Biyudo at may isang anak. Dati itong miyembro ng league of defense ng Cairos at nagkakilala sila ni Mistress Fhaun dahil kay reyna Elmaea.
Hindi na ginamit ni Alvis ang light transmission technique nito dahil wala ito sa misyon. Mahigpit na pinagbabawal ng mercenary guild ang paggamit ng keeps kapag nasa pampublikong lugar at kung hindi naman kailangan. Dahil isang anghel na matuwid si Alvis, hindi ko parin ito napilit na gamitin ang kakayahan niya kahit na ilang pagpapa-cute pa ang ginawa ko.
Buti pa si Laurent, he can break the rules anytime for his friends. Kaya team Laurent ako forever.
"Sabi mo, ang unang boyfriend ni Mistress Fhaun ay isang sundalo ng Cairos dati?" usisa ni Kaiser. Sinabayan ako nito sa paglalakad. Nakatrench coat ito ng kulay brown at nagbalat kayong isang ordinaryong mamamayan lang ng Cairos dahil sa suot nitong peluka.
Ganon din sina Cael at Lara na nakagayak ng pangkaraniwang kasuotan. Naka-wig ng kulay itim si Cael at si Lara nama'y nakasalamin ng makapal. Wala sa itsura ng mga ito ang pagiging mga anak ng hari.
Gone are the purple, red, gold and silver na dati'y kulay lang ng mga maharlika o reiol. Lahat ng mga mamamayan ay pwede nang magsuot ng kulay maharlika. Tinanggal na ng haring Holoma ang color coding na naging simbulo ng diskriminasyon sa loob ng maraming taon.
"Mukha kang tanga sa wig mo," irap ko kay Kaiser na halos idikit ang mukha sa pisngi ko para lang matignan ang listahan ko. Halos nalanghap nito ang hininga ko nang bulyawan ko.
Tila nalason naman si Kaiser sa pagsigaw ko sa kanya ng malapitan. He shook his head so incessantly as if trying to gather his consciousness. "Woah! Amoy isda ang hininga mo. Ano bang kinain mo?"
Natampal ko ito sa mukha ng di oras dahilan para matawa si Cael sa aming likuran.
Malakas ang tawa ng kapatid ni Lara. Walang tigil habang nakasunod saamin. "Mahal ka niyan Amber kaya balewala sa kanya kapag pinipisikal mo siya. Gawin mo ng madalas!"
BINABASA MO ANG
The Seekers (TKS #2)
FantasiaWattys 2016 Winner for Talk of the Town Category The death of evil is temporary. For when the strongest abhorrence lingers beneath Like a seed sown by darkness and evil It will make its way to bear chaos. Lucky are those who know nothing what lies...